Kabanata 54: One Father to Another

393 8 0
                                    

"I don't know what you know, Dad. But I can explain, we can explain." kumpiyansang sabi ni Niccolo. Mahigpit siyang nakahawak sa mga kamay ko, at kahit na gusto kong bumitaw ay hindi niya ako hinahayaan.

"How the hell are you going to explain this?! You just couldn't keep it in your pants Niccolo! Sa dinamirami ng babae mo noon, hindi ka makapili sa kanila at kailangang ang kinakapatid mo pa?!" sigaw sa kaniya ni tito Matthew at tila ba malapit niya na itong bugbugin.

"Dad, everything that you're telling me right now, I've already thought about it myself. I didn't mean to hurt you or this family. Niccolo explained firmly, I don't know where he's getting all this confidence to explain.

"That's the problem with you, hindi ka nag-iisip!" sigaw niya kay Niccolo.

"Matthew." bulong ni mommy sa kaniya at sinusubukan siyang pakalmahin.

"Siguro nga hindi ako nag-iisip dad. Pero bago pa nangyari ang lahat ng 'to, kapakanan mo ang iniisip ko." sagot ni Niccolo.

"What did you say?!" lalong nag alab ang galit ng daddy niya sa sinabi niyang ito.

"When I first heard that you met tita Sophie, I wanted to do something to protect you. Dad, sa lahat ng babaeng nakilala mo I was by your side at nakita ko kung paano mawasak ang buhay mo pagkatapos ka nilang iwan. I cared for you so much that I wanted to stop your relationship with her before you get hurt again."

Tinignan ko si mommy at tila ba nalungkot siya sa sinabi ni Niccolo. Alam kong protective lang si Niccolo sa daddy niya, ngunit si mommy pa rin ang usapan rito at alam kong hindi siya katulad ng ibang babae na dumaan sa buhay ni tito Matthew.

"I wanted to use my supposed stepsister to push them away from our lives, dad. But little did I know, I was pushing myself further to Adaline." tinignan niya ako pagkatapos sabihin iyon sa daddy niya, ramdam ko naman ang pamumuo ng luha ko.

What have we done?

"For the first time since your mom, I'm happy again Niccolo, and you're trying to break us up by sleeping with your stepsister?! I didn't need you to protect me, you just needed to stop meddling with my personal life!" sigaw niya kay Niccolo at kinwelyuhan ang anak niya.

"Matthew just hear them out!" pilit na pagpipigil ni mommy kay tito Matthew.

"You're right dad, I know I shouldn't have done it. But I don't regret anything that happened, mahal ko si Adaline. I love her just as much as you love tita Sophie." pilit ipinaglalaban ni Niccolo ang pagmamahalan namin kahit nagngingitngit na sa galit ang daddy niya.

Nakatanggap ng suntok si Niccolo sa daddy niya dahilan para mawalan siya ng balanse. Agad ko siyang sinaklolohan at tinulungang makatayo kahit na sunud-sunod ang patak ng luha ko.

"Tito Matthew please! Just let him explain!" pagmamakaawa ko sa daddy niya.

"You stay out of this Adaline, this is this bastard's fault." mariin niyang sabi. "Saan ba ako nagkulang sayo, ha Niccolo?! I gave you everything even after your mom passed away. Ito nalang ang magagawa mo para sakin, ang respetuhin ang panibagong pamilya natin!"

"That's where you're wrong dad. Buong buhay ko sinunod ko ang lahat ng gusto mo, but it's so fucking hard to please you! I gave up everything I wanted just to follow you. Dahil sa tuwing tinitignan mo ako ramdam kong nabubuhay ang galit mo kay mommy dahil nakikita mo siya sa'kin. Ngayon ko lang sinunod ang gusto ko, at handa akong ipaglaban 'yon dad."

Ramdam kong buo na talaga ang desisyon ni Niccolo sa bawat salitang binibitawan niya sa ama niya. I'm here to stand by it, handa rin akong ipaglaban siya.

"I was about to give you our empire Niccolo, you could have it all if it wasn't for this stupid decision!" wala akong ibang maramdaman kundi takot sa tuwing magsasalita ang daddy niya. "I'm giving you a chance to not make this scandal worse, Niccolo. You stop this relationship with your stepsister and I'll let you keep your shares on our company. May pagkakataon kang ituloy ang luho mo sa buhay, but you're out of this family."

"You just don't get it dad, do you? I don't care anymore. You can keep the company. I'm done." sagot ni Niccolo na tila ba walang bahid ng panghihinayang.

"You really think you can do this without me huh? Tignan natin kung saan ka pupulutin pagkatapos kong kuhanin lahat ng binigay ko sayo. From now on I don't have a son. You are such a disappointment!" galit na saad niya.

Bumagsak ang mga balikat ni Niccolo pagkatapos niyang marinig ang mga ito. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Sobra-sobrang awa ang nararamdaman ko para sa kaniya, at hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa dinaranas niya ngayon.

"You know dad, naiintindihan ko ang galit mo sa lahat ng 'to.." huminga siya nang malalim at pilit naglabas ng ngiti sa mga labi niya. "But just like you, isa na rin akong ama. Hindi na mahalaga sa'kin ang luho ko o pera, mas pipiliin kong makasama ang sarili kong pamilya. At higit sa lahat, hindi maririnig sakin ng anak kong tinatakwil ko siya."

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko sa lungkot at sayang nararamdaman. Makita ko lamang ang taong mahal ko na ipaglaban ang anak ko'y pakiramdam ko ay kakayanin ko ang lahat.

Nag-iba naman ang ekspresyon sa mukha ng daddy niya. Kanina lamang ay galit na galit siya ngunit ngayo'y para siyang nagulantang sa sinabi ni Niccolo. I guess he didn't know about our daughter.

"What are you talking about?" tila ba aatikihin sa puso ang daddy niya. Hinarap ni tito Matthew si mommy, "Why didn't you tell me this Sophie?" takhang tanong niya.

"I wanted you to know about them, but I wanted them to tell you the rest." paliwanag ni mommy.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa mga narinig ko, "Mommy?" takhang tanong ko sa kaniya ngunit alam ko na ang kasagutan. "You told tito Matthew about this?"

"I-I'm sorry sweetie. Alam kong hindi ko dapat kayo pinangunahan, but this has been going on for too long. He is my husband at anak namin kayo, he has to know."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang ito. Siya pala ang nagsiwalat ng lahat.

"I can't believe you." nanghihinang sabi ko sa kaniya. Sinubukan niya akong lapitan ngunit umiwas ako sa kaniya.

"Now that you know everything, you should also know that I'm marrying Adaline. I don't expect you to be there for us, but I hope you can find it in your heart to do it for our daughter, for your grandchild." ani Niccolo na siya namang ikinagulat ko. Hindi pa napoproseso ng magulang namin ang lahat ngunit nagawa niya pang ibalita ang proposal niya.

Hinarap ako ni Niccolo at binigyan ng isang nakakapag-pagaang loob na ngiti, "Let's go?" tanong niya.

Tumango naman ako at muling tinignan ang mga magulang namin sa huling pagkakataon. Kasalukuyang umiiyak si mommy at kahit mahirap man sa aking iwan siya sa ganoong kalagayan ay naglakad kami at nilisan ang bahay nila.

Nakarating kami sa condo ni Niccolo at binitbit niya ang lahat ng gamit ko mula sa hotel. Naging tahimik ang pagpunta namin doon, kahit kami'y pinoproseso rin ang lahat ng nangyari.

Umupo ako sa couch at yumuko sa mga palad ko, hindi ko mapigilang maluha sa tuwing inaalala ko kung pano siya ipagtabuyan ng ama niya. Tinabihan naman niya ako at niyakap nang mahigpit.

"I'm sorry Niccolo. It's my fault that you lost everything." panghihingi ko ng tawad sa kaniya.

Pinunasan niya ang luha ko at nginitian, "Don't ever tell me that it's your fault, baby. You and our daughter are everything that I can ever wish for."

He placed a soft kiss on my lips. Sa kabila ng hirap at sakit na pinagdaanan namin, hindi pa rin nito matutumbasan ang saya sa tuwing kasama ko siya.

"Don't bother unpacking, we're leaving tomorrow." aniya habang magkayakap kami. Kumalas ako at takhang tumingin sa kaniya.

"Where are we going?" tanong ko sa kaniya.

"To our daughter."

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon