Chapter 24: Two Sides

423 14 0
                                    

"No need. You'll never hear from me again. I will never forgive you for this." sinabi niya ito nang may paninindigan sa salita niya. "Good bye, Niccolo." pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad siya palayo sa akin.

Gusto ko siyang pigilan, gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang ipaglaban, ngunit natatakot ako sa mga maaari pa niyang sabihin.

I might never see her again after this, ngunit alam ko sa sarili kong hindi ko kaya iyon. Hindi ko kayang mawala ang babaeng ito sa buhay ko.

I was wrong, akala'y kong wala akong pakialam kung masaktan ko siya. I was so damn wrong, because I care. I care now that I've hurt and lost her, and it hurts me too.

I deserve this, for being a bad person. I deserve every bad thing for hurting her. She didn't deserve this.

But fuck, I can't let her go.

Muli kong hinarap si Jax na ngayon ay nakatayong nanonood sa akin. Basag ang pagmumukha niya sa natamo niyang mga suntok mula sa akin.

Wala akong nararamdaman sa kaniya ngayon kundi galit. Kulang pa ang ginawa ko sa mga kagaguhan niya. He had no right to tell Adaline everything, sa akin dapat manggaling ang katotohanan.

"Don't fucking show your face to me again if you still want to live." pagbabanta ko sa kaniya at agad siyang iniwan doon.

Sumakay ako sa kotse at agad kong tinawagan ang secretary ko na pansamantala muna akong hindi makakapasok ng opisina lalo na't lunes bukas. Aayusin ko muna ang gusot na ito, before it gets worse at makarating kay dad.

Pagkatapos ng call na iyon ay umuwi muna ako ng condo ko, I had a few drinks para humugot ng lakas ng loob na harapin ulit si Adaline. Gusto ko rin munang bigyan siya ng space pansamantala, alam kong hindi pa siya handang makita akong muli.

Saka ko lamang naalala ang kasal na iniwan namin. They're all probably wondering kung nasaan kaming tatlo. But I couldn't care less anymore, si Adaline lang ang laman ng buong isip ko.

Napahawak ako sa noo ko at unti-unting minamassage pagitan ng mata ko. Nag-iisip ako nang maari kong gawin para makapagpaliwanag kay Adaline.

Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at nagmaneho pauwi sa bahay, nagbabakasakaling naroon siya. Pagkarating ko ay agad kong nakita si tita Sophie.

"Good evening, tita. Have you seen Adaline?" deretsyong tanong ko sa kaniya.

"Uh, yes hijo. Nagpaalam siyang uuwi muna ng Batangas. She said she has to do somw work there. Why?" paliwanag niya sa akin.

"I-I just need to discuss some business ideas with her." pagdadahilan ko. Mahirap na't baka magtaka pa siya kung bakit ko hinahanap ang anak niya ng ganitong oras.

Tumango siya, "Oh, okay. Is it urgent? You can just tell her when she gets home." she smiled.

"Uhm, yes tita it's pretty urgent." sagot ko sa kaniya. Muli siyang tumango at saka ako pinakawalan sa usapan namin.

Nagmadali akong sumakay ng sasakyan para puntahan siya sa Batangas. Kabado ako sa buong biyahe, hindi ko alam paano ko sisimulang magpaliwanag sa kaniya– o kung papakinggan niya ba ako.

Nang makarating ako sa bahay nila sa Batangas ay nakita kong naka-park ang sasakyan ng mommy niya sa driveway nila. Nakaramdam naman ako ng pagasa nang malaman kong narito siya.

Agad akong bumaba ng sasakyan at sinubukang kumatok sa front door ng bahay nila. Ngunit walang nagbubukas rito, kaya't sinubukan kong maghanap ng spare key.

Hinalughog ko ang harap ng bahay nila at sa wakas ay nagtagumpay ako nang makita ko ang spare key ng bahay nila sa ilalim ng paso.

May halong panginginig ang kamay ko nang sinubukan kong buksan ang pinto. Bumukas ito at walang tao sa loob. Kabado akong naglakad papunta sa loob, baka lalo lamang siyang magalit sa akin kapag nakita niya ako. Or worse, baka tumawag siya ng pulis dahil trespassing itong ginagawa ko.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon