Chapter 16: Jax

510 16 4
                                    

Pagkalipas ng ilang araw sa Batangas ay natapos na ang business trip namin ni Niccolo rito. Nakauwi na rin kami pabalik ng Maynila.

Hindi na nasundan pa ang mga pangyayaring iyon dahil naging busy rin kami ni Niccolo sa trabaho. Gusto ko ring seryosohin ang nakaatang na trabaho sa akin.

I have big responsibilities now.

Pinaalam ko naman kay Jax ang pag-uwi ko sa pamamagitan ng text. Agad niya akong niyaya para magkita, mayroon raw siyang importanteng sasabihin sa akin. Pumayag naman ako dahil matagal rin kaming hindi nakapagkita.

"Where are we going?" pagtatanong ko sa kaniya. Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya.

Napansin kong hindi siya naka-work attire. Bagkus ay naka-white polo siya at golf shorts.

"It's a surprise." sagot niya.

"Kauuwi ko lang, may surprise ka agad?" natatawang sabi ko sa kaniya.

"Na-miss kita, eh." hirit niya. "I'm sorry I wasn't able to visit you in Batangas."

Nginitian ko siya, "It's okay, I know you're busy at work."

Pagkatapos ng ilang oras ay nakarating kami sa isang private property uphill. Maganda ang tanawin rito, parang ganito ang pinuntahan namin ni Jax.

"What are we doing here?" tanong ko sa kaniya.

Bumaba kami at dinala niya ako sa isang bench roon.

"I just wanna catch up with you." aniya.

"Here?" natatawang sagot ko sa kaniya.

"Why not?" wika niya. Natatawang akong umiling sa kaniya.

Sandali pa kaming natahimik nang magsalita siyang muli.

"So, how was Batangas?" tanong niya.

"Yeah good. I survived my first open house, which means I have bigger responsibilities now." sagot ko.

"Welcome to corporate world." aniya.

Tinignan ko siya, "Is it stressful?" tanong ko.

"Of course. Business ain't easy, there would be losses, and there would be gains. Depends on your will to succeed." seryosong sagot niya.

"Well look at you, being my advisor." pagbibiro ko sa kaniya. Natawa kaming parehas. "How about you, how's work?" tanong ko.

Natahimik siya.

"Uhm, the company is having a mild setback. It's been real stressful lately, part of the reason why I wasn't able to visit you in Batangas." nakayukong sabi niya.

"Oh." iyon lamang ang nasabi ko. "What happened?"

"Nothing I can't manage." he smirked.

Tinanguan ko siya, "That's the spirit."

Napatingin siya sa akin, tahimik kaming nakatingin sa mata ng isa't isa.

"Thank you, for always being around." he told without breaking eye contact.

Hindi ko alam kung bakit, pero nanlamig ang mga kamay ko. Tila ba nakakaramdam ako ng kaba.

"Y-Yeah, I always got you." nginitian ko siya.

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko. Nang malapit nang maglapat ang mga labi namin ay umiwas ako.

Fuck, why is he trying to kiss me. Hell, why am I avoiding his kiss?

Kinagat kong mariin ang labi ko. Yumuko ako, "Jax, I-I can't." nauutal kong sabi sa kaniya.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon