Chapter 25: Final Wish

410 15 3
                                    

"What are you doing here?"

Hindi ko namalayang narito pala si Gwen. Nakatayo siya malapit sa akin at nakakunot ang noo niya. She probably knows about the truth, too.

Napatayo naman ako mula sa pagkakasandal ko sa pinto ni Adaline. Hindi ko na alam kung ilang oras ang nakalipas, all I know is I'm waiting for her to open up.

"S-Sorry, I just wanted to talk to her." sagot ko sa kaibigan ni Adaline.

She crossed her arms, "If she wanted to talk you she would've been out of that room." she said firmly. Mukhang gusto niya akong paalisin.

"Please, I want to wait a little longer. I'm not leaving until she comes out." paninindigan ko sa kaniya. Hindi ako papayag na umalis ako rito nang hindi siya nakakausap.

"You hurt her, you hurt her bad. I've never seen her like this. Men like you are the reason why she's afraid to love again. Saan ka humuhugot ng kapal ng mukha para magpakita pa rito?" iritang sagot niya sa akin. Ramdam kong maski siya ay galit sa akin. Tanggap ko naman iyon, alam kong parang kapatid na ang turingan nila sa isa't isa kaya naman hindi ko siya masisisi.

"Nakikiusap ako Gwen, pagbigyan mo na ako. Gusto ko lang siyang makausap. Mahal ko siya, at handa akong gawin lahat para mapatawad niya ako." I pleaded to her.

"Ang hirap naman yatang paniwalaan niyan, Niccolo. After knowing the fact that all this time pinaglalaruan mo lang ang kaibigan ko. Hindi mo pwedeng hingin sa kaniyang mapatawad ka niya agad, masiyado ka nang makasarili kung pati iyon ay nanaisin mo pa." sagot niya sa akin.

She has a point. Siguro nga ay masiyado kong minamadali si Adaline. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, hindi ko makakayang hayaan nalang na lumipas ang mga araw na mayroong galit sa akin si Adaline. Hindi ko siya kayang pakawalan.

"I'm not leaving here." pagmamatigas ko sa kaniya.

"Bahala ka, kapag namatay sa gutom si Adaline para lang huwag kang makita–" hindi pa natatapos ang sasabihin ni Gwen ay biglang bumukas ang pinto ni Adaline.

Parehas kaming napatingin sa kaniya.

I can see her red puffy eyes, dahil sa kakaiyak. Hindi ko mapigilang kamuhian lalo ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa kaniya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"I'll take it from here, Gwen." matamlay na sabi niya sa kaibigan niya. Hindi niya pa rin ako tinitignan.

Naramdaman ko naman ang pagtango ni Gwen at saka siya nagmarcha paalis dito. Sinundan pa ng tingin ni Adaline ang kaibigan niya bago niya ako tinignan, finally.

Nakaramdam ako ng kaba sa mga sasabihin niya. Ngayon lamang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko.

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yong ayaw na kitang makita ulit?" tila ba nabasag ako sa narinig kong iyon.

This is it, she's really done with me.

"What are you still doing here, Niccolo? Kung iniisip mong mapapatawad pa kita kahit umiyak ka ng dugo sa harap ko ngayon, nagkakamali ka. When I say we're done, we are done. I get your reasons for doing those shit, but I also have my reasons why we shouldn't do this anymore." seryosong pagkakasabi niya sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ko na talaga mababago pa ang isip niya. Nag-iwas tingin siya,  "All of this is nothing but a big mistake."

Tila ba bumagsak ang buong sistema ko sa huling sinabi niya. Is that what she really thinks? Na isang malaking pagkamamali lang ako sa buhay niya?

"Baby.." I said softly, still trying to beg for her forgiveness. "You don't really mean that. Please, I can still make it right."

"You can't, because I'm choosing to end this." she answered with no hesitation.

I don't want to give up, but I feel like all the hope I have left in me went away. Gusto kong isipin na nasasabi niya lamang ito dahil galit pa siya sa akin, ngunit ang nakikita ko ngayon ay buo na ang desisyon niya. Bakas ito sa mukha niya.

"Look me in the eye and say that one more time, then I'll leave you alone– if that's what you really want."

God knows how much I prayed for her not to do that. Hindi ko makakaya kung iyon talaga ang gusto niya.

Ngunit unti-unti niya akong hinarap muli, "Itigil na natin 'to, Niccolo. Please, just leave." sinabi niya iyon na walang kahirap-hirap na nakatingin sa mata ko. I really hurt her, at mukhang hindi na niya ako mapapatawad pa.

Perhaps, I tried too hard, too early. But I can't let her go even for just a second.

Wala akong magawa kundi tignan ang labi niya, if only I knew that would be our last kiss I would've kissed her a little longer. I stared at her face before I totally lose her, I feel helpless.

"I'm really sorry, Adaline. I'm sorry for hurting you. I hope you find it in your heart to forgive me, because I won't ever be able to forgive myself knowing that I hurt the woman I love the most. And for me, all of this may be a big mistake, but my feelings are not. Ang mahalin ka ang bukod tanging tama sa lahat ng pagkakamali ko." alam kong hindi na mababago ang isip niya, but I want her to know what I truly feel for her– kahit hindi na niya ito paniwalaan.

Hinawakan ko ang kamay niya ngunit agad niya rin itong binawi mula sa mga kamay ko.

"Please, just go Niccolo. For the sake of our parents, let's keep things formal between us. Kung talagang minahal mo ako, huwag na nating hayaan na masaktan at masira pa silang pareho dahil rito. Iyon nalang ang hinihiling ko sayo." mukhang buo na talaga ang desisyon niya.

Hindi ko na siya mapipilit pa.

Tinalikuran na niya ako at muling pumasok sa kwarto niya. Sa bawat hakbang niya ay ramdam ko ang sakit na nais ko siyang pigilan pero hindi ko na pwedeng gawin.

I have to respect her decision, baka sakali– baka sakaling sa paraang iyon ay mapatawad niya ako kahit paano.

Kahit labag sa loob kong iwan ang bahay na iyon ay ginawa ko. I drove away from Batangas at umuwi ako ng Manila. I've never felt this hurt before, if it isn't the consequences of my actions.

But I still believe it is not yet the end, I will not let us end like this. Kahit ano pa ang maging desisyon niya, basta't maging okay kami. I will settle for that.

Kahit sa malayo ko nalang siya mahalin, as long as I'm no longer hurting her– tatanggapin ko.

Mahal kita, Adaline.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon