Chapter 31

52 0 0
                                    

Chapter 31

"Ano nga'ng meron sa inyo? Kayo na ba, ha?!"

Kanina pa ako kinukulit nang paulit-ulit ni Nik. Naririndi na ako at napapagod na rin kakaiwas dahil halos buong araw niya akong binulabog kahit hindi na kami magkaklase pa. Hindi talaga nakatiis at sa t'wing may vacant siya kasabay sa vacant ko ay hinahatak ako palabas sa classroom ko para kulitin.

Huminga ako nang malalim saka sinamaan siya ng tingin. Uwian na ngayon at papunta pa ako sa trabaho, pero heto siya, hindi pa rin ako tinitigilan.

"'Wag mo 'kong matingnan nang gan'yan!" Sinalubungan niya 'ko ng kilay. Parang naiinis na siya sa 'kin. Sino ba namang hindi? Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses niya na akong tinanong. "Hoy, Rory. Kilala mo ako, hindi ko tinitigilan ang isang tao hangga't hindi ako sinasagot sa gusto kong marinig. Kaya humanda ka, hanggang sa panaginip mo susundan kita at mumultuhin ng tanong ko."

Kahit napaka-seryoso na ng mukha niya ay natawa ako. "Hayop, para kang nasa pelikula."

Napamura ako nang bigla niyang sinikuhan ang tagiliran ko.

"Tangina, seryoso nga ako!"

Napalunok ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Naglaho rin ang pagkatuwa ko sa loob-loob nang makita kung paano niya ako titigan nang diretso nang seryoso, na parang binabalaan ako.

"Hindi na ako nakikipag-joke, please lang. Baka bukas makalawa, friendship over na tayo."

Kinabahan naman ako roon. Hindi ko kasi siya ma-seryoso sa halos lahat ng oras kaya ang hirap ding matukoy kung kailan ba siya seryoso. Napakurap ako nang binitawan niya ang braso ko at tinalikuran ako.

"Nik!" Nag-panick ako. Mabilis ang mga lakad niya kaya binilisan ko rin ang paglalakad.

"Nik!" pag-ulit ko dahil hindi pa rin siya nakikinig at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Inakbayan ko agad siya nang mahigpit nang maabutan siya. Hiningal pa ako nang kaunti kahit lakad-takbo lang naman 'yong ginawa namin.

"Ito na nga... sasabihin na," napipilitan kong ani. Halos bulong na nga 'yon.

Automatic na halos mabali ang leeg niya nang lumingon kahit pa parang magkaka-stiff neck na siya kanina na sa iisang direksyon lang nakatutok ang ulo.

Nalaglag ang panga ko nang lumaki ang ngiti niya. "Yes!" Napasuntok pa siya sa hangin.

Napalayo agad ako. "Punyeta ka, madaya!"

"Wala nang bawian! Sabihin mo na!" Napangisi siya saka inakbayan ako nang mahigpit.

Wala naman na akong choice dahil hawak niya na ako sa leeg. Hindi ko naman na p'wedeng bawiin 'yong sinabi ko dahil sa takot na totohanin niya 'yong sinabi niya na friendship over na kami 'pag 'di ko sasabihin. Wala na nga'ng mga magulang, mawawalan pa ng kaibigan. Pakshet na buhay.

"Ilang ulit na akong nagtanong kaya hindi ko na uulitin."

Nakaupo kami ngayon sa medyo tagong parte ng school. Naninigurado lang dahil baka may makarinig. Hindi naman sa kinakahiya ko, hindi lang ako handang may ibang makaalam.

"Hindi kami," paunang sabi ko. Tumaas naman agad ang kilay niya at akmang magsasalita pero inunahan ko na siya, "Patapusin mo ako. Hindi kami, pero may something, gano'n." Nag-iwas agad ako ng tingin nang ilang beses siyang napakurap. Ilang mura ang pinakawalan ko sa isip ko.

Para siyang tangang natulala sa 'kin kaya tinakpan ko ng palad ko ang pagmumukha niya.

"Sa oras na tawanan mo 'ko, friendship over na tayo."

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now