Chapter 33: Reservations

332 13 2
                                    

"Sweetie, can you come closer to Niccolo." pag-uutos sa akin ni mommy habang nasa harap kami para sa pictorial.

Fuck

Sinunod ko ito at hinakbang nang kaunti ang paa ko sa gilid para lumapit kay Niccolo. Pinapanood kami ng mga guests habang si mommy naman ay kinakausap ang photographer.

Nag thumbs-up ang photographer at nakangiting nakatingin si mommy sa aming dalawa ni Niccolo. Bago tuluyang pindutin ng photographer ang shutter ay naramdaman ko ang kamay ni Niccolo sa bewang ko.

He did it so fast that I didn't even have time to react. Nang alisin niya ito ay saka ko lamang naproseso ang ginawa niya. Tila ba nanlambot ako nang muli kong madama ang hawak niya.

Tinignan ko siya ngunit tila ba walang nangyari sa kaniya.

"Perfect!" palakpak ni mommy nang silipin niya ang preview ng litrato namin ni Niccolo.

Marahan namang tumango si Niccolo at nilisan ang tabi ko. Nilapitan ko naman ang photographer para silipin ang picture namin.

"Can I see?" pagtatanong ko. Tumango naman ito at tinapat sa akin ang screen ng camera niya.

Agad na dumapo ang mga mata ko sa kamay ni Niccolo na nakahawak sa bewang ko. Kung hindi lamang kasal ang mga magulang namin ay baka isipin ng iba na may namamagitan sa amin.

Well, we used to. But not anymore.

Siguro ay para na rin sa ikabubuti ng lahat ang nangyari. Lalo na't kasal na ngayon ang magulang naming dalawa.

This time, we're not really getting together anymore.

"This is good!" pagpupuri ni mommy sa photographer. Nakahinga naman ako nang malalim nang wala siyang naging negatibong reaksyon sa litrato namin ni Niccolo.

Muli pa akong pumwesto sa harap ng photographer at sinamahan ako ni mommy. Naka-ilang shot kaming dalawa ni mommy bago nakuntento ang photographer.

Nakaramdam naman ulit ako ng gutom kaya't bumalik ako sa table namin. Naiwan roon si Gwen at si Jax na nag-uusap.

"Heyy!" pagbati sa akin ni Gwen nang makita niya akong papalapit.

Napatingin naman si Jax sa akin, medyo nailang ako rito. Siguro ay dahil ngayon lamang ulit kami nagkita.

"Hey." bati ko rin kay Gwen. Lumapit siya sa akin at akmang may ibubulong.

"I saw that." seryosong sabi niya.

Kinabahan naman ako, "S-Saw what?" tanong ko sa kaniya.

"His hand on your waist." tila ba nanunuya niyang tinataas ang kilay niya. Inirapan ko naman siya, akala ko nama'y kung ano na.

"He's probably just playing." sagot ko kay Gwen.

Itinaas naman niya ang mga kamay niya na tila ba'y sumusuko na siya. Tinawanan ko naman ito.

Nahagip ng mata ko si James na papalapit sa table namin. Kinawayan niya ako at ganon rin ang ginawa ko. Nang malapit na siya ay biglang may humila ng bakanteng upuan sa tabi ko, nang umupo ito ay saka ko lamang nakita kung sino ito.

Niccolo?

Muli akong nagulantang sa presensiya niya, lalo na't ganito siya kalapit sa akin.

Narinig ko naman ang pagpipigil tawa nila James at Gwen. Tinignan ko nang masama si Gwen at agad niyang hininto ang pag ngiti niya.

"Hey, bro. James, right?" pagtatanong ni Jax kay James nang makarating ito sa table namin.

Oh no, what's he gonna do?

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon