35

624 16 0
                                    

Everlie's Pov

Lumipas ang isang linggo at mas naging busy kami ni Garri. Hindi pala basta-basta ang pag aasikaso ng kasal. Sa totoo lang kinakabahan ako.

Napuntahan na namin ni Garri ang lahat ng Ninong and ninang namin na kukunin maliban nalang sa isa, ang mag asawang Ocampo. Garri decided na 5 pairs of ninong and ninang lang ang kukunin, pero hindi pumayag ang parents nya, so mas nadagdagan pa. Alam ko naman na hindi din basta-bastang tao ang mga kinuha nila.

Pag dating namin sa gate ng mansion ng mga Ocampo, hindi ko maiwasang di humanga. Tulad lang din ito ng mansion ng parents ni Garri. Na kwento sakin ni Garri na kasama sa top 10 most billionaires sa bansa ang mag asawang ito. Nakakapang hinayang lang kasi dahil madadamay pa sila sa pag papangap namin ni Garry. Ayuko sanang isipin nila na scam ang lahat pero yun ang totoo. Nakakakonsensya lang dahil alam kong malaking pera ang ibibigay nila samin sa wedding.

"Okey ka lang ba?" May pag alalang tanong nito. Tumango nalang ako bilang sagot.

Pinapasok na kami ng guard, mas na amazed ako ng makapasok na kami. Sobrang lawak kasi ng garden nila at sa gitna nito ay may malaking fountain.

Naalala ko nanaman si Larra. Parehas silang anak mayaman ni Garri. Kung tutuusin sila talaga ang nababagay ni Garri. Wala akong laban sa kanya. Sa huli, kay Larra pa rin mauuwi ang trono bilang Mrs Clinton. Yun nga lang 2nd wife na ang title nya dahil kahit fake wedding ito ako pa rin ang 1st!

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Nakakunot noo na tanong ni Garri. Nasa harap na pala kami ng mansion at nakatigil na din ang sasakyan.

"Ah eh, may naalala lang ako." Sagot ko dito. Bumaba na ng kotse si Garri at pinag buksan ako nito. Maya-maya  mag asawang Ocampo. Kinuha na ni Garri yung invitation at gift namin sa Asawa.

"I'm glad to see you again iha, matagal tagal din ng huli tayong mag kita." Wika nito at agad akong niyakap.

"Oo nga po, Masaya po akong makita kayong muli." Sagot ko dito.

"Tuloy na muna kayo sa loob." Wika nito habang nakayakap sa braso ko. Sumunod naman si Garri at Mr Ocampo na nasa likod lang namin. Naupo kami sa sofa at agad na nag pa handa ng maiinom at meryenda si Mrs Ocampo.

"Pasensya na kayo Garri kung nag Pa reschedule kami ni Celestina kahapon. Busy kasi kami kahapon." Wika ni Mr Ocampo.

"Ayos lang po yun Ninong. Ano na po palang balita sa pag hahanap nyo sa anak nyo?" Tanong ni Garri kaya napakunot ang noo ko.

"Until now wala pa rin silang magandang update. Sabik na sabik na talaga akong makita ang anak namin." Malungkot na wika naman ni Mrs. Ocampo.

Wala akong alam sa pinag uusapan nila, pero malinaw sakin na nawawala ang anak nila.

"Nawawala po si Larra?" Tanong ko sa kanila. Agad na umiling si Mrs Ocampo.

"Hindi si Larra, yung nag iisang anak namin ni Erick na si Erceles." Nakangiting wika nito. Teka medyo nalilito ako, tunay na anak daw. So ibig sabihin hindi nila tunay na anak si Larra?

"Ang buong pag kakaalam namin ay namatày sa sunog ang anak namin si Erceles, ngunit nalaman ko na buhay pala talaga to." Muling wika ni Mrs Ocampo. Ganun pala ang nangyare, nakakalungkot naman dahil matagal na nahiwalay sa kanila ang anak nila.

"Masaya po akong malaman na buhay pa ang anak nyo. Sigurado pong matutuwa sya pag nalaman nyang hinahanap nyo sya." Nakangiting wika ko sa mag asawa.

"Sana nga iha ay makita agad namin sya, gusto namin bumawi sa kanya. Sana lang ay nasa maayos sya." Wika ni Mr.Ocampo.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon