Chapter 7: Savior

683 11 1
                                    

Nagising ako sa liwanag ng araw. Mukhang nakalimutan kong isara ang blinds kagabi. Bigla kong naalala ang mga pangyayari bago ako natulog kagabi.

It seems unreal, that we're being nice to each other. Noong una'y akala ko hindi na kami magkakasundong dalawa. Marami akong ayaw sa ugali niya, isa na roon ang pagsawsaw niya sa personal kong buhay. Lalo na kay Jax.

Speaking of Jax, madalas na rin siyang mag-text sa akin ngayon simula nang sumama ako sa beach getaway nila. Hiningi niya ang number ko bago niya ako ibinaba rito sa bahay.

Mga simpleng palitan ng texts lamang ang nagaganap sa pagitan namin. Dahil busy rin siya sa trabaho at walang gaanong oras makipag-socialize.

Ako naman ay paminsan-minsang tumutulong kay mommy mag asikaso ng firm namin. Isang taon pa lamang ako sa business namin nang magsimula ako. Hindi pa ako ganoon ka-involved sa business namin ngunit may sarili na rin naman akong paycheck.

Pagbaba ko ng kwarto ay binati ako ni mommy.

"Good morning sweetie, how was your sleep?"

"Maayos naman po. How about yours, mommy?" tanong ko.

"Oh sweetie, I didn't sleep well. Magdamag akong nag-aasikaso ng firm natin. There has been a mild setback." halatang worried siya.

"What is it?" tinanong ko siya.

"Isa-isang umaalis ang mga empleyado ng firm natin. Simula kasi nang lumipat tayo dito ay humina na rin ang sales natin."

"So what do we do?"

"Actually, nakausap ko ang tito Matthew mo. And we've decided to have a joint business. Their company will now handle our realty."

"W-What? Why?" nagulat ako sa ibinalita niyang ito.

"I'm sorry I didn't ask you first. I'm not completely letting go of our realty, tutulungan lang tayo ng tito Matthew mo." paliwanag niya.

"This is Dad's realty that we're talking about. Si Dad ang nagpundar ng business na 'to, mom. Why are you giving it away?" nagiging emosyonal na ako.

"Honey, I know. I don't have any choice, ayaw kong malugi ang pinaghirapan ng daddy mo this is why I'm doing this. Besides, I want to be a full-time wife to your tito Matthew once we get married. When that time comes, you will be the new head of DeLana Realty."

Tila hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya, "I can't believe you." mangiyak-ngiyak na sabi ko bago ako umalis sa harap ni mommy.

What was she thinking? Bakit niya ipapasa sa iba ang business na itinayo mismo ni dad? Ito na nga ba ang kinakatakot ko, that someday dad will be out of the picture. At ako na lamang ang makakaalala sa kaniya.

Umakyat ako sa kwarto ko at dito ko ibinuhos lahat ng luha ko. Tanggap ko ang magiging kasiyahan ni mommy, kahit pa kapalit nito ay bubuo siya ng panibagong pamilya. Ngunit ang hindi ko matatanggap ay tuluyan niyang talikuran ang alaala ni dad.

Nagbihis ako dahil hindi ko maatim na mag stay sa bahay at the moment. Tumawag ako ng cab para magpahatid sa destinasyon ko, "Shangri-La Plaza po, manong."

Natulala lamang ako sa buong biyahe. Inaalala ko ang mga panahong buhay pa si daddy. Kung gaano kami kasaya bilang pamilya. Kahit nagkakaroon kami ng problema ay magkakasama namin itong hinaharap. Ngayon ay hindi man lang ako makausap ni mommy para hingin ang opinyon ko sa mga bagay bagay.

Nakarating kami at binayaran ko ang taxi driver bago ako bumaba. Hindi ganoon karami ang tao dahil Lunes ngayon. Naglakad ako at nilibot ang loob ng mall hanggang sa nakaramdam ako ng gutom.

Unlawful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon