Chapter 47: Revelation

365 12 1
                                    

"Can you hurry up? The wedding will start in 30 minutes." iritable kong sabi kay Celine. Narito ako ngayon sa apartment niya.

"Stop rushing me." seryoso naman niyang sagot habang sinusuot ang sapatos niya. Nang matapos siya ay nauna na akong lumabas at nagpunta sa loob ng sasakyan.

Gusto ko mang magsaya ngayong kasal ng kapatid ko ay hindi ko magawa dahil sa kasama ko. Napipilitan nalang akong pakisamahan si Celine dahil sa mga banta niya.

Nang makapasok si Celine sa loob ng sasakyan ay padarag niyang sinara ang pinto. Umiling na lamang ako at hindi na siya pinansin. Buti na lamang ay hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa venue ng kasal nila Jax.

Pagbaba namin ay nauna na akong maglakad papunta sa loob, may iba akong gustong makita.

"Niccolo!" pagtawag sa akin ni Celine.

Umirap ako bago siya hinarap, "What?" matamlay kong tanong sa kaniya.

Naglakad siya papalapit sa akin at mahigpit na humawak sa braso ko, "Can you at least pretend to be nice?" pilit-ngiting sabi niya sa akin.

Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa braso ko at nagtagumpay ako rito, "I'm pretty sure you can walk by yourself."

Nang makapasok kami sa loob ay agad nilibot ng mga mata ko ang venue, sinusubukang hanapin si Adaline.

Mas nauna ko pa yata siyang hanapin kaysa sa kapatid ko.

Nang hindi ko siya mahagilap ay sinamahan ko na ang kapatid ko malapit sa altar. "I'm sorry I wasn't able to assist you." bulong ko kay Jax.

"Dude you suck at being a best man." hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Nakonsensiya naman ako dahil hindi ko siya gaanong natulungan sa sa kasal niya bilang best man niya.

"The important thing is I love you." pagbibiro ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako nang masama at di kalaunan ay natawa rin. Pabiro niyang sinuntok ang balikat ko.

Parehas kaming napaayos ng tayo nang magsimulang tumugtog ang orchestra, senyales na papasok na ang bride.

Dahan-dahang bumukas ang malaking pinto ng venue at pumasok ang liwanag na nagmumula sa labas, kasabay ng paglitaw ni Gwen suot ang bridal gown niya.

Nagsimula siyang maglakad at nang makapasok siya ay agad na lumihis ang paningin ko sa nasa likuran niya. Ramdam kong napaawang ang bibig ko nang masilayan ko si Adaline, suot ang sage green niyang bridesmaid dress.

Hindi naman ako ang ikakasal ngunit sobrang lakas ng tibok ng puso ko, tila ba gusto nitong kumawala sa dibdib ko.

Napalunok ako nang mariin nang magtama ang paningin namin.

Sandali naman ako napayuko nang nag-iwas tingin siya sa akin. Nang makarating si Gwen sa altar kasama ang daddy niya at tinapik ko ang balikat ni Jax at iniwan na siya kasama ang bride niya.

Umupo ako sa tabi ni Celine dahil wala rin namang ibang bakanteng upuan. Ngunit sa kasamaang palad ay nakahilera ang upuan namin kung saan nakaupo ang mga bridesmaids.

Nilingon ko si Adaline sa kaliwang banda, nakapagitan ang red carpet sa kinauupuan namin. Seryoso lamang siyang nakatingin sa altar, hindi ko alam kung nakita man lang ba niya akong umupo rito.

"Stop fucking staring at her or I'll snatch your eye out." rinig kong banta ni Celine, dahilan parang ibaling ko ang mga mata ko sa altar.

Pagkatapos ng iilang salita mula sa wedding officiant ay nagsimula na sila sa wedding vows nila.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon