54

912 27 4
                                    


*Erceles/Everlie's Pov**

Ilang minuto nalang at mag sisimula na ang party. Kinakabahan ako, alam kong darating ang lahat ng taong inaasahan ko lalo na ang parents ni Garri. Pero kahit naman malaman nilang isa akong Ocampo, wala ng mag babago na ikakasal na si Garri sa ibang babae. Ang kailangan ko nalang talagang gawin ay maging matatag para sa sarili ko. This is the new me, at kailangan ko ng palayain ang dating Everlie.

Humarap ako sa human size mirror ko sa kwarto at tiningnan ko ang suot kong long gown. Ngayon gabi, kakalimutan ko na ang masasamang alaala bilang si Everlie, at ito na ang simula ng buhay ni Erceles.

*Tok*tok*

Pumasok sa kwarto ko si mom, may dala-dala itong box. Sa muka nito alam kong jewelry box ito. Naalala ko tuloy ang mommy ni Garri nung ibinigay nga sakin yung kwentas nya na sinasabing salin lahi sa bawat kasal ng family nila.

"You look gorgeous my daughter." Nakangiting wika ni mom. Lumapit ito sakin at kinuha ang kamay ko. Nakatitig ito sa muka ko, siguro hindi pa rin makapaniwala si mommy na nasa harapan nya ako. Kahit ako, hindi pa rin makapaniwala sa kinatatayuan ko ngayon. Dati nangangarap lang ako na makilala ang Ina ko, pero alam kong malabo yun dahil wala namang iniwan si tatay Sebastian sakin na kahit ano para mahanap ko si Mama. Pero ito ako ngayon, lumabas na ang katotohanan at may mama at papa pa pala ako.

Hindi ako galit kay tatay Sebastian dahil sa pag kuha nya sakin sa totoo kong mga magulang. Hindi nya naman ako pinabayaan nung nasa puder nya ako. Tinuring nya talaga kong tunay na anak, kaya kung nasan man sya ngayon, Tay salamat po.

"Mom, thank you dahil hinanap nyo ko." Nakangiting wika ko dito. Ayukong umiyak, pero yung luha ko nag babadya ng tumulo.

"Akala ko tuluyan ka ng mawawala samin ng daddy mo. As a mother and father, hindi kami sumuko na mahanap ka at maibalik sa piling namin. Masaya kami na ikaw ang nawawala naming si Erceles. Pangako anak, babawi kami sayo ng daddy mo. Gagawin namin ang lahat for you, sa kasiyahan mo. Alam namin na grabe ang pinag daanan mo sa pamilyang Clinton at hindi kami papayag na maulit yun sayo. You are the only one heir of this family, walang sino man ang pwedeng mang api sayo. Tandaan mong mabuti yan anak, dahil isa kang tunay na Ocampo." Wika ni mom at niyakap ako nito.

Bonus na sakin ang pagiging Ocampo,  sapat na sakin yung may mama at papa ako na kasama ngayon. Ito lang naman ang pangarap ko noon pa man.

Binuksan na ni mom yung jewelry box. Hindi ako makapaniwala sa laman nito. Isang set ng mga alahas na gawa sa diamond. Sa sobrang kinang nito matatakot ka nalang na hawakan.

"This is our welcome gift for you anak. Alam namin ng daddy mo na kulang pa yan sa ilang taon nating pag hihiwalay. Pero sana magustuhan mo itong munting regalo namin para sayo." Nakangiting wika ni mom.

"M-mom, hindi nyo naman po kailangan na regaluhan ako ng ganito kamahal na alahas. Sapat na po sakin na makasama ko kayo ni Dad." Nauutal na sagot ko dito.

Wala akong idea kung gaano ka yaman ang totoo kong magulang, at hindi naman nasusukat sa yaman ang pag mamahal.

"Tatangapin mo ba or hindi? Kasi kung di mo to tatangapin mag tatampo talaga ako sayo." May pag tatampo na wika ni mom.

"Ayuko naman po na sumama ang loob nyo mom. Shempre nag effort kayo ni dad kaya tatangapin ko po yan ng bukal sa puso." Nakangiting wika ko. Pinahawakan sakin ni mom ang box at isa isa nyang sinuot sakin ang alahas.

"Ayan, bagay na bagay sayo anak. Tandaan mo, walang ano mang alahas or kayamanan ang makakatumbas sa pag mamahal namin para sayo ng daddy mom." Nakangiting wika ni mom sabay halik sa noo ko.

"Salamat mom, mahal na mahal ko kayo ni daddy." Wika ko dito at niyakap ito ng mahigpit.

"Teka nga muna, bakit kayong dalawa lang ang nag yayakapan dyan. Isali nyo naman ako."

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon