Chapter 2: Engagement Party

827 21 0
                                    

Alas-otso na ng umaga nang magising ako sa alarm ko. Pagmulat ng mga mata ko ay nasilaw ako sa liwanag ng araw, agad ko ring naramdaman ang sakit ng ulo ko.

"Fucking hangover." bulong ko sa sarili ko.

What happened last night?

Wala na akong gaanong maalala, hindi ko na nga maalala kung paano ako nakarating dito sa bahay.

Nagpunta ako ng CR at kinalkal ang medicine box nila para maghanap ng gamot sa hangover ko. Naligo na rin ako para makakain na dahil kanina pa tumutunog ang tiyan ko.

Bumaba na ako ng dining room at nakita ko si mommy na naghahanda ng almusal. Saktong sakto at gutom na ako.

"Good morning sweetie. How are you? Do you have a hangover?" concerned na tanong niya.

Paano niya nalaman na uminom ako kagabi? Nakalimutan kong magpaalam kay mommy.

"Yes Mom, how did you know?" kinakabahan na tanong ko.

"Umuwi kayong magkasama ni Niccolo kagabi, but you were passed out sa sobrang lasing. I guess you don't remember anymore." natatawang sagot niya.

Shit. Si Niccolo ang nag uwi sa akin kagabi? How?

"I-I'm sorry Mom, hindi ako nakapag-paalam sa iyo kagabi." nakokonsensiyang sagot ko.

"It's okay sweetie. As much as I like that you're bonding with Niccolo, next time magpaalam ka ha?" paalala niya sa akin.

"Actually, si Gwen po ang nag-aya sa akin papunta ng Palms Resort. We just ran into Niccolo." paliwanag ko. Tumango siya at nagpatuloy sa pagluluto. "Nasaan nga po pala si Niccolo at Tito Matthew?"

"Oh, nasa office sila ngayon. It's Monday and they have work hija." sagot niya.

Office? Work? So may trabaho pala si Niccolo?

Hindi ko mawari kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa kaniya. Napaka misteryosong nilalang niya. Hindi rin naman ako nagtatanong kay mommy tungkol sa buhay nila.

"By the way, magkakaroon ng engagement party ang Tito Matthew mo at ako. Here in this house. So get ready ha? The party starts at 9 PM." sabi ni mommy.

"There's party? But I don't see anyone preparing?" pagtatanong ko.

"Oh that's already taken care of. May crews na darating dito mamaya para sila na ang mag set up ng event." sagot niya.

Inihapag na niya ang pagkain pagkatapos niya at sabay kaming kumain. Hindi rin kami gaanong nakapagusap dahil busy siya sa phone niya. Ganito palagi ang set-up namin kahit noong dalawa pa lang kami sa bahay namin.

She's always busy with our family business. Hindi niya kailangang mag-work noon pero simula nang namatay si Daddy ay sa kaniya na napunta ang responsibilidad sa business namin.

Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos kumain at naghanap ng masusuot para sa party. Saka ko lamang narealize na walang magandang damit para sa occasion na ito. Kaunting damit lang ang nadala ko noong iniwan namin ang bahay namin.

Dali-dali akong bumaba at nagpaalam kay mommy para mamili ng damit sa mall. Nagpahatid lamang ako sa driver nila Tito Matthew papunta ng mall.

Mabilis lamang akong natapos mamili at pauwi na kami. Nagtaka naman ako nang huminto kami sa may parking lot ng isang building.

"Bakit po tayo huminto?" pagtatanong ko sa driver.

"May kailangan lang pong daanan kay sir Matthew, Ma'am." sagot ng driver sa akin bago siya bumaba.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon