53

928 31 8
                                    


** Gabby's Pov**

Nung nalaman ko kay Lesley yung about sa fake Wedding ni Garri and Everlie, pinuntahan ko kaagad yung kaibigan ni Garri na si Dino, Yung judge na nag kasal sa kanila. Medyo nahirapan pa ako makipag usap dito kasi kabilin bilinan daw ni Garri na huwag i-register yung kasal nila. So ako na bida-bidang kapatid di ako pumayag na ganun-ganun nalang yun.

Gusto kong maranasan ni Garri yung pinag daanan namin ni Lesley. Ang hindi ko lang ini-expect ay yung ganito. Nag bunga pala ang pag papangap nilang dalawa. Kaya pala hindi ko nahalata nung una palang na nag papangap sila dahil totoong nag mamahalan na sila.

Masaya ako para kay Garri, all he need to do nalang is ipag laban si Everlie lalo na ngayon na isa itong Ocampo. Alam ko yun dahil si Larra pa mismo ang nag sabi sakin. Tumawag ito sakin bago mangyare yung pag bangga nya kay Everlie.

Wala na akong naging balita pa kay Larra dahil matagal na kaming tapos. Hindi naman talaga ako kaaway dito, prinotektahan ko si Garri sa babaeng yun hanggat maari. Pero may mga bagay talaga na may limitasyon.

"Bakit parang ang saya mo dyan?" Tanong ko kay Lesley. Ngiting ngiti kasi ito habang nag mamaneho ako.

"Sinong hindi matutuwa? Alam mo yung muka ni Roseben kanina, hahahaha muka syang nalugi. Akala ko katapusan na ng love story ni Everlie and Garri eh. Ayuko talaga maging Asawa ni Garri yung Roseben na yun." Tuwang tuwa na wika nito.

Ngumiti nalang din ako dahil Masaya si Lesley sa nangyare. Simula kasi nung niloko ko sya, ginawa ko na ang lahat para sa kanila ni baby Brielle. Alam kong pang habang buhay kong babayaran at pag sisihan ang ginawa kong yun. Kaya nga bumabawi na ako sa pag kakamali ko.

"Isasama ba natin si Garri sa party?" Muling tanong nito.

"Kahit hindi natin sya isama, alam ko namang invited sya." Sagot ko dito.

"Wahh, excited na talaga ako na mag kaayos sila bilang mag asawa." Wika ito habang nag eemagine ng pwedeng mangyare.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni mom and dad pag nalaman nilang si Everlie ay isang Ocampo. Mag babago kaya ang tingin nila kay Everlie? Or magiging ma pride pa rin sila dahil sa pang mamaliit nila dito?


**GARRI'S POV**

Agad kong pinuntahan si Dino para mag pasalamat sa pag register nya ng kasal namin ni Everlie. May pag asa pa kami, eh ano kung may boyfriend at kinakasama na sya ngayon? Ngayon pa ba ako pang hihinaan ng loob kung legal na mag asawa na kami. Babawiin ko sya, at handa na akong ipag laban sya.

Pag dating ko sa bahay ni Dino, niyakap ako nito ng makita ako.

"Bro, welcome back!" Masiglang wika nito.

"Thank you Pare!" Nakangiting wika ko.

Humiwalay ito sa pag kakayakap sakin at bakas sa muka nito ang pag tataka.

"Anong ibig mong sabihin? Thank you for what?" Naguguluhan tanong nito.

"Sa pag register mo sa kasal namin ni Everlie. Sobrang thankful ko dahil ginawa mo yun. Akala ko wala ng pag asa saming dalawa." Sagot ko dito at muli itong niyakap.

"Teka muna Garri, hindi ako ang nag register ng kasal nyo." Wika nito kaya napakunot ang noo ko.

"Si kuya Gabby mo ang nag register, alam mo bang tinakot ako ng kuya mo para lang ma iregister ang kasal nyo? Sinabi nyang sisirain nya ang buhay ko, at aalisan nya ako ng licence bilang judge. Sa takot ko wala akong nagawa kundi pag bigyan ang gusto nito. Sorry pare, hindi ko natupad ang usapan natin." Sagot nito kaya tinapik ko ito sa balikat.

"Thank you pa rin Dino, mukang may utang ako sayo. Aalis na ako, pupuntahan ko muna si kuya Gabby." Wika ko dito at nag madali ng umalis.

Dumiretso ako sa bahay nila kuya Gabby. Dito ko nalang sila hihintayin ni ate Lesley. Sa totoo lang nagulat ako sa ginawa ni kuya Gabby. Buong buhay ko tingin ko sa kanya ka kompetensya, pero mali pala. Hindi ko naisip na kadugo ko sya at higit sa lahat nag iisang kapatid ko. Gusto kong bumawi kay kuya, hindi pa naman huli ang lahat para saming mag kapatid diba?

  Pag dating ko sa bahay nila, hindi ko akalain na dito ko pa sila makikita.

"S-sir Garri." Wika ni Mariel at napatayo pa ito sa kinauupuan nya. Mabuti nalang at hindi sila sinisanti ni mom. Kay kuya Gabbi na sila ngayon nag tatrabaho ni Cleo.

"Mabuti nalang sir at bumalik kana." Wika ni Cleo.

"Sir, alam nyo bang nasa manila na din si Everlie ngayon?" Wika ni Mariel. Napakunot ang noo ko sa tanong nito, bakit kelan ba umalis ng manila si Everlie?

"Bakit, san ba sya galing?" Pag tatakang tanong ko.

"Mukang wala po talaga kayong alam sa nangyare kay Everlie mula nung umalis kayo." Malungkot na wika ni Mariel.

"Teka, sabihin nyo nga sakin kung anong dapat kong malaman?"

"Ang totoo kasi nyan sir, naaksidente si Everlie nung umalis ka, na coma sya ng ilang buwan. Mabuti nalang at kasama na sya ng parents nya na sila-"

"Oh nandito na pala kayo!" Wika ni kuya Gabby kaya hindi na ituloy ni Mariel ang sasabihin nya.

Biglang gumulo ang isip ko dahil sa sinabi ni Mariel. Na coma si Everlie tapos wala akong ka alam-alam. Pakiramdam ko napaka walang kwenta ko dahil iniwan ko sya. Pero kunge ipag pipilitan ko kasi yung kagustuhan ko na ipag laban sya, parehas na pwedeng mawala sakin ang lahat, yun lang ang way ko para maitama lahat ng maling disisyon ko sa buhay. Pero kung namatay si Everlie, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Dito ka rin naman pala pupunta Garri, dapat sana sumabay kana samin kanina." Wika ni kuya Gabby.

Hindi ko alam kung paano ko papasalamatan si Kuya. Ni minsan hindi pa ako nakakapag pasalamat sa kanya. Ako kasi mismo ang lumayo sa kanya kaya nag karoon ng gap ang relasyon namin as brother.

"K-kuya Gab" Nauutal na tawag ko dito.

"Bakit? May problema ba Garri?" Nakangiting tanong nito.

"Kuya, sorry." Wika ko dito at hindi ko namalayan ang sarili ko na nasa harapan na nito.

Hindi ko magawang tumingin dito. Nahihiya ako sa dahil sa naging trato ko sa kanya.

"Ayos lang yan bro, nauunawaan kita. You don't need to explain your self. You are forgiven." Wika nito at niyakap ako.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko at nag yumakap din ako dito.

"Sorry kuya, sorry sa lahat." Wika ko dito, wala na akong paki alam kung nakikita ako ni Mariel at Cleo na umiiyak. Pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko. Kung tinangap ko sana si Kuya noon, baka mas naging maganda pa ang bonding namin sa isat isa. Nang kumalma na ako sa pag iyak, inakbayan ako ni Kuya.

"I did my part as your brother, so Garri gawin mo ang part mo as a husband. Ipag laban mo si Everlie, ipag laban mo ang marriage nyo." Wika nito sakin kaya tumango ako bilang sagot.

"Thank you kuya for helping me. Hindi ko sasayangin yung tulong na ginawa mo." Nakangiting sagot ko dito.

"Mabuti naman kung ganun, nandito lang kami palagi sa likod mo Garri, fighting! Ibalik mo si Everlie!" Wika naman ni ate Lesley.

"Thank you ate, hindi ko kayo bibiguin." Wika ko sa kanya.

"Ibig bang sabihin nito sir, babalik na din kami bilang secretary at driver mo?" Nakangiting tanong ni Mariel.

"Kung okey lang kay Kuya?" Sagot ko sabay tingin kay kuya Gabby.

"Sayo naman talaga ang loyalty nila, kaya sige na, bumalik na kayo sa totoo nyong boss." Wika ni Kuya kay Cleo and Mariel.

"Thank you sir Gabby, thank you dahil inampon mo kami habang wala si Sir Garri. Kung kailangan nyo kami ni Mariel, wag po kayong mag alinlangan na lumapit samin." Nakangiting wika ni Cleo.

"Sige, sa ngayon si Garri muna ang tulungan nyo. Gawin nyo ang lahat para sa kanila ni Everlie."

"Yes Sir!" Sabay na sagot ni Mariel and Cleo.

Mas lalo akong nag karoon ng pag asa dahil sa kanila. Mag hintay ka lang Everlie, ibabalik kita sa tabi ko bilang totong Mrs Clinton.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon