**Mariel's Pov**
Lahat ay excited ng makita ang bride, finally at magaganap na ang pinakahihintay naming lahat. Sa wakas ay ikakasal na si Everlie at Sor Garri. Sa totoo lang ang hirap ng sitwasyon naming lahat. We need to support sir Garri and Everlie para hindi sila mabisto sa pag papangap nila. Pero halata naman sa dalawa na inlove na sila sa isat-isa kaya hindi ko na kailangan pang mangamba sa love life ng boss ko.
Lahat ay napahanga ng makita si Everlie. Dahan dahan itong nag lalakad mag isa sa aisle, habang hinihintay sya sa gitna ni Nanay Lucy at tatay Daryo na nag papangap din na magulang nya. Hay naku, damay damay na to. Dahil sa pag mamahal namin kay sir Garri, nasusuportahan namin sya sa kasinungalingan ito. Pero may maganda din namang naidulot dahil natutunan nyang mahalin si Everlie. Isa pa, nag kaayos din kami ni Cleo dahil sa kanila kaya sobrang thankful ko din.
Sobrang ganda ni Everlie sa gown nya. Ibang klase din talaga si Paula mag make up. Nude make up lang sya at nandun pa din talaga yung natural beauty ni Everlie. Napangiti ako ng makita si Paula and Yvette. Nakikita ko naman na may pag babago na si Paula, siguro dahil yun sa matinding effort ni Yvette. Sino bang mag aakala na ang isang aakla na si Paula ay mag bibihis lalaki ngayon sa kasal ng bestfriend nya.
Pag dating ni Everlie sa gitna ay niyakap sya ni Tatay Daryo at nanay Lucy. Muli ay nag lakad ang mga ito papunta na kay sir Garri. Napansin kong umiiyak ang mommy ni Sir Garri, tears of joy siguro. Paano kaya pag nalaman nila ang katotohanan? Napalunok nalang ako sa pwedeng mangyare, sana lang talaga ay matapos na ang kontrata nila bago pa nila malaman ang katotohanan.
Pag dating sa unahan, agad na nag blessed si Garri at Everlie sa mga parents nila. And finally, binigay na ni tatay Daryo ang kamay ni Everlie kay Garri. Gusto ko sana maiyak sa nangyayare kaso alam nyo naman na fake lang ang wedding na to.
Nag simula na ang wedding ceremony. This is it, wala ng makakapigil pa sa kanilang dalawa. Ilang sandali pa ay nag palitan na ang mga ito ng I do. Lahat kami ay napasigaw dahil sa wakas, kasal na din sila.
"You may now kiss the Bride, pero teka lang Garri, hinay hinay lang ah." Wika ng judge na nag kakasal sa kanila. Tumawa lang si sir Garri at tinaas na ang belo ni Everlie. Kitang kita sa mata ni Sir Garri kung gaano ito ka Inlove kay Everlie.
Ilang sandali pa ay hinalikan na ito ni Sir Garri. Todo hiyawan at palakpakan naman ang lahat ng nanunuod. Akala namin ay mabilis na kiss lang ito pero talagang tinodo na nung dalawa.
"Hoy mag tira kayo sa honeymoon nyo!!" Sigaw ng isa sa kaibigan ni Sir Garri. Napailing nalang ako ng mag hiwalay na ang mga labi nila. Yung muka ni Everlie na mumula dahil sa hiya.
"Tayo kaya, kelan tayo ikakasal?"
Agad akong napalingon sa tabi ko. Di ko namalayan na katabi ko na pala si Cleo."Mag propose ka muna para malaman mo." Biro ko dito.
**Yvette's Pov**
Finally the ceremony is over! Yes hindi nagawang makapang gulo ni Larra. Speaking of Larra kamusta na kaya ang babaeng yun? Baka namatay na yun sa gutom. Pero bahala sya, deserve nya yun.
Habang kumakain ang mga bisita, nakita ko si Fablito. Ipapaalala ko lang sa kanya yung price ko. Excited na talaga ako ahehehe.
"Baby ko." Tawag ko dito. Hindi ako pinapansin nito dahil busy ito sa pakikipag usap sa mga babae. Tshh, sapakin ko to eh.
"Akklaa!" Medyo malakas na tawag ko dito kaya nilingon na ako nito. Bwésit na to, ayaw ng baby Ang itawag, mas gusto pa ang Akkla.
"Yes, may kailangan ka?" Nakataas ang isang kilay nito ng humarap sakin. Tiningnan ko sya ng masama. Aba at uma-attitude ka ngayon ah.
"Ipapaalala ko lang sayo yung price ko. Wag mong kakalimutan ah." Nakangiting wika ko dito kaya inirapan ako nito.
"Oo na, mamaya mo na ako kulitin about dyan." Wika nito at tinalikuran na ako. Bwésit talaga tong si Paula, nakakainis dahil mas gusto nya pang kausap yung ibang mga babae na hindi naman magaganda. Makaalis na nga, mas mabuti pang ikain ko nalang to.
Pumunta na ako sa food area. Sa pag kain ko nalang ibubuhos yung inis ko kay Paula.
"Hinay hinay lang Yvette, baka hindi mo maubos yan." Wika ni Ian na ngayon ay nasa tabi ko na rin at kumukuha ng pag kain.
"Kulang pa nga to, ginutom ako sa ceremony kanina." Nakangiting sagot ko dito. After namin kumuha ng pag kain mag kasama kaming kumain sa iisang table. Okey din naman kasing kausap itong si Ian, hindi ka maboboring sa kanya dahil marami itong kwento sa buhay.
"Gwapo din pala itong si Paula pag nag bihis lalaki nuh?" Wika nito kaya muntik na akong mabulunan. Uminom ako ng tubig at tiningnan si Paula. Tssh, umiinit lang ulo ko dahil sa nakikita ko. Bahala nga sya dyan, lumandi sya sa ibang babae kung gusto nya.
"Okey ka lang ba Yvette? Madudurog na yung Plato dahil sa ginagawa mo." Wika nito kaya agad kong tiningnan ang plato ko. Napa buntong hininga ako at sumandal sa upuan. Parang nawalan na tuloy ako ng gana kumain.
"May nangyare ba? Bakit parang badtrip ka ngayon?" Muling tanong nito.
"Wala lang to, pagod lang ako." Sagot ko. Umalis si Ian ng table pero naiwan ang pagkain nya sa lamesa kaya tiningnan ko ito kung san pupunta. Kumuha lang pala ito ng 2 glass of wine.
"Uminom ka muna para gumaan ang pakiramdam mo." Nakangiting wika nito ng makabalik na sya sa table namin.
Siguro nga ito ang tamang gawin ko, bakit ba ako nag papaka stress kay Paula samantalang sya nag eenjoy naman.
Lumipas ang ilang Oras at palubog na ang araw. Nag simula na ang 1st dance ni Everlie at Sir Garri bilang mag Asawa. Napatingala nalang ako sa kalangitan dahil sa malakas na pag sabog ng fireworks. Ang bongga naman ng wedding na to, may pa fireworks pa. Nakakaingit naman, kahit fake ang wedding na to, naranasan ni Everlie yung kasal na pinapangarap ng maraming kababaehan.
Ako kaya? Mararanasan ko din kaya ang ganitong wedding? Pero kahit simply lang basta si Paula ang groom ko, sobrang sayo ko siguro nun.
"Sayaw tayo." Wika ni Ian. Hindi pa nga ako pumapayag, pero hinila na ako nito sa dance floor. Mabuti nalang at nandun din ang parents ng groom and bride. May ilang mga bisita na rin ang sumasayaw.
"Walang hiya ka Ian, ano to sapilitan?" Pabirong wika ko.
"Haha, baka kasi hindi ka pumayag." Bulong nito sakin. Wala na akong choice dahil nandito na rin kami. Nilagay nito ang dalawang kamay nya sa bewang ko, habang ako pinatong ko sa balikat nya ang mga kamay ko.
"Hindi na ba mag babago ang isip mo? Parang lugi naman kasi ako sa naging disisyon mo. Ikaw okey lang na makipag kaibigan sakin, pero yung puso ko nahihirapan na hangang dito lang tayo." Wika nito habang nakatingin sa mga mata ko.
Umiwas ako ng tingin kay Ian, sakto namang kay Paula ako napatingin. Shùta mga mare, ang sama ng tingin sakin ni Paula. Yung tingin nya sakin, parange nahuli nya akong pinag tataksilan ko sya. Walang hiya, bakit parang ang cheater ko sa lagay ko ngayon? Pero sya nga itong hindi ako pinapansin dahil puro pang babae ang inaatupag nya.
What if maging tunay na nga syang lalaki, tapos naging babaero naman? Wahhh, ayuko na pag nangyare yun. Bumalik nalang sya sa pagiging Aklaa nya para ako lang yung babae nya.
Nag walk out na si Paula, hindi ko alam kung san ito pupunta kaya nag paalam na ako kay Ian ay sinundan to. Napaka pabebe naman nya, ang lumalabas tuloy ako yung manliligaw dito. Yun naman ang totoo diba, ako talaga yung nanliligaw sa kanya. Sige lang Yvette, tiis lang siguradong makukuha mo din si Fablito.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...