Chapter 41: Lovely Home

270 13 1
                                    

"Do you wanna grab dinner?" I asked Adaline.

Umiling siya, "N-No, I'm good. I should get going now."

"I'm sorry if I wasted your time." paumanhin ko sa kaniya. Mukhang marami pa siyang importanteng gagawin at kinailangan pa naming magkita para masagot ang mga katanungan kong nawala rin naman nang makita ko siya.

"What? No! After all these years, this is the least that I can do." yumuko siya pagkatapos sabihin iyon.

"I really have no questions left, Adaline. As long as you're happy, I'll be happy for you. It's been four years, after all. It's just right for us to move on already."

Tango na lamang ang naisagot niya sa sinabi kong iyon.

"If that's the case, I'll see you around." paalam niya at humakbang palayo rito, ngunit bago pa siya makalayo ay pinigilan ko siya.

"W-Wait!" sigaw ko. Nilingon niya ako at hinihintay ang susunod kong sasabihin, "Will we meet again?" I asked her.

Bakas sa mukha niyang napaisip siya sa sinabi ko. Huminga siya nang malalim bago niya ako sinagot, "I don't know, Niccolo. I know you're here for your business conference, at mukhang wala na rin naman tayong dapat pagusapan?" patanong na sagot niya sa akin.

She's right, but something tells me this won't be the last.

"Okay. I just figured I should check in on you while I'm here since your mother asked me to." pagpapaalala ko sa kaniya.

Napansin ko namang nag-iba ang ekspresyon niya sa mukha, she looks worried.

"D-Don't worry about it, I'll just talk to her. I-I have to go, good bye Niccolo." tinalikuran niya ako't dali-dali siyang naglakad palayo.

Strange.

"W-Wait!" muli kong pagpipigil sa kaniya. Nang maabutan ko siya ay pinigilan ko siya sa braso niya, "Can I at least drive you home?" tanong ko sa kaniya.

"No need, James will pick me up." mabilis na sagot naman niya.

Napakagat naman ako sa labi ko, I almost forgot that she's together with James.

"I don't see him anywhere." pagpupumilit ko sa kaniya.

"He'll be here soon. Just go home, Niccolo." sagot niya nang hindi man lang ako hinaharap.

"Then I'll wait until he gets here." pagmamatigas ko sa kaniya.

I'm just being a nice "step-brother" to her, making sure she's safe.

"After four years, hindi ka pa rin talaga nagbabago 'no? You're still stubborn kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo." tila ba iritable niyang sagot.

"Woah, why the sudden mood swing?" takhang tanong ko sa kaniya.

Narinig ko naman siyang pabulong na magmura, "Fine, I'll let you drive me home but this will be the last time we see each other."

Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon.

"Kakakita lang natin, pinagtatabuyan mo na naman ulit ako." sentimento ko sa kaniya.

Finally, she looked at me. Tila ba nakonsensiya siya sa sinabi niyang iyon sa akin.

"Let's go." pag-aaya niya sa akin at nauna nang maglakad papunta sa parking lot.

Napahawak naman ako sa batok ko, bakit ba biglang nagsusungit ito?

Sinundan ko siya at inunahang makarating sa parking lot. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan at tila ba nagdadalawang isip pa siyang sumakay.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon