Chapter 9: Official Date

615 10 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na nagmumula sa malaking bintana ng kwarto ni Niccolo.

Agad ko siyang hinarap ngunit nakita kong wala na siya sa tabi ko. Saan kaya siya nagpunta? Tinignan ko ang wall clock niya at alas-siyete na ng umaga.

Nag-ayos ako ng itsura at saka tumayo para lumabas ng kwarto niya. Saktong pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Niccolo na naka-tapis lamang ng twalya sa ibabang katawan niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napatulala sa kaniya. Ganito pala ang itsura ng katawan niya kapag wala siyang damit. Kitang kita mo kung gaano ka-toned ang muscles niya. Maganda rin ang kutis niya, palibhasa'y sa opisina ang trabaho niya. Napansin ko ring may tattoo siya sa left pec niya, mukhang greek letters ito.

"Enjoying the view?" nakangisi siya.

Nawala ako sa pagkakatulala ko at tinignan siya, "H-Ha?"

"Sabihin mo nalang kapag tapos ka nang tumitig sa katawan ko. I need to go to work." sarkastikong sabi niya.

Agad akong umalis sa harapan niya, "S-Sorry." Shit, bakit ba nauutal ako?

Nakita ko naman siyang umiiling at pumasok na sa kwarto niya. Mukhang kagagaling lamang niyang maligo at magbibihis na siya. Samantalang ako ay kagigising lang at wala pang ligo.

Nadatnan ko ang dining area niya na may nakahaing blueberry pancakes at hot chocolate. Siya ba ang may gawa nito?

Muli siyang lumabas ng kwarto at nakita niya ako, "You should eat, then if you'd like to take a shower I have spare clothes that'll fit you. After that, ihahatid na kita sa bahay."

"O-Okay, thanks." nakaka-overwhelm ang gestures niya.

Hinila niya ang upuan ko para sa akin at saka siya umupo sa harap ko. Medyo basa pa ang buhok niya at messy ito. Hindi maipagkakailang gwapo ang itsura niya.

"Stop staring at me and go eat." seryosong sabi niya.

"I-I wasn't staring." umiwas ako ng tingin.

Pinag-serve niya ako ng pancakes at nilagyan ko ito ng maple syrup. Masarap naman ito. Nakita ko ang mga kasangkapan sa kitchen niya, siguro ay siya nga ang gumawa ng breakfast na ito.

Natapos ang pagkain namin ng breakfast at dumeretsyo na ako sa bathroom niya. Glass ang shower niya at tanaw na tanaw kung sino mang naliligo rito.

Halos minimalist lang ang design at pare-parehas ang lalagyan ng mga sabon rito, kung hindi mo pa babasahin ay hindi mo matutukoy kung alin ang shampoo at body wash.

Binuksan ko ang shower at isa-isa kong inamoy ang mga bote, mababango ang mga ito. Minassage ko sa ulo ko ang shampoo, sunod ay ang shower gel niya at saka ako nagbanlaw.

Paglabas ko ng bathroom niya ay nakasuot lamang ako ng puting towel. Nakita ko siyang humihigop ng kape at pahapyaw na tumingin sa akin.

"Your clothes are in my bedroom." pag-iiwas tingin na sabi niya.

Dumeretsyo na ako sa kwarto niya at mayroong long black casual dress doon. Nilagay niya na rin doon ang sneakers na suot ko nang dumating ako rito.

"Kaninong damit kaya ito? If this is Celine's dress I'm gonna punch him in the fucking face." bulong ko sa aking sarili.

Sinuot ko na ito dahil wala na rin naman akong choice. Sakto lamang ito sa katawan ko. Naghanap ako ng suklay sa may nighstand niya at saka ko inayos ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng kwarto niya. Nakaayos na rin siya at suot niya ang work suit niya.

"You ready to go?" tanong niya.

"Yeah, let's go." deretsyong sabi ko sa kaniya.

"That was my cousin's dress, by the way." wika niya.

Tinanguan ko siya nang dahan dahan pagkat wala akong ideya kung bakit siya nagpapaliwanag. Is he a mind reader?

Pinagbuksan niya ako ng pinto at isinara ito nang makalabas siya. Nasa elevator na kami at saka ko lamang naalala ang mga naiwan kong damit, shit. Nakakahiya naman kung babalik pa kami, baka ma-late siya sa trabaho niya.

Nevermind.

Pagdating sa parking lot ay ibinukas niyang muli ang pinto ng sasakyan para sa akin. Kaunti na lamang ay masasanay na kong siya ang tiga bukas ng lahat ng bagay para sa akin.

Nang makasakay siya ay nagmaneho na siya kaagad paalis sa parking lot ng condo niya. Tahimik lamang ang biyahe nang bigla siyang magsalita.

"Do you want me to talk to them for you?" pagtatanong ni Niccolo.

"No it's okay, I got it. Gusto ko ring makausap si mommy."

Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Nakatingin lamang ako sa establishments na nadadaanan namin hanggang sa nakarating kami sa bahay nila. Tahimik lang ang naging buong ride namin, siguro ay parehas lamang kaming may iniisip.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Dumeretsyo ako ng kusina at nakita kong naroon si mommy sa harap ng laptop niya. Bago ko siya lapitan ay narinig ko ang busina ng kotse ni Niccolo, mukhang papasok na siya sa trabaho niya.

"Mom." pagbati ko kay mommy.

"Sweetie! I was so worried about you." tila ba maluluha siya. Niyakap niya ako.

"I'm sorry, mommy. I was just hurt. But I'm ready to talk about it now."

"You had every right to be hurt, Ada. I'm sorry dahil nagdesisyon ako nang hindi man lang pinapaalam sa iyo. I know how much your dad's business means to you. It means a lot to me too, that's why I had to make that decision." paliwanag niya.

Nginitian ko siya, "I understand, mom. What can I do to help?"

"I don't know if Nico already told you, but we asked him if he can go with you back to Batangas. I'm so thankful he agreed."

"Yes mom, he already told me about that."

"Where did the two of you go, by the way?" pagtatanong niya.

"I just asked him kung pwede niya ba ako samahang mag-unwind." sagot ko, ngunit mukhang hindi siya convinced.

"Anyway, you're gonna be doing your first open house back in Batangas. This could be your training ground, mommy's going to step down and you're going to be the new CEO of DeLana Estates." she said with a bittersweet smile.

Ramdam kong mahirap rin sa kaniya ang bitawan ang business ni daddy, pero kung ang gusto niya talaga ay maging full-time wife kay tito Matthew ay suportado ko siya. Kahit paano ay magiging involved pa rin naman siya sa business as consultant.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni mommy ay napagpasiyahan kong ipaalam kay Jax ito. Binuksan ko ang phone ko at tinext ko siya.

Adaline: "Hey, off to Batangas for a week. :)"

Isinara ko ang phone ko at umakyat sa kwarto para simulang ayusin ang gamit ko. Bigla namang tumunog ang phone ko, tinignan ko ito at himalang nakapag-reply agad si Jax.

Jax: "Let's meet? Damn, I'll miss you. :("

Natawa ako sa reply niyang iyon. Kung makasabi naman ito ng mamimiss niya ako ay akala mo girlfriend ako.

Adaline: "Yeah, sure!"

Jax: "Pick you up at 4."

Pagkatapos ng maikling text namin na iyon ay naligo akong muli at nagbihis. Pagsapit ng 4 PM ay pinuntahan na ako ni Jax dito. Nagpaalam na ako kay mommy at saka kami sumakay ng sasakyan ni Jax.

"Where are we going?" pagtatanong ko sa kaniya.

"I'm taking you out on a date." nabigla ako sa sinagot niya.

"D-Date?"

"Yeah, officially this time. Since our last date was more of a 'friendly' date." wika niya.

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako prepared sa date na ito. At saka, kailan pa niya naisipan na i-date ako? I kind of saw it coming, pero nabigla pa rin ako sa kaniya.

Maybe because this time, we would be officially dating. Ito na ang stage na magiging awkward at conscious kayo sa isa't isa, I guess?

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon