Chapter 28: Hang Out

376 12 2
                                    

"Are you okay Adaline? Kanina ka pa tahimik." pagsasalita ni James habang nagmamaneho. Gamit namin ang sasakyang binigay ni mommy sa akin. He did the courtesy of driving.

"S-Sorry." iyan lang ang nasabi ko. Simula pa nang umalis kami ng bahay ay nasa isip ko pa rin ang encounter namin ni Niccolo.

He seemed chill. He seemed okay.

Even though he heard that James is taking me out on a dinner he didn't even care to look or say good bye. Maybe he moved on, after all.

Maybe it's time for me to do the same too.

"Let me just check in our baggage and then we can have dinner." sabi ni James nang makarating kami rito sa five star hotel na tutuluyan nila.

Nginitian ko siya, "Sure, go ahead."

Umupo ako dito sa lobby ng hotel habang siya ay busy na makipag-usap sa desk clerk. Hindi ko maiwasang mapansin ang itsura niya. Matagal ko na siyang hindi nakikita, kahit sa social media man lang ay hindi.

Ang laki ng pinagbago niya. Noon pa siya matangkad ngunit mas lalong nadagdagan ang height niya. He also has this western complexion and demeanor. Hindi mapagkakailang gwapo si James, kahit pa noong high school pa lang kami ay marami nang nagkakagusto sa kaniya.

Ngunit ako ang maswerteng babae na naging girlfriend niya, dati.

Napaayos naman ako ng upo nang makita kong tapos na siya sa pakikipag-usap sa clerk at naglalakad na siya palapit sa akin.

"Hey, sorry to keep you waiting. Where do you want to have dinner?" nakangiting tanong niya sa akin. He's not usually the upbeat type of guy, but he used to smile around me. He still does.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at inayos ang suot ko, "Hm, I know a place. It's near seaside, i'll just put it in your GPS." nginitian ko siya.

"Sounds nice. Let's go?" pag-aaya niya sa akin at saka niya inilahad ang kamay niya. Nagulat naman ako sa ginawa niya at tila hindi ko alam ang gagawin ko.

Humalakhak naman siya sa kinilos ko at kinuha ang kamay ko at saka ako kinaladkad palabas ng hotel.

What is this?

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at agad akong sumakay. Pinoproseso ko pa rin ang nangyari. Sumakay naman siya sa passenger seat at saka sinuot ang seat belt, ganoon rin ang ginawa ko.

Tumingin siya sa akin at tumitig sa mga mata ko. muli akong nakaramdam ng pagkataranta.

"W-What?" utal na tanong ko sa kaniya.

"The GPS?" pagpapaalala niya.

Fuck, oo nga pala. Nakalimutan ko na sa sobrang kaba ko.

Inayos ko ang GPS ng sasakyan ko at inilagay ang seaside restaurant na kinainan namin ni Jax noong dinala niya ako sa beach date.

Ngayon na lamang ulit siya pumasok sa isip ko.

"Stop being so nervous around me. It's just me, James. The one who used to drive for you to school." aniya at saka tumawa.

Saka ko naman naalala ang mga pinagsamahan namin noon.

High school pa lamang kami ay may sarili na siyang sasakyan, dahil kagaya namin ay may sarili ring realty firm ang family niya sa states.

We started as friends, at walang problema kila mommy at daddy iyon at the time. Dahil magkaibigan ang mga magulang namin ay tiwala sila mommy kay James.

Ngunit nang malaman nilang naging kami ni James nang patago ay nagalit sila sa akin at pinilit akong makipag-break sa kaniya. That was the first time a guy has broke my heart.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon