Chapter 48: Whole Truth

349 12 1
                                    

"How dare you!" umiiyak na sigaw ni Adaline kay Celine.

I looked at Adaline.

She looked back at me, crying and scared.

"Adaline?" halos hinang hina ako nang tawagin ko ang pangalan niya.

"N-Niccolo, I–" tila ba hirap siyang magsalita.

I gathered myself before speaking another word.

"What is she saying, Adaline?" seryoso kong tanong.

"I-I can explain." garalgal ang boses niya.

"Don't you think it's a bit too late for that?" biglaang singit ni Celine.

Lumagapak ang sampal ni Adaline sa mukha ni Celine. Ni hindi ko na namalayang sinugod niya ito.

"How dare you! I was supposed to be the one telling the truth! Wala kang karapatang ipagkalat iyon!" sigaw ni Adaline kay Celine.

Akmang gaganti si Celine nang pigilan ko ang braso niya.

"Stop! Just go, Celine, please. This is between me and her." pakiusap ko kay Celine.

"Niccolo, wake up! She fucking lied to you, ano pa bang kailangan mong malaman!" pagpupumilit niya.

"I said go! I'm done dealing with your shit." galit ko nang sigaw sa kaniya. Ramdam kong napuno ng galit ang mga mata niya.

"You're going to regret this." banta niya at padabog kaming iniwan ni Adaline.

Nang makaalis siya ay nagsalita si Adaline sa likuran ko, "Why are you even with her?"

Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng galit nang marinig ko ang tanong na iyon.

Hinarap ko siya, "What?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. "After all that she has said, mahalaga pa rin sayong malaman kung bakit kaming dalawa?" hindi ko maitago ang inis ko.

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Anak ko ba si Nikki?" deretsyahang tanong ko sa kaniya.

I want the truth.

I want the whole truth.

She stared at me for a while, "I'm sorry." aniya ay humagulgol.

Bumagsak ang balikat ko, that's when I knew that Celine was telling the truth.

Nikki is my daughter.

"Fuck!" buong-lakas kong sigaw. I feel so fucking frustrated.

"I-I'm really sorry Niccolo." patuloy pa rin ang hagulgol niya.

"Why, just why?! For once in your life, just fucking tell me why Ada! Minahal mo ba talaga ako?" sigaw ko sa kaniya.

"There are a lot of things you don't know, Niccolo. It was a hard decision for me but I had to do it." huminto siya at tila ba hirap siyang sabihin ang mga iyon sa akin. "I had to leave you, because we couldn't be together. Kahit gaano pa natin kamahal ang isa't isa, walang tatanggap sa atin– dahil sa mata ng lahat ay parehas tayong mali." garalgal ang boses niya.

"Tangina, hindi mo kinailangang umalis, Ada! I was ready to leave everything just to be with you. Because everything I had didn't matter, only you mattered to me."

Nararamdaman ko ang paparating kong luha, ngunit hirap akong labanan ito.

"Hindi ba ako naging sapat para ipaglaban mo rin ako, ako na ama ng anak mo?" lumuluha kong tanong sa kaniya.

"The moment I found out that I was pregnant, hindi na 'to tungkol sa atin, Niccolo. Kinailangan kong unahin ang kapakanan ng anak ko dahil ayaw kong lumaki siya sa magulong sitwasyon na 'to."

"Pero anak ko rin siya!" sigaw ko nang hindi ko napigilan ang damdamin ko. "I deserved to be with my daughter. I deserved to be known as his father. Pero anong ginawa mo? Sumama ka sa lalaking matagal mo nang hindi nakikita. Siya pa ang kinikilalang ama ng anak natin, hindi ba?" matigas kong saad.

"N-No, hindi ko ginusto iyon. The night after something happened between us, I-I was feeling so ill. Doon ko nalamang tatlong linggo na akong nagdadalang tao. I knew you were the father, but I couldn't s-stay. Hindi ko kayang makita na mawala ang pinaghirapan mo kapag pinagtabuyan na tayo ng mga magulang natin." paliwanag niya. Paulit-ulit niyang pinupunasan ang luha niya.

"Sa tingin mo ba, mas mahalaga pa sa akin ang kumpanya ni dad kaysa sa sarili kong anak?" mahinang tanong ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay hindi ako handang marinig ang lahat ng ito, pero kailangan ko.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin Niccolo. Ano nalang ang mangyayari sa atin kung parehas na tayong walang trabaho? Lahat ng mayroon tayo ay galing lang sa mga magulang natin. Tanggapin man natin o hindi, mawawala ang lahat ng iyon dahil sa pagkakasala natin."

"You know what, fuck that! Kung binigyan mo ako ng pagkakataon at nagtiwala ka sa akin, alam mong kaya kong magpundar para sa pamilya natin. Bubuhayin ko kayo! Kahit magsimula pa akong muli sa wala. Wala akong hindi kakayanin para sa'yo."

Alam kong nagsakripisyo rin siya para sa anak namin, pero masakit pa rin na ilang taon ang lumipas na hindi ko nakilala ang anak namin.

"S-Sasabihin ko naman sana.."

"Kailan pa?!" hindi ko mapigilang magalit sa mga sinasabi niya.

"Noong nagpunta ka ng US at nagkita tayo, binalak kong sabihin sa'yo, dahil iyon din ang gusto ni mommy." aniya.

"W-What? Your mom knew?" takhang tanong ko sa kaniya.

"Y-Yes, nalaman niya rin pagkaraan ng dalawang taon kong hindi pag-uwi sa Pilipinas. Nakiusap siya sa akin na sabihin na sa'yo ang totoo, para makauwi na ako nang walang tinatago."

Saka ko naalala ang habilin ng mommy miya sa akin bago ako nagpunta ng California, nakiusap rin siya sa aking bisitahin si Adaline. Maybe that's why.

"Then why didn't you tell me?" tanong ko pang muli.

"B-Because.." she paused for a bit. "When we met at the pier, sinabi mo sa aking may girlfriend ka na. Pinangunahan ako ng takot, Niccolo."

I scoffed, "So because of that, hinayaan mo nalang na tuluyang ipagkait sa akin ang totoo?"

"N-No, natakot ako d-dahil baka kunin mo ang anak ko, anak n-natin. Ikaw lang ang minahal ko sa buong apat na taong lumipas, pero hindi na ako umasang babalik ka pa pagkatapos ng lahat ng ginawa ko."

Sa kabila ng galit ko ay nakakaramdam pa rin ako ng awa sa kaniya, alam kong nahirapan rin siya sa mga nakalipas na taon at hindi naging madali para sa kaniya.

"You have no idea what I went through pagkatapos mo akong iwan. Halos magmakaawa ako sa lahat para sabihin kung nasaan ka na, pero lahat sila walang maibigay sa akin. Hindi ko gustong sumuko, pero napilitan na ako. Inisip ko nalang na baka 'yun talaga ang ikasasaya mo, kaya tinanggap ko. Kahit masakit, kahit pakiramdam ko ay wala akong karapatang sumaya." sentimento ko sa kaniya. She deserves to know what I went through, too. Gusto kong malaman niya ang pinagmumulan ng galit ko.

"I-I'm sorry, I'm really sorry, Niccolo." humihikbing sabi niya.

"Sana nga ganoon lang kadaling magpatawad, Adaline. Maybe you're just like my mom. Fuck, this is exactly why I was so afraid to trust any girl my whole life. Buong buhay ko takot na takot akong maranasan ko ang pinagdaanan ni dad, pero nang dahil sayo nangyari ang kinatatakutan ko. How can you be so selfish?"

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon