Chapter 27: Encounter

369 12 2
                                    

"So, how have you been?" iyan ang bungad sa akin ni James nang maiwan kaming dalawa dito sa bahay nila tito Matthew.

Dito kami pinatuloy nila mommy kahit na ipinagpilitan kong manatili na lamang kami sa mall ni James. Baka raw pagod si James at gustong magpahinga. Hell, bakit dito pa.

I feel nervous.

It's been years. Ever since we broke up ay naglayo na rin ang schools namin, when be decided to move to a different state for college. Ako naman ay nanatili sa LA.

"Hm, okay lang. A lot has happened." maikling sagot ko. I don't want to go over everything that has happened to my life since we're not that close anymore.

He didn't go back to LA even after my dad died. I still hold a grudge for that.

"Like what?" mukhang gusto niya talagang alamin ang mga pangyayari sa buhay ko.

"I inherited dad's company." panimula ko sa kaniya. Tila ba nagulat naman siya sa sinabi ko. Do I look like I don't have the potential?

"Oh wow, that's quite a start." napangiti siya. "Congratulations!" pagbati niya.

"Thanks." maikling sagot ko sa kaniya. I don't know why pero pakiramdam ko ay hindi na kami ganon kalapit gaya ng dati.

We were friends bago kami naging mag-nobyo't nobya. Nasira ang friendship namin simula nang magbreak kami.

"How about you?" sinubukan ko siyang tanungin. Hindi naman ako interesado, but I don't want to seem rude.

"Well, a lot has happened since we broke up. I'm already done with my medicine practice. I officially became a doctor just last year." masayang balita niya sa akin.

Nagulantang naman ako. Simula noon ay iyon na talaga ang nais niyang maging trabaho. Tila ba natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Wow! Really? Congratulations! That's even better than what I had told you." pagpupuri ko sa kaniya.

"Hey, don't say that. This is your dad's company we're talking about. I bet you make just as much money as me." pagbibiro niya.

Humalakhak naman ako. Well, he's right. Malaki rin naman ang paycheck ko, pero hindi hamak na mas malaki ang sweldo niya. Lalo na't sa US siya nagtatrabaho.

"About that–" hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. "I'm sorry I wasn't there for you when he passed. Believe me, I tried my best to go home. I was so busy with school especially I was having my medical licensing examination at the time." eksplanasyon na.

It makes sense now.

"Oh, that was a long time ago. It's okay, really. I understand." I assured him. Iyon pala ang dahilan, alam ko kung gaano kahalaga kay James ang med school kaya't naiintindihan ko na ngayon.

Nanatili pa kami sa ganoong sitwasyon nang may biglang pumasok sa front door. Agad kong binawi ang kamay ko kay James nang makita ko kung sino ito.

It's him, it's Niccolo.

Tinignan ko ang mga mata niya. Tila ba nanumbalik ang lahat ng nangyari sa akin. Seryoso naman siyang nakatingin sa amin ni James. Siguro ay nagtataka siya kung sino ang katabi ko ngayon. How do I explain? Do I talk to him?

At bakit ako natataranta ngayon?

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at ganoon rin si James. Pinatong ni Niccolo ang suitcase niya sa doorway table nila. Hindi pa rin siya nagsasalita.

"U-Uhm, James this is Niccolo. My stepbrother." napalunok naman ako sa huling sinabi ko. Tila ba hindi ako sigurado.

"What's up, bro?" pagbati sa kaniya ni James at saka ito naglahad ng kamay. Tinignan ako ni Niccolo bago niya kinamayan si James.

"Sup." maikling sagot sa kaniya ni Niccolo. "Adaline, can we talk for a sec?" seryoso niyang sabi sa akin. Nakaramdam naman ako ng kaba.

Ngayon nalang ulit kami mag-uusap.

Binalingan ko si James na wala namang kaalam-alam sa nangyayari, "Wait here, I'll be back." nginitian ko siya. Ayaw kong magpahalata.

Nauna nang pumunta si Niccolo sa balcony at kabado akong sumunod sa kaniya. Pagkarating niya roon ay agad niyang itinukod ang mga braso niya sa railing ng balcony.

Nang maramdaman niyang narito na ako sa likod niya ay hinarap niya ako, "Who's that?" pagtatanong niya. Hindi ko mawari kung ano ang mood niya dahil blanko lang ang ekspresyon niya.

"It's James." obvious na sagot ko.

"Well, I know his name. But who is he?" seryoso na ang tono niya sa pagkakataong ito.

Why does he even ask?

Oo nga pala, bahay niya ito and James is a complete stranger.

"H-His parents are close friends with my parents, and they're here for the wedding." nauutal na paliwanag ko. Shit, bakit ba kabado ako lagi sa mga katanungan ni Niccolo.

"Oh, okay." tumatangu-tangong sagot niya. Iyon lang? That's it? That's only why he wanted to talk to me? I don't know why, but I'm kind of hoping na may iba pa siyang sasabihin. "See you around." maikling sabi niya bago ako nilisan.

Muli akong napuno ng katanungan sa isip ko. Why is he acting this way? Na para bang walang nangyari, nakalimutan na ba niya ang ginawa niya sa akin? Fuck, I hate this feeling.

Siguro ay nasaktan ko rin siya, pagkatapos ko siyang ipagtulakan. Ngunit kahit mas malala ang pinaramdam niya sa akin bakit siya pa ang ganito ngayon?

Hindi ko na lamang ito pinansin at binalikan ko si James na nag-iisa sa living room.

"Hey, I'm sorry was I gone for too long?" nakokonsensiya ko namang tanong kay James.

"No don't worry about it." ngumiti siya. "I should get going, my parents want me to arrange our luggage before checking in on a hotel. Do you want to come? We can grab dinner." pagtatanong niya.

Should I come? Bakit naman niya ako aayain? Hay, bakit ba ako nag-aalala. Siguro ay wala naman itong ibig sabihin. I don't see why I shouldn't.

"Yeah, sure." sagot ko kay James.

Napalingon naman ako nang tumikhim si Niccolo. Nakaupo siya sa long table malapit sa amin at kaharap ang laptop niya.

Hinarap kong muli si James, "Let's go?" pag-aaya niya sa akin. Tinanguan ko siya at saka kami naglakad palabas roon. Bago ako tuluyang makalabas ay muli ko pang nilingon si Niccolo.

Seryoso pa rin siyang nakatingin sa laptop niya at hindi man lang kami nilingon para magpaalam. I can't help but wonder, maybe he doesn't care anymore.

Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kaunting lungkot roon. Siguro ay dahil kahit paano ay naging magkaibigan naman kami, and we used to care for each other. Now there's just nothing between us, hindi man lang niya ako kayang tignan.

But why do I feel like this? Ako naman ang nag-desisyon na itigil ang namamagitan sa amin. Pinagtulakan ko siya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Adaline?" pagtawag ni James sa pangalan ko. Agad naman akong nawala sa iniisip ko. Kanina pa pala siya nakahawak sa pinto at hinihintay akong lumabas.

"O-Oh, sorry!" nahihiyang paumanhin ko sa kaniya. Shit, am I too obvious?

I looked at Niccolo, once again.

Now he's looking.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon