Kabanata 55: Leap of Faith

363 8 0
                                    

Sobrang kaba ang nararamdaman ko mula sa eroplano hanggang sa paglapag namin sa Los Angeles Airport. Hindi alam ni Nikki kung sino ang tunay niyang ama, dahil hindi ko rin kayang magsinungaling noon at ipakilala si James bilang ama niya, ngunit kahit papaano ay tinuring pa rin niyang daddy si James.

Ang paliwanag ko lamang sa kaniya ay nasa malayo ang daddy niya. Hindi naman niya ito madalas na hinahanap ngunit may pagkakataon na nakakaramdam siya ng inggit sa ibang batang kasama ang tatay nila.

But that's going to change now.

"Are you ready to meet her again, and this time introduce yourself?" tanong ko kay Niccolo. Hinawakan ko ang kamay niya habang narito kami sa likod ng cab.

"I'm nervous, but I'm more excited. Paano kung ayaw niya pala sa akin?" bakas sa boses niya ang kaba.

"Hindi mangyayari 'yon, matagal na panahon ka na niyang gustong makasama." I assured him.

Tumango naman siya at mabilis na iginagalaw ang binti niya, "Excuse me, can we please hurry up?" utos niya sa driver ng cab.

"Hey, calm down." hinaplos ko ang batok niya.

"I'm sorry I just really want to see her already." natatawang saad niya nang mapagtanto niya kung gaano siya ka-balisa.

"Well, we're here." turo ko sa labas kung nasaan ang bahay ko. Nanlaki naman ang mga mata niya na tila ba hindi niya inexpect na agad kaming makakarating. "Dito na lang ba tayo o bababa ka pa?" pagbibiro ko sa kaniya nang ma-estatwa siya sa loob ng cab. Ngayon ko lamang yata siya nakitang ganito kabahan.

"Y-Yeah, sorry." kabado niyang binuksan ang pinto ng cab. Bumaba na rin ako habang kinukuha niya ang iilan naming gamit sa likod ng sasakyan.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya habang bitbit naman niya ang gamit ko sa kabila. Naglakad kami papasok ng bahay at inilabas ko ang susi para buksan ang pinto. Hindi ko naman maiwasang manginig rin sa kabang nararamdaman ko.

Nang mabuksan ko ang pinto ay agad kong tinawag ang pangalan ng anak namin, "Nikki, mommy's home!" anunsyo ko sa buong bahay.

Unti-unti kong narinig ang maliliit na yabag mula sa kusina, "Mommyyy!" excited na sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa akin. Nakasunod sa kaniya si James na may dala-dalang baso ng gatas.

Lumuhod naman ako at sinalubong siya ng yakap. "Oh my, I missed you so much baby." tila ba maluluha kong sabi sa kaniya.

"I missed you too mommy! I thought hindi na ikaw babalik." naka-pout na sabi niya.

"Aww baby, of course I'll come back." paglalambing ko sa kaniya.

"Oh hey, it's that guy from grocery store!" turo niya nang maaninag niya si Niccolo sa likuran ko.

Binalingan ko naman si James, "Thank you." I mouthed. Naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin at nilisan niya kaming tatlo.

"Nikki, I have someone to introduce to you." panimula ko sa kaniya.

Itinagilid naman niya ang ulo niya na tila ba inuusisa si Niccolo, "Are you my papa?" biglaang saad niya. Napalingon naman ako kay Niccolo at parehas na nanlalaki ang mga mata namin.

Lumuhod si Niccolo sa harap niya, "Y-Yes, how did you know I'm your dad?" kabadong tanong niya.

"Hmm I saw a picture of you in my mommy's dresser. And I remember we both like twizzlers!" nakangiting sagot niya.

Tila ba nakahinga ako nang maluwag at natawa sa sinabi niya, "Ikaw talagaaa, you're such an observer." saad ko habang pinipisil ang magkabilang pisngi niya.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon