Chapter 10: Batangas

569 12 0
                                    

Natahimik ako sa buong biyahe dahil iniisip ko kung anong mangyayari sa "date" namin ni Jax. Nahuhuli ko naman siyang nakatingin sa akin maya't maya. Lalo tuloy akong naco-conscious.

"Don't worry, it's not like this would be the first time we'll get together." paga-assure niya sa akin.

"Yes, but come on this is different." tila ba kabadong sagot ko.

Hinawakan niya ang chin ko, "It's just me, don't worry." wika niya.

Nag-init ang buong pagmumukha ko. What is he doing? Nabibigla ako sa mga ginagawa niya.

Pagkatapos ng buong biyaheng pag-iwas ko sa kaniya ay sa wakas nakarating kami sa destinasyon namin. Isa itong restaurant na maraming dim lights.

"Oh my, it's a candlelight dinner. He really is serious." bulong ko sa isip ko.

Hinila niya ang upuan ko at saka ako pinaupo pagkatapos ay siya naman ang sumunod na umupo sa harap ko. Ramdam ko ang tension sa pagitan naming dalawa.

"You haven't told me why you're going to Batangas for a week." nakangiti siya.

"Oh, yeah. It's about my father's realty firm. I'm going to do my first open house, yay!" kabadong sabi ko.

"Congratulations! I'll visit you when I can. Hopefully you can give me a tour of your hometown."

"Yup, sure! Just tell me when and where." natatawang sagot ko sa kaniya.

I was wrong, ang akala kong tensyonadong date ay magaan lamang pala sa pakiramdam. Nabigla lang siguro ako kay Jax.

"How about you, how's work?" pagtatanong ko sa kaniya.

"The usual, work's fine. My life used to be so boring and mediocre until you came along. I just wish we could spend more time." biglaang sentimento niya.

Ito na naman siya sa pambibigla niya.

Nginitian ko siya, "Adulthood, sucks right?" pagbibiro ko sa kaniya. Nginitian niya ako. He looks cute when he smiles.

Dumating na ang order naming ribeye steak at nag-serve rin ang waiter ng red wine. Patuloy ang pag-catch up namin ni Jax tungkol sa iba't ibang bagay, magaan ang loob ko sa kaniya na tila ba matagal na kaming magkakilala o magkaibigan.

Nang matapos kami ay inihatid niya na rin ako kaagad pabalik ng bahay. Kailangan ko pa kasing mag-pack ng mga iilang gamit bago kami bumiyahe ni Niccolo bukas papuntang Batangas.

8 PM na nang makauwi ako. Agad akong nag-pack ng mga damit sa maleta. Kaunti lamang ang kailangan ko dahil mayroon pa akong naiwang mga gamit sa Batangas.

Sa kalagitnaan ng pagpa-pack ko ay mayroong nag-text sa akin.

Jax: Take care on your trip tomorrow, wish I could go with you.

Hindi ko nga pala nasabi sa kaniyang may kasama ako pabalik ng Batangas at si Niccolo iyon, not that it matters. Hindi ko naman boyfriend si Jax for him to know everything.

Pagkatapos kong mag-pack ay itinabi ko na ang maleta ko at humiga sa kama para magpahinga.

Kinabukasan ay nagising ako sa alarm ko. Ang sabi nila mommy ay 8 AM ang alis namin ni Niccolo. It's currently 6 AM, I still have to get ready.

Bumangon na ako at dumeretsyo sa bathroom para maligo. Pagkatapos ay nag-ayos na rin ako at nagsuot ng skinny jeans at hoodie.

Paglabas ko ay nadatnan ko si mommy na naghahain ng breakfast at si tito Matthew na nagbabasa ng newspaper sa dining table.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon