Chapter 8: Secret Place

642 11 0
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko nang huminto ang sasakyan. How long have I been asleep?

"We're here." wika ni Niccolo.

Tinignan ko ang labas at mukhang nasa parking lot kami ng isang matayog na building. Lumabas si Niccolo ng sasakyan para pagbuksan ako. Inalalayan niya akong makababa.

Pumasok kami sa building at tinanguan siya ng guard. Mukhang madalas siya rito. Parang hotel ang loob ng building dahil sa lounge area nito. Naglakad kami papuntang elevator at sumakay.

Pinindot niya ang numerong 13 sa elevator at saka ito sumara. Tinanong ko siya, "Where are we going?"

"My place." sagot niya.

"Your place? You have your own place?" hindi makapaniwalang sagot ko sa kaniya.

Tumunog ang elevator at bumukas ito. Nauna siyang lumabas at sinundan ko siya.

"Yes, I'm not here often. Only when I have to pull an all-nighter at work and I'm too tired to drive home." paliwanag niya. Inilabas niya ang keycard niya at ini-swipe ito sa lock ng pinto. Bumungad ang napakagandang condo kung saan tanaw ang city lights.

Tumapat siya sa bintana. May itinuro siya at tinignan ko ito.

"Alvarez Consolidated"

Ito ang nakita ko noong may dinaanan ang driver nila tito Matthew, "I suppose that's your company?" tanong ko.

Tumango siya. So may sarili pala siyang condo malapit sa company building nila? Siguro ay dito rin niya dinadala ang mga babae niya. Napakunot naman ako ng noo sa naisip ko.

"Care to explain?" tanong niya habang nakasandal siya sa minibar table.

"I just wanted to unwind for a moment." maikling sagot ko.

"And where's your little boyfriend?" sarkastikong tanong niya.

"He's not my boyfriend, and besides he's at work." sagot ko.

He scoffed.

Sandali pa kaming nanahimik nang magsalita ulit ako, "My mom and I fought. I found out that she wants to have a joint business with your father. The business that my dad built." may halong pait ang mga salita ko.

Inayos niya ang tayo niya. "Yeah, I heard."

"You know about it?"

"My Dad told me, they're planning on sending you to your realty firm back to Batangas. They said it could be your training ground as you become the CEO of your father's realty." paliwanag niya sa akin.

"as you become the CEO of your father's realty." tila ba nag-ring ito sa tenga ko.

CEO? I don't even think I'm ready for that position.

Umupo ako sa couch niya at tumitig sa labas ng bintana niya, kung saan tanaw ang highway na puno ng mga sasakyan at mga ilaw mula sa mga karatig na building.

"She didn't even ask for my opinion. She just went for it. It's like she's giving away everything that my father built." namumuo ang mga luha sa mata ko.

Tinignan ko siya. Nakatayo lamang siya habang nakapamulsa, mukhang handa naman siyang makinig.

"I'm sorry, I know it involves your dad too. It's just that I'm not happy with what my mom did." sabi ko sa kaniya.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon