Chapter 46: Blackmail

307 8 0
                                    

Nagising akong katabi pa rin si Adaline, hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti dahil rito. Halos buong gabi ay hindi ako makatulog pagkatapos ng nangyari sa amin ni Adaline. Hindi pa rin ako makapaniwala na muli ko siyang mahahawakan sa ganoong pagkakataon.

Hindi ko rin maalis ang mga mata ko sa kaniya sa buong gabing nakalipas. Halos hindi ko ininda ang pagod. Tinignan ko ang oras sa nighstand at alas-siyete na ng umaga, isang oras lamang yata ang itinulog ko

Dahan-dahan akong bumangon sa kama at napansin ko naman siyang gumalaw nang kaunti, nalihis na ang kumot sa kaniya at inayos kong muli ito bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Agad akong dumako ng kitchen para ipagluto siya ng almusal niya. Inilabas ko ang mga ingredients para sa scrambled eggs at nagsimulang magluto. Naglagay rin ako ng iilang slice ng bread sa toaster.

Pagkatapos kong magluto ay dumeretsyo na rin ako ng bathroom para sa quick shower dahil kailangan ko pang pumasok sa trabaho. Naalala ko na naman kung paano na-disappoint sa akin si dad kagabi, mukhang kailangan kong bumawi sa trabaho ngayong araw.

Pagkatapos kong mag shower ay lumabas ako ng bathroom, bago pa ako makapasok para kumuha ng damit sa kwarto ay may nagbukas na ng pinto. Parehas kaming nagulat ni Adaline nang makita namin ang isa't isa.

"Where are you going?" tanong ko sa kaniya. Mukhang nagmamadali siya.

"I-I have to go." pag-iiwas tingin niya sa akin at nilagpasan ako paglabas niya ng kwarto ngunit pinigilan ko siya sa braso niya.

"You should eat first, I cooked breakfast." simple kong sabi sa kaniya.

Kumalas siya sa pagkakahawak ko at tinignan niya akong deretsyo sa mga mata ko. "This was a mistake, Niccolo. " aniya.

"No, don't even say that." umiiling kong sabi. "Deep down you know our connection is still there." seryoso kong sabi sa kaniya.

Alam kong mayroon pang katiting na pag-asa sa aming dalawa. Kung hindi na siya pwede't hindi na niya ko mahal ay hindi siya papayag sa nangyari sa amin kagabi.

"J-Just stop Niccolo, please! Respetuhin mo naman ang girlfriend mo, matagal na panahon na tayong wala." pagtataas-boses niya at tuluyan niya akong nilayasan sa condo ko.

Muntik ko na siyang habulin sa labas ngunit napagtanto kong twalya lamang ang bukod tanging suot ko sa katawan ngayon. Marahas kong hinampas ang pinto ng kwarto ko at napaupo sa dulo ng kama.

Ngayon ko lamang naalala si Celine, all throughout the night walang ibang tumakbo sa isip ko kundi si Adaline. Napasabunot ako sa buhok ko.

I feel like shit.

Tumayo ako at kumuha ng suit sa closet saka nagbihis ng kumpletong attire. I know what to do, I need to face Celine.

I need to end things between us.

Lumabas ako ng kwarto at bumungad ang ginawa kong almusal kanina, kumuha lamang ako ng isang toast at nagsalin ng kape mula sa coffee maker.  Pagkatapos ay tinapon ko na ang lahat ng niluto ko sa sobrang inis.

Nang makarating ako sa parking ng company building ay mahigpit akong kumapit sa manibela at humugot ng lakas sa balak kong gawin. Pagpasok ko sa loob ng building ay agad kong pinuntahan ang secretary's office para kausapin si Celine, sa kasamaang palad ay hindi ko siya inabutan doon.

Dumeretsyo na lamang ako sa office ko para ituloy ang naiwan kong trabaho. Pagkalipas ng ilang oras ay dumako ang isip ko sa mga pangyayari kagabi. Nahuhuli ko ang sarili kong napapangiti sa tuwing naaalala ko ito.

Agad naman akong natauhan nang mayroong kumatok sa pinto ko, "Good morning babe, I was just at your dad's office. Ang sabi niya ay kailangan niya na ang kabuuan ng financial reports by the end of the day." ani Celine at naglakad papunta sa akin.

Sinubukan niya akong halikan ngunit bigla ko itong iniwasan, "We need to talk." seryoso kong sabi sa kaniya.

"About what?" nawala na ang ngiti niya sa ginawa ko.

"About us, Celine." pagtawag ko sa pangalan niya.

Mariin siyang pumikit at huminga nang malalim bago muling ngumiti sa akin, hindi ito ngiting masaya bagkus ay mukha itong pilit.

"Is this about your ex?" tanong niya sa akin. Napaangat ako ng kilay, how did she know? "Yeah Niccolo, I know that she's back." nakangiti ngunit masama ang tingin niya.

"Celine–"

"Stop! Don't you even dare, Niccolo." pagpuputol niya sa sinasabi ko.

"I don't think this is working. I'm sorry." pagpapakatotoo ko sa kaniya.

It's not working because I'm still in love with the girl I fell for, 4 years ago.

"Don't bullshit me, Nick. Alam kong nakikipag-break ka lang dahil gusto mong bumalik sa ex mo. How unfortunate, because I'm not gonna let you." aniya at umupo sa upuang katapat ng table ko. Humalukipkip siya at bahagyang pinihit ang ulo niya.

I scoffed at her confidence, "What do you mean? I'm ending things between us, it's not up to you Celine."

"I know.." tumatangu-tangong sagot niya. "But what will your dad think if he finds out you were fucking his wife's daughter?" she smirked after saying those words as if it was nothing.

This fucking woman.

"You wouldn't dare." panunuya ko sa kaniya. Napaigting ang mga panga ko nang bigla siyang humalakhak.

Tumayo siya at unti-unting naglakad papunta sa likuran ko, "Try me, Niccolo. Sayang naman ang pinaghirapan mo ng ilang taon, kung itatakwil ka lang ng daddy mo." bulong niya sa tenga ko at ginagapang ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Are you fucking kidding me, Celine? Blackmailing me to stay with you? That's so low of you." I scoffed.

"You know I'll do everything to keep you babe. Even if it means I have to destroy your life." nang hindi ako makatiis sa kaniya ay padarag akong tumayo at hinampas ang table ko.

Hinarap ko siya, "Baka nakakalimutan mong boss mo pa rin ako?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. Ngunit hindi siya nagpatinag at patuloy pa rin ang mala-demonyo niyang ngiti.

"See you around." aniya at hinawakan ang neck tie ko. Pagkatapos n'on ay lumabas na siya ng opisina ko.

"Fuck!" inis kong sigaw rito.

I can't believe her. Ngayon ako nakaramdam ng pagsisisi kung bakit pinatulan ko pa ang babaeng ito. Kahit noong college pa lang kami ay ayaw nila Paul at Travis sa kaniya.

I thought she changed noong lugmok ako sa kalungkutan dahil sa paglisan ni Adaline at dinamayan niya ako, but to my surprise– she's still a bitch.

Napagpasiyahan kong ibaling nalang ang atensyon ko sa trabaho. Inisa-isa ko ang folder na nakalapag sa table ko, halos ito ang mga hinihingi ni dad mula sa akin kagabi. Nang matapos ko ito ay minasahe ko ang pagitan ng mga kilay ko.

Fuck this.

Hindi ko hahayaang sirain ni Celine ang pinaghirapan ko sa kumpanyang 'to. Handa akong harapin ang mga magulang namin ni Adaline, ngunit gusto ko ay sa maayos na paraan ito. Ayaw kong manggaling pa ang katotohanan sa ibang tao, lalong lalo na kay Celine.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon