Kabanata 56: Tying the Knot

406 8 0
                                    

(Playing: A Thousand Years
by Christina Perri)

Bumukas ang napakalaking pinto at bumungad sa akin ang pulang carpet na nakalatag hanggang sa dulo ng altar.

This is it.

The beginning of the happiest days of my life.

Akala ko'y wala nang mas sasaya pa sa buhay na mayroon ako ngayon, ngunit mayroon pa pala.

Hinawakan kong mahigpit ang mga bulaklak sa kamay ko at nagsimulang maglakad sa carpet. Dahan-dahan ko itong tinatahak habang pinapanood ng iba't-ibang taong narito sa araw ng kasal namin. Damang dama ko ang ang kantang tinutugtog ng pianist sa bawat pagsulong ko.

Sa bawat paghakbang ko ay siya ring paglapit ko sa lalaking mapapangasawa ko, ang ama ng anak at magiging anak pa namin. Matikas siyang nakatayo sa gilid ng altar kasama ang kapatid niya, ngunit bakas sa mga mata niya ang pagpatak ng luha habang pinapanood akong lumakad papalapit sa kaniya.

Hindi ko rin mapigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko, halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Labis ang saya ko dahil magiging isang-dibdib kami ni Niccolo, ngunit mayroong pait na nararamdaman dahil wala ang mga magulang namin para suportahan kami. Halos lahat ng kakilala't kaibigan namin ay lumipad pa papunta rito sa Los Angeles. Everyone is here but our parents.

I wish dad was walking me down the altar right now, alam kong magiging masaya siya dahil ikakasal na ang unica hija niya.

Gayon pa man, hindi matutumbasan ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Unti-unti kaming naglapit ni Niccolo, inialay niya ang bisig niya at kumapit ako rito. Sabay naming hinarap ang altar at ang officiant ng kasal namin.

We looked at each other with so much love and exchanged smiles before the officiant started the ceremony.

"Welcome Friends, Family, and loved ones. We are gathered together today in the sight of God and of each other as witnesses to celebrate the marriage of Niccolo and Adaline." pagbati ng officiant sa lahat.

Malaki ang ngiti sa akin ng officiant, nginitian ko rin siya, si Reverend William. Noon pa man ay kilala na niya ako. Sa buong linggong nakalipas ng pagpaplano namin ng kasal ay nag-request ako kay Niccolo na si Reverend William ang magkasal sa amin, dahil siya rin ang nagkasal sa mga magulang ko noon.

Pagkatapos ng pagbati ay nagsabi ng maikling panalangin si Reverend William. Nagsimula siyang magbigay ng mensahe sa lahat ng narito sa kasal. Binigyan niya rin kami ni Niccolo ng iilang aral sa pagiging mag-asawa.

"Niccolo and Adaline, in the time I've known your story while discussing your marriage, I know you've been through plenty of challenges. After your marriage, just know that there will be more. But you need to be there for each other as partners." mensahe ni Reverend William sa aming dalawa.

Alam ni Reverend William ang totoong istorya sa pagitan namin ni Niccolo. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil pumayag siyang ikasal kami ni Niccolo kahit sa hindi katanggap-tanggap na paraan kami nagtagpo.

"Niccolo, Adaline, it is now time to say your vows." aniya at nginitian kaming dalawa.

Napagusapan naming dalawa na ako ang mauunang magbigay ng vows bago pa man ganapin ang kasal. Tumikhim ako para mabawasan ang kabang nararamdaman bago magsalita.

"Niccolo, my one true love, the father of our child, let me start my vows by saying how lucky I am to have found you. Five years ago, nakilala natin ang isa't-isa, for all the wrong reasons.."

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon