Chapter 6: Movie Night

740 13 0
                                    

Natapos ang beach getaway namin na iyon. I'm so glad that Jax invited me over, it felt like it made way para magkaayos kami ni Niccolo.

Nasa bahay na ako ngayon. Kinamusta ako ni mommy at kinwento ko sa kaniya ang lahat, maliban sa personal na usapan namin ni Niccolo.

Ayaw kong mainvolve sa kung anumang family history ang mayroon si Niccolo. Ang alam ko lang ay divorced ang parents niya. I don't want to complicate things lalo na't si mommy ang kasasangkutan nito.

Balak ko sanang magpahinga na lamang sa bahay ngunit mukhang ako na naman ang maiiwang mag-isa rito. Niyaya ko si Gwen na mag hangout dito para kahit papaano ay hindi nakakainip.

Alam ni Gwen ang lahat, maski lahat ng pangyayari sa amin ni Niccolo. Sa kaniya ko lamang pinagkakatiwala ang talambuhay ko.

Sa una'y hindi pa siya makapaniwala sa nangyari sa amin. Dahil hindi ganoon ang pagkakakilala niya sa akin. Naging kaibigan ko siya noong bumalik kami rito sa Pilipinas pagkatapos mamatay ni daddy.

She became my support system throughout my grief.

Nag-ring ang doorbell at pinagbuksan ko si Gwen. Sinalubong niya ako ng yakap.

"Sooo, how was the beach getaway?" excited na tanong niya. Umupo siya sa couch.

"It was good for the most parts. Although, napahiya ako sa mga friends ni Jax." natatawa na sabi ko.

"Bitch, why?" pigil-tawang sagot niya.

"You know how rare cooked steak upsets my stomach." sagot ko. "Muntik na akong masuka in front of Jax's friends." nagtawanan kami pagkatapos kong bitawan ang linya na iyon.

"Next time tell your cook Jax na allergic ka sa rare steaks." wika niya.

"By the way, why didn't you tell me na si Niccolo pala ang nag-uwi sa akin the night at Palms Resort?" curious na tanong ko.

"Oh, yes about that I'm sorry. Hilong hilo na talaga ako that time, I can't even drive anymore. Magta-taxi nalang sana ako but Niccolo insisted na siya na ang maghahatid sa atin. You told me naman na you know him so I trusted him. I mean, we're alive." natatawang paliwanag niya.

"What the fuck." di makapaniwalang sagot ko. "Nakakahiya kay Niccolo." I facepalmed.

He's not so bad after all. Gentleman rin naman siya, kahit hindi niya ito direktang ipinapakita.

Pagkatapos naming magkwentuhan tungkol sa kanya-kaniyang buhay namin ay ginutom kami bigla. Nag-order kami ng pizza at napagpasiyahang manood ng movie.

Bandang alas-sais ng gabi ay umuwi na si Gwen dahil dalawang oras pa ang biyahe niya mula rito. Tuwing weekends lamang kami nakakapag-hangout dahil may grad school siya. Kahit hindi na kami ganoon kadalas magkita ay ramdam ko pa rin ang pagkakaibigan namin.

Tinuloy ko ang panonood ko mag-isa nang biglang bumukas ang front door. Akala ko ay sila Mommy na ito at Tito Matthew ngunit si Niccolo pala ang dumating.

Mukhang kagagaling lamang niya sa trabaho at naka suit pa siya.

"Hey." maikling bati ko

"Hey. Are you the only one here?" pagtatanong niya. Sinenyasan ko siyang ako lang ang tao sa bahay.

"Maaga yata ang uwi mo ngayon? tanong ko.

"Why? Hinihintay mo ba ako?" nakangising sagot niya.

"H-Huh, hindi 'no." nauutal na sagot ko. He might've caught me off guard with that one.

Nakangisi pa rin siya habang niluluwagan niya ang necktie niya. Umakyat siya sa kwarto niya, siguro ay magpapahinga na siya.

Pinlay ko na ulit ang movie na pinapanood ko. I'm currently watching A Walk To Remember. Comfort movie ko ito kahit na nakakalungkot ito.

Naramdaman ko namang namumuo ang luha ko nang bigla kong narinig ang mga yabag ni Niccolo papalapit sa akin. Nagmamadali kong pinunasan ang luha ko. Nakasuot siya ng puting sando at hapit rito ang toned muscles niya at saka ng striped pajama, mukhang handa na siyang matulog.

"Mind if I join you?" pagtatanong niya. Makikinood lang pala.

"Sure." sagot ko.

Umupo siya at sumandal sa couch. Ang kaninang panonood ko sa movie at napunta na sa kaniya. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya.

"You like tragic movies huh." bigla siyang tumingin sa akin. Umiwas ako at binaling ulit ang mga mata ko sa TV.

"It's not really tragic. Kahit hindi sila nagkatuluyan, I just know the guy loves her unconditionally despite not being with her." sagot ko.

"Sucks not being with the person you love because the universe decided you can't be together." tila may laman ang mga salita niya.

Tinignan ko siya, at nakatingin rin siya sa akin. Saan nanggagaling ang mga sinasabi niya?

"Y-Yeah, I guess." iyan na lamang ang nasagot ko sa kaniya.

"Chill, it's just a movie." natatawang sabi niya.

"Shut up." inirapan ko siya.

Tumayo siya para magpunta sa kusina. I didn't bother asking him anymore kung anong gagawin niya.

Lumipas ang ilang minuto at bumalik siya na may hawak na dalawang mug.

"What's that?" tanong ko.

"Hot chocolate." inilapag niya ito sa center coffee table. Tinignan ko ang laman ng mug niya, mukhang black coffee ito.

"Bakit sa akin lang ang hot chocolate?" pagtatanong ko.

"I'm gonna be working late, I need the energy." sagot niya.

"Work?" nagtatakang sagot ko.

"Yeah, I decided to just continue some of my unfinished workload here at home. Kaunting papers nalang naman iyon. Para na rin hindi ka nag-iisa." sagot niya.

Hindi ko maipaliwanag ngunit parang kinikiliti ang tiyan ko. What is this feeling. I didn't know that he cared kung mag-isa lamang ako rito sa bahay. Heck, I didn't know he cared at all.

Natahimik ako at humigop na lamang ng ibinigay niyang hot chocolate dahil sa kaba.

Pagkatapos ng movie ay saktong nakarating na sila Mommy at tito Matthew sa bahay. May dala silang takeout dahil medyo late na rin para magluto pa ng dinner.

Sabay-sabay kaming kumain maliban kay Niccolo na nasa balcony kaharap ang laptop niya. Busy siyang nagta-type habang humihigop ng kape niya. I can see that he's a hardworking man, totoo nga ang sinabi ni Jax.

Nang matapos kaming mag-dinner ay ako na ang nagligpit ng mga kinainan namin at saka ito nilagay sa dishwasher. Nakatitig ako ngayon rito at hinihintay na matapos nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"You should sleep, I'll take care of it." hinarap ko si Niccolo na bitbit ang laptop niya.

"No it's fine, I got it. Besides, don't you have work to do?" pagtatanong ko.

"I'm done, but I can quite sleep yet because of the coffee. So don't be stubborn."

"Thank you." iyan na lamang ang nasabi ko sa kaniya. Naglakad na ako paalis ng kusina nang bigla siyang magsalita.

"Good night." wika niya, ngunit hindi siya nakatingin. Natahimik ako saglit, tinitiyak ko muna kung tama ba ang narinig ko.

"G-Good night." nagdadalawang-isip pa na sagot ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti bago bumalik sa laptop niya.

Why is he suddenly being so nice towards me? Alam kong hindi maganda ang simula namin, nasanay lang siguro ako sa mga bangayan naming dalawa. Maybe he is a good and caring person deep inside.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon