Chapter 26: Familiar Faces

368 14 1
                                    

"Please, just go Niccolo. For the sake of our parents, let's keep things formal between us. Kung talagang minahal mo ako, huwag na nating hayaan na masaktan at masira pa silang pareho dahil rito. Iyon nalang ang hinihiling ko sayo." pakiusap ko sa kaniya. Kung talagang ang pagmamakaawa niya ngayon ay hindi lamang parte ng plano niya, he will do as I say.

Gusto ko nang matapos ito, dahil pagod na pagod na ako.

Pagkatapos kong marinig ang mga dahilan ni Niccolo, kahit paano ay nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Naiintindihan ko ang rason niya para magawa ang lahat ng iyon, pero masakit pa rin ang ginawa niya. At hindi basta basta mawawala ang sakit na dinulot niya sa akin.

I walked away as soon as I said those words, bago ko pa ito bawiin.

It was a hard decision to push him away no matter how much I loved Niccolo. It was for the best, maybe it didn't work out para hindi na kami magkasakitan pa, at para wala ng madamay pa.

Even if I wanted it so bad to work out, paano namin gagawin iyon? Hindi ko pwedeng talikuran si mommy, masasaktan siya kapag mas pinili ko ang pagmamahal na ibinabawal.

Days have passed and it still hurts me.

Nilisan ko na ang bahay namin sa Batangas. Even in our own house, it reminds me of him. Especially my bedroom, where I gave him my everything.

Napagpasiyahan ko ring bumukod na, para hindi na magkrus pa ang landas namin ni Niccolo. It's hard seeing him. Pinayagan naman ako ni mommy, since I'm about to turn 22 in a few months.

Ikakasal na rin si mommy at tito Matthew sa loob ng dalawang linggo. Nagsimula na ang preparation nila, bago ako umalis sa bahay na iyon ay kinuha na rin ng dressmaker nila ang measurements ko. Mabuti na rin iyon, para hindi ko na kailangan pang bumalik doon bago ang kasal nila.

Narito ako ngayon sa condo na napagpasiyahan kong bilhin, dito pa rin sa Batangas. I love this hometown so much, Manila has given me nothing but heartache.

Sinubukan rin akong kontakin ni Jax, pero binlock ko na ang number niya. I don't need any closure from him, saka nalang siguro kapag handa na akong makita at makausap siyang muli.

Tinulungan rin ako ni Gwen na ilipat ang iilan kong gamit, dahil Sabado rin naman ngayon at free siya.

Umupo ako saglit sa couch at isinandal ang katawan ko. Nakakapagod pala ang maglipat-bahay.

"Thank you, Gwen. I know I haven't been my best self these past few days, buti nalang nariyan ka." pagdadrama ko sa kaibigan ko.

"Ano ka ba, para saan pa't naging magkaibigan tayo. Of course, I'll always be there for you." sagot niya sa akin at tinabihan ako sa couch. "Pero gutom na ako, libre mo naman ako ng pizza huhu." pagbibiro niya.

Natawa naman ako sa kaniya, I love this girl so much. Siya nalang ay may kayang magpatawa sa akin nitong mga nakaraan.

"Osya, pag-oorder kita." kinuha ko ang phone ko at nag-dial para umorder ng makakain namin. Pagkatapos kong umorder ay nakita kong may mensahe sa akin si mommy.

Sophie: Anak, can you come to Manila tomorrow? We'll have dinner, we have a surprise guest for the wedding. ;)

Napaisip naman ako sa sinabi ni mommy, but at the same time ay iisang lalaki lamang ang pumasok sa isip ko.

Niccolo.

Am I going to see him again? Will he be there at the dinner? Gusto kong tumanggi ngunit si mommy ito, kahit paano ay nami-miss ko na siya simula nang bumukod ako.

Nag-type ako ng mensahe sa kaniya.

Adaline: Sure, mommy. See you!

Bahala na, kung makita ko man siya roon ay sana huwag na naming pagusapan pa nag nangyari. I don't even know what to feel.

Pagkalipas ng ilang oras ay nag-ayos pa kami ng iilang gamit ni Gwen dito sa condo ko. Nabanggit ko rin sa kaniya ang dinner na sinasabi ni mommy.

"Don't worry, you got this. I think he's going to act right in front of your parents." she assured me. Sana nga, dahil iyon naman ang hiniling ko sa kaniya the last time.

"Sabagay, hindi rin naman maiiwasan 'to. I knew time would come na magku-krus ulit ang landas namin." bumuntong hininga ako pagkatapos sabihin iyon. "I'll be fine." nginitian ko siya.

Kinabukasan ay hinanda ko ang mga gamit ko at inilagay ito sa trunk ng sasakyan ko. Binigay na rin pala ni mommy ang sasakyan niya, dahil may spare car naman sila tito Matthew. Para raw mapadali ang pag-uwi ko mula Batangas papuntang Maynila sa tuwing bibisita ako.

Kasalukuyan akong nagmamaneho at hindi ko maiwasang kabahan sa daratnan ko sa Maynila. Ngayon ko nalang ulit siya makikita.

Napadpad ako sa isang restaurant malapit sa Manila Bay. Nasa loob ito ng matayog na building at kinailangan ko pang hanapin ang restaurant.

Binuksan ko ang pinto at pinasok ang loob. Hinalughog ko ang buong lugar at doon ko nakita sila mommy at tito Matthew na may kasamang mag-asawa at isang lalaking pamilyar, hindi ko pa ito mawari kung sino dahil nakatalikod siya.

Nakahinga naman ako ng malalim nang hindi ko makita si Niccolo.

Nakita ako nila mommy at kinawayan, doon ako hinarap ng pamilyar na lalaki.

James?

Tila ba na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Ngayon ko nalang ulit siya nakita after what– 6 years? It was just a puppy love but why do I feel this way? Na para akong nakakita ng multo?

He looks even better than before. Kinawayan niya rin ako. Natauhan naman ako at nagsimulang maglakad papalapit sa kanila.

Binati ko ang parents ni James at nakipag-beso sa kanila. Pinaupo ako ni mommy sa may bakanteng upuan na kaharap ng kay James.

Great.

"You look even prettier, hija! I missed you so much." anang mommy ni James.

"Uhm, thank you aunt Jackie. I missed you too." nagtataka pa rin ako kung bakit narito sila sa Pilipinas.

"I think she was surprised, Jackie." pagbibiro ni mommy at saka sila tumawa.

Napatingin ako kay James na ngayon ay nakayukong ngumingiti. Tila ba'y nagpipigil siya ng tawa. Inangat niya ang ulo niya at nagkatinginan kami.

Agad akong nag-iwas tingin.

"Sweetie, I invited James' family for the wedding and even I was surprised they're willing to travel just to be able to attend. Even after so many years they still show up for our family." paliwanag sa akin ni mommy.

Oh wow, kahit taon na ang lumipas simula ng lisanin namin ang US ay magkakaibigan pa rin sila ni mommy. Good for her.

"Really mom? How long do you plan to stay?" pagtatanong ko sa kanila.

"I'll say, for a month hija. We wanted to take a vacation too, we figured this would be the best time since it's your mom's wedding too." sagot sa akin ni tito Damien, ang dad ni James. Tumango naman ako.

"That's good to hear, uncle Dame. How's LA?" pangangamusta ko sa kanila.

God, I miss the states.

"Not the same without you." biglang sagot ni James. Napatingin ako sa kaniya. Nakaramdam ako ng tensyon.

Umiwas ako ng tingin at ibinaling ang mga mata ko kila mommy. Tila ba nang-aasar ang mga itsura nila.

"I think I wasn't the only one that missed you, Adaline." pagbibiro ni tita Jackie.

Marahan akong tumawa, awkward.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon