Chapter 30: Other Side

358 15 3
                                    

(Playing: Kung Wala Ka
by Hale)

Umupo siya sa stool at nagsimula siyang i-strum ang gitara niya. Ngayon ko lamang siya nakitang gumamit nito. Seryoso lamang ang ekspresyon niya at hindi halata ang kaba sa kaniya.

Kung hindi ko lamang siya kilala ay hindi ko iisiping isa siyang businessman dahil sa awra niya.

Who knew he had this side?

"Natapos na ang lahat"

Woah..

"Nandito pa rin ako."

His voice is so mesmerizing, I won't even deny it.

"Hetong nakatulala.."

"Sa mundo, sa mundo."

Marahan siyang pumikit at dinadama ang kinakanta niya.

"Hindi mo maiisip"

"Hindi mo makikita"

Tila ba hinehele ako sa lamig ng boses niya. Bakit kaya ngayon ko lamang siya narinig kumanta?

"Ang mga pangarap ko, para sayo.. Para sayo."

Iminulat niya ang mga mata niya, kasabay nito ang pagtatagpo ng mga mata namin.

"Oh-oh, oh, oh. Hindi ko maisip kung wala ka."

Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko matapos niyang bigkasin ang linyang iyon.

"Oh-oh, oh, oh. Sa buhay ko."

He broke off our eye contact. Saka naman ako bumalik sa huwisyo. Pakiramdam ko ay nakalimutan kong may ibang taong narito sa bar.

He looks so passionate while strumming his guitar and singing the lyrics to this song. Napansin ko naman ang iba't ibang babae na nagche-cheer sa kaniya.

"Go Niccolo!"

"Ang ganda talaga ng boses!"

"Parang may pinaghuhugutan, ang swerte naman ng magiging girlfriend niya!"

"I love you, Nico!"

Napatingin naman ako sa huling nagsalita na iyon. I remembered when I was the one saying those words to him.

Muli kong ibinalik ang paningin ko sa kaniya habang kumakanta siya.

How I wish I could go back to that moment again. Maybe I would've been a part of this crowd, cheering for him.

I didn't even know he had this side, that he can sing and play instruments. Siguro ay masiyado siyang lubog sa trabaho niya, kaya siguro'y inamin niya noon na kung may choice lang siya ay hindi niya pipiliin ang trabahong mayroon siya ngayon.

"Isn't that your stepbrother?" pagtatanong ni James sa akin. Hindi ko na ito magawang pansinin nang biglang tumayo si Niccolo sa pagkakaupo sa stool.

Unti-unting lumalakas ang bandang tumutugtog sa likuran niya. Hinawi niya ang buhok niya dahilan para magsigawan ang mga babaeng nasa harap niya.

"Grabe! Ang pogi talaga!"

"Sana sakin ka nalang!"

Hindi ko na rin magawa pang pansinin ang mga babaeng sumisigaw na iyon. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Niccolo.

Muli niyang hinawakan ang mic at pumikit para damhin ang kanta.

"Sundan mo ang paghimig na lulan na aking pinagtatanto."

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon