Chapter 11

23 0 0
                                        

Chapter 11

"Hoy, wala na kayo ni Fiona?" kunot-noong tanong sa 'kin ni Nik. Naghihintay lang din si Jo sa sasabihin ko. Nandito ulit kami sa basketball court, kagagaling lang naming maglaro nang seryoso na parang totoo ang laban.

Tinungga ko ang basong may lamang malamig na tubig mula sa pitsel na dinala rito ni Nik. Malapit lang kasi 'yong bahay nila rito sa court. Hindi ko sila inimik agad kaya alam kong may balak na si Jo na batuhin ako ng bola.

"Sino ba 'yan?" sarkastiko kong pagtatanong.

"Gago ka ba? Syota mo 'yan!" Tumaas ang boses sa 'kin ni Jo na parang naiinip na sa sagot ko.

Ngumisi ako. "Wala akong syota." Tumayo ako at kinuha ang bola mula kay Jo at sinimulan itong i-dribble. Tumatakbo ako habang nag-d-dribble at na-i-shoot agad ang bola sa ring. Galing ko talaga.

"Hoy! Tarantado!" iritang sigaw ni Nik.

"Sagutin mo kami!" sigaw naman ni Jo.

Tumatawa ako nang nilingon sila. "Sinasagot ko na kayo!" Tinaas ko ang gitnang daliri sa kanila.

Parang hindi na yata nakapagtimpi pa si Jo at nilapitan na ako't sinapak sa tiyan.

"Pota!"

"Hindi kami nakikipagbiruan, Faith Aurora," seryosong anito at diniinan pa ang pagsambit sa pangalan ko.

Naitikom ko ang bibig at natigil sa pagtawa lalo na nang seryoso rin akong tiningnan ni Nik. Bumuntong hininga ako habang tinatakbo ang mga daliri sa pawisan ko nang buhok. Alam kong hindi na talaga mabibiro pa si Jo kapag dalawang pangalan ko na ang sinasambit nito dahil wala na siyang pakialam kung magalit man ako sa pagbanggit sa pangalang kinasusuklaman ko.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa stage ng court. Sa kanilang dalawa ni Nik, siya 'yong mas maikli ang pasensiya sa 'kin dahil si Nik, natitiis ako sa kahit anong pagkakataon. Mas may pasensiya si Nik.

Umupo na ako. Sumunod naman sila nang tahimik at seryoso.

"Uulitin ko pa ba ang tanong?" Nauubusan na ng pasensiya si Jo pero wala akong pakialam kaya ngumisi lang ako.

"Wala na kami, okay na ba?"

Napasinghap silang dalawa.

"Bakit? Kailan pa? Hindi mo sinabi sa 'min!" matigas na sigaw ni Nik at nagsimula na ring sakupin ng inis ang mukha niya.

"Akala ko ba mag-tropa tayo rito, ba't ngayon mo lang sinabi sa 'min 'to?" Hindi nagbago ang pagiging seryoso ng boses ni Jo.

"Two weeks ago." Binalot na naman ng galit ang puso ko nang maalala ang lahat.

"Ang tagal na pala tapos pinili mong dibdibin lahat nang hindi sinasabi sa 'min," dismayadong saad ni Jo kaya napayuko ako. Pero agad ding nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Hindi gano'n kadaling sabihin dahil walang salita ang makakapagpaliwanag nang eksakto sa sakit na nararamdaman ko, kaya pasensiya dahil ngayon ko lang sinabi sa ilang beses n'yong pagtatanong."

Saglit silang natahimik. Pinaikot-ikot ko ang bola sa daliri ko dahil sa nakakabinging katahimikan. Ini-imagine kong si Sanya 'tong bola na nagmamakaawang tigilan na siyang paikutin.

"Ba't kayo nag-break? Kung handa ka na ngayon, sabihin mo sa 'min," kalmado nang sabi ni Jo na parang malamig na ang ulo at naiintindihan na ako.

Napangisi ako at napabuntong-hininga. "Pinag-tripan lang pala ako. Dare lang ng mga demonyo niyang kaibigan at ang demonyita kong pinsan anv mastermind. Akalain mo 'yon, naging tanga't uto-uto ako sa pitong buwan na 'yon." Tumawa ako habang patuloy na inikot-ikot ang bola sa index finger ko. Tsk. Back to zero.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now