Chapter 52: Beginning of an End

391 8 0
                                    

"I still can't believe you proposed to me. You were just mad at me two days ago." I asked Niccolo while looking at my ring. Katabi ko pa rin siya sa kama ngayon at tanging kumot lang ang saplot namin.

"I couldn't stay mad for long. Besides, I needed to see you. We have to tell dad everything before Celine ruins it for us." sagot niya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"W-What? What happened with her?" I asked him.

"The night you stayed at my condo, sinubukan kong makipag-break sa kaniya kinabukasan pagpasok ko sa office. Before I had the chance to do it, she threatened me that she will tell dad everything that we did. Natakot ako, hindi dahil sa posibilidad na mawala sakin ang kumpanya, kundi dahil ayokong kunin ni Celine ang karapatan nating dalawa na magsabi ng totoo." he explained.

Nakaramdam naman ako ng kaba. What if Celine already told his dad? Paano nalang namin haharapin ang magulang namin?

"And at the wedding, she was really mad when I kicked her out to talk to you, pero sinundan ko siya pagkatapos ng kasal."

Medyo nakaramdam naman ako ng selos sa sinabi niya. Iniwan niya ako sa kasal para lang sundan si Celine?

"Oh." maikling sagot ko.

Binalingan niya ako ng tingin at napangiti, "I only followed her because I asked her to let me be the one to tell dad everything." aniya at hinawi ang buhok ko.

"So, did she finally decide to be a decent person for once?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.

Umiling siya, "Hindi siya pumayag sa pakiusap ko, and I figured it was only a matter of time before she reaches out to dad."

Nanlaki ang mga mata ko at napaupo, "W-What?! What if she's already on her way to tell your dad, o-or she already has?" taranta kong tanong sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko, "She can't do that. Tinawagan ko ang secretary ni dad noong hindi pumayag si Celine sa hiling ko, para alamin kung nasaan si dad. I ordered his secretary na huwag sabihin kay Celine kung nasaan man si dad and to ignore her calls. I'm still the boss at our company kaya sinunod niya ako."

Nakahinga ako nang maluwag at humigang muli sa tabi ni Niccolo. We still have the chance to be the one who tells his dad the truth.

"Thank God. Do you know where your dad is?" tanong kong muli.

"Yes, he was on his usual business trip to Cebu and he's about to go home in an hour." sagot niya habang inuusisa ang wall clock.

"What?!" sigaw ko. "Why didn't you tell me!" kunot-noo kong sabi at hinampas ang tiyan niya.

Ni hindi man lang siya nakaramdam ng sakit sa ginawa ko at bagkus ay tumawa pa, palibhasa'y puno ng muscle ang tiyan niya.

Nagmamadali akong bumangon sa kama at pinulot ang damit kong nagkalat sa sahig, "Why are you laughing? This is serious Niccolo!" inis kong sabi sa kaniya.

Nakangiti lamang siya habang pinapanood akong tarantang nagbibihis. Pinulot ko ang damit niya at hinagis sa mukha niya.

"Get up! If we don't go there before Celine finds out we are so fucked!" sermon ko sa kaniya.

"Baby, just chill." aniya habang nakangiti pa rin at komportableng nakahiga. Tinignan ko siya nang masama. "There's nothing to be afraid of, kahit ano mang maging reaksyon ni dad sa lahat ng 'to, it doesn't matter." kalmadong sabi niya.

"It does! Oh my God, if I see that Celine I'm going to end her." sigaw ko sa kaniya.

Bumangon siya sa pagkakahiga at hinarap ako. Hinawakan niya ang magkabila kong braso, "As long as we have each other, we'll be okay. I took care of everything for the last two days. Even if they disown us, I will provide for you and for our daughter. Okay?" paliwanag niya at hinalikan ang noo ko.

Gumaan ng kaunti ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Malaki ang tiwala ko kay Niccolo na kahit ano mang mangyari ay hindi niya ako pababayaan.

"O-Okay." huminga ako nang malalim, "Just get ready!" sermon ko sa kaniya.

Sinuot niya ang long sleeves niya at slacks niya, mabuti na lamang at hindi nagusot ang mga ito kahit na kagagaling lamang nito sa sahig.

Nang makapag-ayos kami ay nilisan na namin ang hotel room. Tinignan ko ang oras sa relo, it's almost 2 PM. Pinuntahan namin ni Niccolo ang parking lot kung nasaan ang sasakyan niya.

Binuksan siya ang pinto ng isang hindi pamilyar na kotse. Napahinto naman ako, "Is this your car?" turo ko sa isang Mercedes Benz GLC.

Tumango siya, "Oh, yeah. I just bought this yesterday." aniya.

"What? Why?" curious kong tanong.

"Well, I wanted a more spacious car instead of the BMW I had. Para kasya ang gamit ni Nikki. Besides, it's safer." paliwanag niya.

Humarap ako sa kabilang banda at palihim na ngumiti, even with just a simple thing he shows me that he cares about our daughter. Well, not-so-little, considering the price of this car.

"Are you okay?" tanong niya sa akin. Hinarap ko siyang muli at tumango.

"Y-Yeah, let's go?" aya ko a kaniya at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

Nang makapasok ako ay kinabit niya ang seatbelt ko bago dumako sa driver's seat. Tinignan kong muli ang singsing sa mga kamay ko.

"Should I hide it?" tanong ko sa kaniya.

"Why?" pagbabalik-tanong niya sa akin at binuksan ang engine ng sasakyan.

"Ayoko lang na makita nila bago pa natin maipaliwanag ang lahat. The diamond is too big and bright, I'm sure they'll notice it first hand." paliwanag ko sa kaniya.

He held my chin and smiled, "You don't have to do that, I want them to know we are engaged." saka kinuha ang kamay ko at hinalikan.

I smiled at him. Nagsimula siyang magmaneho paalis ng parking lot. Nasa 20 minutes and kalayuan ng bahay nila mula rito sa hotel.

Habang papalapit kami nang papalapit ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Pinanood kong magmaneho si Niccolo, tila ba walang bahid ng kaba sa mukha niya o sa kilos niya. Ang bukod tanging nakikita ko sa kaniya ay walang iba kundi ang saya.

"We're here." anunsyo niya sa akin.

Nauna na akong lumabas ng sasakyan at pinagmasdan ko ang labas ng mansyon, it felt nostalgic. This is where it all began.

Nilapitan ako ni Niccolo at hinawakan ang baywang ko, "Are you ready?" tanong niya sa akin.

"I-I guess. Are you?" kabado kong tanong sa kaniya.

"More than ready. As long as you have me, things will be fine, okay?" he reassured me.

Huminga ako nang malalim bago nagsimulang maglakad papasok ng mansyon. Tila ba nakakita ng multo ang mga tauhan nila rito sa bahay.

"Welcome back, ma'am Adaline." pagbati ng isa nilang katulong.

Tumango naman ako at naglabas ng ngiti. Nang makarating kami sa loob ng bahay ay mayroong nakahapag na iba't ibang pagkain sa long table.

"A-Anong meron? And where's everyone?" tanong ko kay Niccolo.

"I told them to prepare food since dad is coming home from a long business trip, and also because I was bringing you home. They're not here yet, maybe they took a little detour." paliwanag niya sa akin. "We should eat." pag-aaya niya sa akin.

"I-I don't think I can, Niccolo. I might throw up from so much nervousness." hindi mapakali kong sabi sa kaniya.

Hinila ko siya papuntang comfort room para doon mag-usap. Nagtataka naman siya sa ginagawa ko ngunit patuloy pa ring sumama sa akin.

"Why are we here?" tanong niya.

"We can't talk outside. N-Naroon ang maids niyo at b-baka marinig niya ang usapan natin." nauutal kong sabi sa kaniya.

He let out a laugh at napahawak sa batok niya, "You're too tense." aniya.

"Well duh?! Why aren't you? Bakit ba parang napakadali lang sayo lahat–" bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay sinunggaban niya ako ng halik.

Unti-unting napalitan ang kaba ko ng init at pagkauhaw sa kaniya.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon