Chapter 31: United

356 13 5
                                    

Lumipas ang dalawang araw at dumating na ang malaking araw para kay mommy at tito Matthew, at para na rin sa akin.

They're finally getting married, today.

Masaya ako para kay mommy dahil alam kong nakatagpo siya ng lalaking mamahalin siya nang lubos, kagaya ng ginawa ni dad. Kitang kita ko kung gaano siya kasaya habang tinitignan ko ang repleksyon niya sa salamin at nag-aayos ng wedding gown niya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha. Nilapitan ko siya at niyakap siya mula sa kaniyang likuran.

"I'm so happy for you, mommy. You deserve this." nakangiting sabi ko sa kaniya. Hinarap niya ako at hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos.

"Thank you, sweetie. This doesn't change anything between us, always remember that." malambing na sagot niya sa akin.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko, "I know dad's happy for you." sentimento ko kay mommy. Napansin ko rin ang pagluha niya, kaya't kumuha ako agad ng tissue para punasan ito. Baka magulo ang make up niya.

"Your dad will always hold a special place in my heart, he gave me you and I am beyond lucky to have you." ani mommy na mas lalong nagpalakas ng daloy ng luha ko sa mukha.

"I love you, mommy. Now please don't cry, I don't want you to ruin your make up." pagbibiro ko sa kaniya. She giggled before pulling me in for a hug.

Nang makawala siya sa pagkakayakap ay kinuha niya ang veil niya at iniabot ito sa akin. Senyales na gusto niyang ako mismo ang magkabit nito para sa kaniya.

Nang makuha ko ito mula sa kaniya ay tumalikod siya. Unti-unti kong inayos ang clip at inilagay ang veil niya sa itaas ng ulo niya.

She looks so pretty.

I can't help but smile, dama ko rin ang sayang nararamdaman niya.

Napalingon kami nang mayroong kumatok sa pinto.

Bumungad si Niccolo na nakasuot ng white tux at mayroon itong bow, may nakalagay ding corsage sa kaliwang dibdib niya. Iba pa rin talaga ang itsura at awra niya sa tuwing nakausot siya ng tuxedo.

I can't get over the fact that he looks good.

Pumasok siya at saka nakipag-beso kay mommy. "I'm happy for you and dad, tita Sophie." pagbati niya kay mommy at saka siya naglabas ng kaunting ngiti. Binalingan niya ako, "I'm just here to call Adaline, the wedding is about to start." paalala niya sa amin.

"Oh okay, thanks hijo. You two go ahead." nakangiting sabi ni mommy. Nahalata ko ang kaba sa kaniya.

"Wait for me outside." pakiusap ko kay Niccolo. Tumango naman siya bago kami nilisan ni mommy sa dressing room. "Don't be nervous, mommy. I'll be right there. You should be enjoying, this is your day." sinubukan ko namang pagaanin ang kaba ni mommy.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka huminga nang malalim, "Thank you, sweetheart. I don't know what I'd do without you." sentimento niya sa akin.

Muli ko siyang niyakap bago ko nilisan ang kwartong iyon. Nakita ko namang nakapamulsang naghihintay si Niccolo sa labas.

"I'm sorry that took too long." paumanhin ko sa kaniya, hindi ko mawari kung nainis ba siya kakahintay.

"It's fine, we should go." maikling sagot niya. Now I know he's pissed.

"Are you mad?" pagtatanong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako sinagot at bagkus ay patuloy lang naglakad papunta sa hall. Nakaramdam naman ako ng inis at muli ko siyang tinanong, "Are you seriously mad that I just wanted to comfort my nervous mother who's about to get married?!" pagtataas ko ng boses sa kaniya. Mabuti na lamang at walang gaanong tao banda rito.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon