Chapter 17: Repercussions

451 16 3
                                    

"A-Adaline."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Kung isa man itong panaginip, please I want to wake up.

Why, Niccolo? Just why?

Bago pa man tumulo nang tuluyan ang luha ko ay agad kong nilisan ang lugar na iyon. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga binti ko, ang mahalaga ay makalayo ako roon.

"Adaline! Please wait!" sumisigaw si Niccolo sa likod ko. Imbes na huminto ako ay lalo ko lamang binilisan ang mga hakbang ko.

Naramdaman kong mayroong humawak sa braso ko. Hinarap niya ako.

Tinignan ko siyang deretsyo sa mga mata niya, kahit labis ang agos ng mga luha ko ay tinignan ko siya.

Tila ba hindi niya alam ang gagawin niya. Siguro ay nagtataka siya, kung bakit ako umiiyak. Bakit nga naman ako iiyak kung mayroon siyang kahalikang ibang babae?

Ah, gusto ko nga pala siya. I was about to confess my feelings.

Sinubukan niyang punasan ang mga luha ko ngunit iniwasan ko ang kamay niya. Akmang aalis na sana ulit ako nang muli siyang magsalita.

"A-Ada, please don't run away."

"Y-You should go back there. I need to go." garalgal ang boses ko.

"It's not what you think it is." paliwanag niya.

"No need to explain. I get it, I get your game now." pinunasan ko ang luha ko. Pinilit kong ngumiti.

What did I expect? Na ang isang katulad niya ay handang magseryoso, just because he had sex with me? Sex is nothing but a word for him.

"Adaline, please hear me out–"

Sinampal ko siya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, ayoko nang makarinig pa ng salita mula sa kaniya. I felt ashamed from all this.

"I-I'm sorry." iyon na lamang ang nasabi ko at tuluyan akong naglakad palayo. Hindi na niya ako sinundan pa. Naglakad ako papunta sa kotse at sumakay sa loob. Huminga ako nang malalim at pumikit. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest.

Ano ba itong pinasok ko. I let him have my fucking virginity just to get played, at akong tatanga-tanga ay nahulog pa sa kaniya.

He didn't sign up for this, I initiated that sex in the first place. But why am I blaming him? Maybe because deep down I hoped that there was something between us.

Jax was right. There's a lot of things I don't know about Niccolo.

Hinarurot ko ang kotse palayo doon. Hindi ko alam kung saan ako magpupunta, kapag umuwi ako ng bahay ay kagagalitan ako ni mommy dahil sa pagtakas ko ng sasakyan niya. At saka, baka makita ko pa si Niccolo doon.

Gusto kong takasan ang lahat ng ito, pero hindi ko alam kung saan.

Patuloy pa akong nagdrive hanggang sa makarating ako sa isang beach. Bumili ako ng isang boteng whiskey at nilagok ito habang nakaupo sa tabing-dagat.

"Would you believe that, I almost confessed and embarrassed myself in front of you Niccolo." natatawang sabi ko sa isipan ko.

Kung tutuusin, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. I let myself fall for a guy I can't have, and when I can't have him– I got hurt. I blamed him for something only I caused. Maybe I had just created this image of him in my head, a guy that is actually capable of settling down for a girl like me.

I laid my back on the sand. I looked at the moon and just admired its beauty.

Isipin mo iyon, even though how much asteroids have hit the moon, it still is unique and pretty. Asteroids are what adds character to the moon. Siguro ay ganoon rin tayo, ang mga pagsubok at pagkakamali natin ang nagpapaganda ng pagkatao natin.

Pumasok sa isip ko si Jax.

Even though I just rejected him a few hours ago. Nakakahiya mang patunayang nagkamali ako ng minahal, I could use a friend right now.

Tinawagan ko siya at sinabi ko ang lokasyon ko.

Lumipas ang mga oras at patuloy lamang akong nakaupo sa buhangin at umiinom. Narinig kong may naglalakad papalapit sa akin, hindi ko na ito nilingon dahil malakaa ang pakiramdam kong si Jax ito.

Tinabihan niya ako, "Hey." bungad niya.

"Hey, naistorbo ba kita?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya, "Don't worry about it."

Nginitian ko siya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Do you mind telling me what happened?" pagtatanong niya. Natahimik ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya.

"I guess I got my karma for rejecting you earlier." sarkastikong sagot ko. Pilit ang tawa ko.

Hindi na siya muling nagsalita, mukhang alam na niya ang nangyari. Humikbi ako sa mga balikat niya at hinaplos niya ang ulo ko.

"Why'd you come here?" tinanong ko siya. Hindi sa nagrereklamo ako, I'm just wondering why he's here para suportahan ako.

"I told you I'd still be here. We don't stop being friends, even after you rejected me." sagot niya sa akin.

"Am I stupid, Jax?" tinanong ko siya.

"What? No. I'm sure you had a solid reason why you fell for him."

"I wish I'd fell for you instead." bulong ko sa kaniya.

"We can't choose who we fall for."

Tama nga naman siya, because if I had choice– I would've picked him. I would've loved him instead, because he's perfect. But no, my dumb heart chose someone who can't be serious about me.

Tinignan ko siya sa mga mata niya, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ngunit sinubukan ko siyang halikan.

Iniwasan niya ako.

"Don't. I'm not a second choice, Adaline." seryosong sabi niya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Fuck, I'm sorry. I'm such an asshole." napahawak ako sa mukha ko.

"Let's get you home, you're really drunk."

"I can't. Tinakas ko ang kotse ni mommy, she'd kill me." naluluha kong sabi.

"So, where do you want to go? I'll drive your car." tanong niya.

"What about your car?"

"I'll just leave it here for a while, babalikan ko nalang kapag nahatid na kita."

"I'm just gonna stay on a hotel for a while. I can't and I don't want to go home."

Tumango naman siya at inalalayan na akong tumayo. Pumasok kami sa kotse ni mommy at nagmaneho siya papunta sa isang hotel na malapit rito sa seaside.

"The Heritage Hotel"

Nakarating kami sa parking lot ng hotel na ito at siya na ang nag-book ng room ko para sa akin. Pagkatapos ay hinatid niya ako sa room ko.

Inalalayan niya ako papuntang bed, hinatiran niya rin ako ng pagkain at tubig sa kwarto in case raw na magutom ako.

I'm so lucky for having him around.

Sinubukan ko siyang kumbinsihin na dito na lamang siya magpalipas ng gabi ngunit tinanggihan niya ito. Mayroon pa raw siyang trabaho kaya't hindi ko na siya pinilit.

"If you need something, just call me. It doesn't matter what time it is." aniya.

Sinamahan niya ako saglit sa kwarto hanggang sa makatulog ako.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon