Chapter 18: Invitation

432 16 1
                                    

Nagising akong may pumipindig na sakit ng ulo. Tinignan ko ang nightstand dito sa gilid ng kama. Narito pa rin ang pagkaing inilagay ni Jax kagabi, mayroon na ring gamot rito.

"Thank God for you Jax." utas ko. Dahan-dahan akong bumangon at ininom ang gamot. Ininda ko naman ang sakit ng ulo ko't humiga ulit.

Naalala ko ang mga kaganapan kagabi. Ngayon ko lamang napagtantong icheck ang phone ko.

"Shit." mura ko sa isipin ko nang maalala kong hindi ako nagpaalam kay mommy.

Binuksan ko ang phone ko at tadtad ito ng messages mula kay mommy, at anim na missed calls mula kay Niccolo.

Naibigay ko na nga pala ang number ko sa kaniya noong nasa Batangas kami. Fuck.

Agad kong nireplyan si mommy.

Sophie: "Adaline where are you? And where's my car? Answer me right now."

Adaline: "I'm so sorry mommy. I just went somewhere important. I know I'm not allowed to drive, it was just really urgent. I'm staying over at a hotel right now, I just need to go over some few stuff."

Mahaba ang eksplanasyon ko kay mommy. She's definitely gonna kill me when I get home.

Tinignan ko naman ang kay Niccolo. Wala itong text, bagkus ay puro missed calls lamang. Binuksan ko ang contacts ng phone ko at agad siyang binlock.

Gusto ko munang dumistansiya mula sa kaniya. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa pangyayari, hindi niya kailangang hingin ang kapatawaran ko dahil una sa lahat ay wala namang namamagitan sa amin.

Ang kailangan ko ay mapatawad ang sarili ko.

I owe myself that, for expecting something so impossible to happen.

Nakaramdam ako ng gutom kaya't umorder ako ng pagkain sa hotel. Pasta lamang ang inorder ko dahil wala rin akong ganang kumain.

Inupdate ko si Jax sa pamamagitan ng text, pupunta raw siya rito ng mga bandang alas-dos ng hapon.

Nakaramdam naman ako ng inip kaya't napagpasiyahan kong manood ng TV. Kung anu-anong palabas ang pinanood ko hanggang sa makarating si Jax dito sa hotel. Mayroon siyang dalang mga groceries at pagkain.

"Hey, how do you feel? I'm sorry ngayon lang ako nakarating" wika ni Jax.

"No, it's okay. You've already done enough for me. I'm feeling better, physically." sagot ko sa kaniya.

I don't feel well emotionally, and whose fault is that? Mine.

"That's good to hear. I brought groceries in case you're staying here a little longer."

"You didn't have to. I can do my own groceries you know." nginitian ko siya. "Thank you."

Tinabihan niya ako at nakinood siya sa TV. He placed a pillow on top of his lap and I rested my head on it habang nanonood kami. Hinahaplos niya ang buhok ko.

This feels comfortable.

"By the way, Travis and Margaux are getting married tomorrow. They're inviting the two of us." pagsasalita ni Jax. Inilabas niya ang isang envelope at pinakita ito sa akin.

Umupo ako at binuksan ito. Narito ang pangalan naming dalawa, akala siguro nila'y may something talaga sa amin ni Jax.

"Oh my God, they're getting married already?" di ako makapaniwala.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon