Chapter 29: Proposal

356 13 1
                                    

Nagising ako sa kwartong inilaan nila tito Matthew para sa akin noong nakatira pa ako dito. Simula nang makarating sila James dito sa Maynila ay dito na rin ako pinatulog nila mommy, pumayag naman ako dahil hindi rito nagpapalipas ng gabi si Niccolo.

Mukhang sa condo niya siya umuuwi, siguro ay mas pinipili niya na ring umiwas dahil hindi komportable para sa aming dalawa ang magsama sa iisang bahay.

Bumaba ako at nakita ko ang maids nila na nag-aasikaso ng almusal. Mukhang kailangan ulit nila ng keeper dito sa bahay dahil busy sa kasal sila mommy.

Nilapitan ko si mommy at binati, "Good morning, mommy." Sunod ay binati ko si tito Matthew, "Good morning, tito Matthew."

"Good morning hija."

"Good morning sweetie!" sabay nilang pagbati sa akin.

"I see the maids are back." komento ko sa mga nakapaligid sa aming maids.

"Ah yes, we haven't told you that we invited James' family once again to have dinner with us here." pagbabalita sa akin ni tito Matthew.

Napataas naman ako ng kilay, "Really? That's nice." ngumiti ako. "Uh, will Niccolo be here?" pagtatanong ko sabay tikhim. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinanong ko iyon.

"Yes hija, I told him to take the night off para makarating siya." sagot sa akin ni tito Matthew. Tumango naman ako.

Napaisip agad ako sa maaaring mangyari. Will it be awkward kagaya ng nakaraan? I hope not.

Lumipas ang almusal namin at nagpaalam na ako sa kanila dahil may lakad kami ni James ngayong araw. Ilang araw na kaming lumalabas nang magkasama ni James. Iba't iba destinayon na rin ang narating namin. Ayos lang naman kay mommy iyon, besides I'm a grown up and so is James.

Nagsuot ako ng black fitted dress at strapped heels na katamtaman lamang ang taas. Napagpasiyahan namin ni James na pumunta sa isang seafront bar dahil maganda ang sunset doon.

Pagsapit ng tanghali ay bumaba ako mula sa kwarto at nakita ko si James na nakaupong nag-aabang sa sala. Mukhang nagpaalam na rin siya kila mommy.

"You look gorgeous, as always." pagpupuri niya sa itsura ko.

"Ito naman, nambola pa. Let's just go." pagtataray ko sa kaniya.

Humalakhak siya, "I'm not joking." at saka niya inilahad ang braso niya. Hinawakan ko ito at lumabas na kami papunta ng driveway kung nasaan ang sasakyan ko.

Binigay ko sa kaniya ang susi at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Pumasok kami sa loob.

"I heard we'll be having dinner again." pagbubukas ko ng usapan. Seryoso naman siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho.

"Uhm, yes I've heard too. It'll be on 8 PM, right?" paninigurado niya.

Tumango ako, "Yup, so we have to be back before then." paalala ko sa kaniya.

"Yes ma'am, you got it." pagbibiro niya. Natawa naman kaming parehas sa sinabi niya.

Lumalabas ang dimple niya sa tuwing tumatawa o ngumingiti siya. I find it cute.

"I think we're here." pagsasalita kong muli nang marating namin ang destinasyon namin. Wala sa bungad ang seafront bar at medyo malayo ang parking. Mukhang kailangan pa naming maghanap.

Lumapit si James sa isang bodyguard at nagtanong. Nakita ko namang may tinuturo ito at tumatango si James. Nang matapos silang mag-usap at naglakad si James papalapit sa akin.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon