Chapter 32: Small World

343 12 3
                                    

"James can I go to the bathroom real quick?" paalam ko kay James nang matapos ang pagsasayaw namin.

"Sure, do you want me to go with you?" tanong niya sa akin.

Umiling ako, "No need, mabilis lang. I just need to touch up for the pictures." paliwanag ko sa kaniya. Tumango naman siya at nagmarcha pabalik ng table namin kung nasaan si Niccolo.

Lumabas ako saglit sa reception hall at naglakad patungo ng CR. Chineck ko saglit ang phone ko para tignan kung may text na ba si Gwen. Nang buksan ko ang conversation namin ay wala pa rin siyang update sa akin.

Napagpasiyahan kong i-message na siya.

Adaline: Gwen, where are you? Mommy is looking for you, you don't wanna miss the wedding.

Busy akong nagta-type ng message ko kay Gwen nang may nabangga akong naglalakad rin papunta sa ibang direksyon.

"Oh God, I'm sorry–" naputol ang paghingi ko ng paumanhin sa taong nabangga ko nang makita kong si Jax ito.

It's been a long time since I saw him.

"Hey." maikling bati niya sa akin. Tila ba hindi niya alam ang gagawin o sasabihin niya. Siguro ay nabigla rin siya sa pagkikita namin.

"H-Hey, are you here for the wedding?" pagtatanong ko nang makita ko ang formal na suot niya.

"Uh, yes? Niccolo's dad invited me. I couldn't say no." paliwanag niya sa akin. Akala mo nama'y ipagtatabuyan ko siya kapag nagpunta siya.

"The reception's at Hall 7." pagtuturo ko sa kaniya ng direksyon. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong sabihin sa kaniya. It feels so awkward after everything.

"Thanks." nang magpasalamat siya ay tumango na lamang ako at nilisan siya para magpunta sa CR. "W-Wait!" pagpipigil niya sa akin bago ako makalayo. "Can we talk?" seryosong tanong niya sa akin.

Napalunok ako, ano na naman ba ito?

"About what?" pagbabalik tanong ko sa kaniya. If this is about what happened, I'm not gonna listen to a word he's about to say.

"About what happened." sagot niya.

Bumuntong hininga ako.

See? I fucking knew it.

Hindi ko na siya sinagot pa at tuluyang tinalikuran siya ngunit nakaramdam na naman ako ng pagpigil sa braso ko.

Iritable ko siyang hinarap.

"Please." tila ba nais niya talaga akong makausap. Ano na naman ba ang sasabihin niya?

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at humalukipkip, let's hear whatever he has to say.

"I know you're probably tired of hearing apologies, but I'm really sorry. I'm sorry I didn't tell you the truth, Adaline." panimula niya.

He's right, pagod na akong makarinig ng sorry mula sa kuya niya. At mas lalong ayoko nang marinig pa ito mula sa kaniya.

Hindi ko siya sinagot at patuloy lang ako tumingin sa kaniya.

"Listen, I regret not telling you the truth Adaline. I tried to talk Niccolo out of his plans of using you, and I thought he didn't really do it but when I knew that you were falling for him I just didn't wanna hurt you with the truth." paliwanag niya sa akin.

"You didn't want to hurt me with the truth or you were simply waiting for the perfect time to use it against him and win me over?" deretsyong tanong ko sa kaniya.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon