Chapter 44: Little Accident

315 10 1
                                    

Hinarap niya ako, "N-Niccolo? kunot-noo at tila ba gulat na tanong niya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nawalan siya ng balanse dahilan para mahulog siya sa dagat.

"Adaline!" sigaw ko na tila ba nahulog ang puso ko sa pangyayari. Wala sa huwisyo akong tumalon para hanapin at sagipin siya.

Hindi ko alintana ang dilim at lamig ng tubig nang sisirin ko ang dagat. Natanaw ko siya na pilit inaahon ang sarili sa ibabaw para makahinga, agad ko siyang dinaluhan at binuhat papunta sa tabing-dagat.

Napaupo siya sa tabing dagat at nagsimulang umubo dahil sa tubig na nalanghap niya, "A-Are you okay?" alalang tanong ko sa kaniya.

Patuloy pa rin siya sa pag-ubo ngunit tumango siya sa tanong ko, senyales na maayos ang kalagayan niya.

Napansin ko naman ang basang-basa niyang dress, I can almost see her body. Agad akong naghanap ng maaari kong ibigay sa kaniya para hindi siya lamigin, "Shit." mahinang bulong ko nang mapagtanto kong basang basa rin pala ang buong katawan ko.

Nang maging mahinahon ang pakiramdam niya ay agad ko siyang kinarga papunta sa sasakyan ko.

"What are you doing? Put me down, I can walk Niccolo." tila ba iritableng sabi niya.

"I just saved your life, and this is how you thank me?" sagot ko habang deretsyo lamang ang tingin ko sa nilalakad.

Hindi na siya muling nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Naramdaman ko namang ipinalupot niya ang braso niya sa balikat ko.

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot ng beach kung nasaan ang sasakyan ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto at inupo siya sa passenger's seat.

"Wait here." habilin ko sa kaniya at saka nagmamadaling binuksan ang trunk ng sasakyan ko. Hinablot ko ang extra kong coat at saka ito inabot sa kaniya. "Wear this so you won't get cold." utos ko sa kaniya na siya namang ginawa niya.

Isinara ko ang pinto ng sasakyan at hinablot ang phone ko mula sa bulsa, nawala sa isip kong basag-basag na nga pala ito. Mabuti na lamang at dala ko ang company phone.

Umikot ako at binuksan ang pinto sa may driver's seat at pumasok sa loob. Agad kong binuksan ang heater ng sasakyan para hindi siya lamigin. Saka ko kinuha ang phone sa glove box.

To: Jax Gonzales
Niccolo: "Dude sorry for leaving. Had a little accident, gotta go."

Sa text na lamang ako nagpaalam dahil hindi ko rin magawang iwan si Adaline mag-isa rito para lang bumalik pa sa establishment.

"I haven't asked you why you're here." bungad ko at pahapyaw siyang tinignan.

"U-Uhm, I'm here for Gwen's bachelorette party." sagot niya at nag-iwas tingin siya sa akin pagkatapos.

"Wait, really?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Siguro ay sa sobrang inis ni Jax sa posibilidad na hindi ako makapunta sa bachelor's party niya, ay nakalimutan yata niyang sabihin na dito rin gaganapin ang kila Gwen.

"In that case, do you have spare clothes?" tanong ko sa kaniya.

"W-Wala, lahat ng gamit ko ay nasa hotel pa sa Maynila. Actually, baka hinahanap na rin nila ako, kanina pa ako wala roon. I should go back." paalam niya sa akin. Akmang bubuksan niya ang pinto nang i-lock ko ito mula sa driver's seat.

Tinignan niya ako nang masama ngunit hindi siya nagsalita.

"You're seriously gonna go back there when you're dripping water all over your body?" sarkastiko namang tanong ko sa kaniya. "I already texted Jax. I'm just gonna leave another one para ipagpaalam ka."

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon