Chapter 1

6.3K 82 1
                                    

Everlie Laine's Pov

I was walking now in the middle of the rain. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin. Pakiramdam ko wala ng saysay pa ang buhay ko.

Kahapon lang ay na discover ko na niloloko pala ako ng boyfriend ko. Pinangako nya sakin na mag papakasal na kami, pero nalaman ko na karelasyon nya pala ang boss nya. Sobrang tanga ko dahil matagal nya na pala akong niloloko.

Ngayon naman, tinangal ako sa trabaho dahil sa kasalanang hindi ko ginawa. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko.

Nag patuloy ako sa pag lalakad, sa pag patak ng ulan kasabay nito ang pag agos ng luha ko. Maraming tao ang nakakakita sakin, pero wala na akong paki-alam dahil sa mga Oras na to, ulan lamang ang alam kong mag cocompport sakin. Malapit na ako sa apartment na inuupahan ko ng mapadaan ako sa isang maliit na park. Naupo ako sa swing at doon ay napatingala sa kalangitan.

"Sobrang bigat na po, kung wala ng saysay ang buhay ko, pwede po bang kunin mo na ako." Umiiyak na wika ko. Naninikip na ang dibdib ko dahil sa kakaiyak. Ganito pala yung feeling na walang wala kana. Yumuko ako at nag patuloy sa pag hagolhol. Natigilan naman ako ng may makitang paa sa aking unahan.

"Are you okey ate? Ito payong o, pinapabigay ni kuya. Baka daw kasi mag kasakit ka." Wika ng batang babae na nasa harapan ko ngayon. Naka suot ito ng pink na raincoat.

"S-sinong kuya?" Tanong ko dito at agad na tiningnan ang paligid ngunit wala naman tao kundi kaming dalawa.

"Hindi ko din po kilala eh, inutusan nya lang ako na ibigay to sayo." Nakangiting wika nya.

"Salamat." Nakangiting wika ko dito.

"Sabi nga pala ni kuya, huwag kana daw malungkot." Muling wika nito.

Bigla kong naisip si Troi, baka sya ang nag papabigay nito, pero imposible naman na sya yun. Masaya na yun sa feeling ng boss nya.

"Bye ate, don't be sad na okey?" Nakangiting wika nito at umalis na. Huminga ako ng malalim at nag lakad na pauwi. Wala ng silbi kung gagamitin ko pa tong payong. Basa na rin naman ako.

Pag dating ko ng apartment ko, napalunok ako ng makita si Mr.Tan. Ang negosyanteng inutangan ni papa bago sya mamatay. Napahinga nalang ako ng malalim dahil alam kong nandito sya para singilin ako.

"Hindi maganda na nag papaulan iha. Baka Ikaw ay mag kasakit. Pag Ikaw nag kasakit, Ikaw hindi na bayad utang." Wika nito. Kahit na magaling na ito mag Tagalog, nandun pa din yung accent nya bilang isang Chinese.

"Nandito po ba kayo para maningil? Pasensya na Mr. tan dahil wala po akong maibibigay sayo ngayon." Nahihiyang sagot ko dito.

"Hindi ako punta Dito para singil ka. Dito ako para Ikaw deal akin." Wika nito at ngumiti ng malapad.

Kilala ko si Mr Tan, mautak pa sa unggoy yan. Kung may utang ka sa kanya, ibabaon ka talaga nito.

"Ano naman po yun?" Kinakabahan na sagot ko.

"Gusto ko ikaw maging Asawa aking anak-

"Ano po!" Sigaw ko dito kahit hindi pa sya tapos mag salita.

"Ikaw binge, sabi ko ikaw gusto aking anak. Gusto nya ikaw pakasalan. Kapag ikaw payag, huwag na ikaw bayad utang." Nakangiting wika nito kaya mas lalo akong nainis.

"Sorry Mr Tan pero alam nyo naman po na may karelasyon na ako." Sagot ko dito.

"Ikaw niloloko iyong boyfriend." Wika nito which is totoo naman.

"Hindi mo deserve boyfriend mo. Pumayag na Ikaw kasal aking anak. Bibigay nya lahat iyong gusto." Muling wika nito.

Agad naman akong umiling. Hindi pa naman sira ang ulo ko para pumayag sa gusto nya.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon