67

1K 21 0
                                    

Lumipas ang isang taon.

Garri's Pov

After ng meeting ko ay naka receive ako ng missed calls mula sa teacher ni Errson. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan talaga ako kaya ako na ang tumawag dito.

"Hello Mrs Padua, may problema po ba?" Direct na tanong ko dito.

"Yes Mr.Clinton, mas mabuting pumunta nalang kayo dito ni Mrs Clinton para mapag usapan natin ang nangyare." Wika nito at nag madali na akong lumabas ng opisina. Agad kong tinawagan si Erceles.

"Babe, may problema sa school si Errson, sunduin kita dyan in 20 minutes." Wika ko dito at agad din na pinatay ang call.

Ito ang unang beses na ipinatawag kami sa school. Mukang hindi ito maganda, ano naman kayang ginawa ni Errson? Masisiraan ako ng ulo sa mga anak ko. Bakit ba kasi nag mana sakin si Errson, bakit hindi nalang sa mommy nya.

-

Pag dating ko sa bahay agad na nag kiss si Erceles sakin.

"Yaya kayo na muna ang bahala sa mga bata." Wika ni Erceles sa mga personal maid ng mga bata. Sumakay na kami ng kotse.

Pag dating ng school, nakaabang na samin yung teacher ni Errson sa gate.

"Ano po bang nangyare Mrs Padua?" Pag aalalang tanong ni Erceles dito.

Nag patuloy kami sa pag lalakad hangang sa makarating kami ng guidance. Nakita namin si Errson na tahimik na nakaupo sa silya. Nandito yung classmate nyang si Elizabeth at Kurt maging ang mga parents nito.

"Ngayong nandito na ang mga parents nyo, pwede nyo na bang i-kwento samin Elizabeth, Errson and Kurt kung ano ba ang nangyare? Mahinahong tanong ng teacher nila.

"Si Errson po kasi, hindi nya ako pinapansin." Wika ni Elizabeth sabay lingon kay Errson.

  "Is that my obligation?" Nakakunot noo na tanong nito. Napayuko naman si Elizabeth dahil sa cold treatment sa kanya ni Errson.

Gosh, nakikita ko talaga ang ugali ko kay Errson. Nakakainis pala yung pag ugali kong ganyan. Hahaa

"B-but I like you, bakit mo ba ko laging sinusungitan." Mangiyak ngiyak na wika ni Elizabeth dito.

"How many time ko bang sasabihin sayo na I don't like you?"

"Errson!" Saway sa kanya ni Erceles kaya napayuko lang ito. Napansin kong nag titimpi na si Erceles dahil sa pagiging rude ni Errson kay Elizabeth.

"So Kurt, bakit mo naman sinuntok si Errson?" Tanong ni Mrs Padua sa isang pa nilang classmate.

"Dahil pinapaiyak nya si Elizabeth. I like Elizabeth pero itong si Errson pinapaiyak lang sya kaya nainis na ako at sinuntok ko na sya." Sagot nito kaya kaming mga parents palihim nalang na natawa.

Pailing-iling si Mrs Padua dahil sa mga narinig nya.

"Mukang umiibig na po itong mga anak nyo. Ang komplikado po ng sitwasyon nila." Natatawang wika ni Mrs Padua.

"Sorry po Mrs Padua." Nahihiyang wika ni Erceles.

Binigyan kami ng time ni Mrs Padua para kausapin ang mga anak namin. Lumabas kami ni Erceles kasama si Errson na tahimik lang.

"Son, hindi mo naman kailangang pag salitaan ng ganun si Elizabeth diba? As a man, kailangan mong maging gentlemen sa mga babae. Hindi mo dapat sinasaktan ang damdamin nila." Mahinahong wika ni Erceles dito. Tahimik lang naman na nakikinig si Errson sa kanya.

"Sorry mom, pero hindi ko talaga sya gusto. Naiinis ako sa mga pangungulit nya sakin. Ayaw nya akong tantanan, naging totoo lang naman ako sa sarili ko." Sagot nito kaya napatango ako.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon