Yvette's Pov7pm na at pa close na kami ng flower shop ng biglang may pumasok sa loob.
"Good evening sir, ano pong hanap?" Tanong ko dito, nakayuko ito habang nakatingin sa mga flowers na nasa baba.
Pag harap nito sakin nagulat ako ng makilala ito.
"I-Ian?" Nauutal na tawag ko dito.
"Ikaw ang hanap ko." Nakangiting wika nito kaya mas lalo akong napangiti.
"Mukang naligaw ka ata." Wika ko dito at nilapitan to.
"Nope, Ikaw talaga ang sadya ko dito." Nakangiting wika nito kaya pinaupo ko muna to.
"Ano namang kailangan mo sakin at nag abala ka pa talagang pumunta dito ng ganitong oras?"
"Ahmm, yayain sana kitang kumain sa labas." Wika ni nito na ikinagulat ko. After kasi ng engagement party ni Everlie and Sir Garri hindi na ulit kami nag kita so para sakin biro lang lahat ng mga sinabi nya nung party.
"Sige, basta sagot mo ah." Biro ko dito.
Nauna na si Paula sa apartment, itetext ko nalang ito na malilate ako ng uwi. Dahil medyo nagugutom na din ako, sinara ko na yung flower shop. Pag dating namin sa mamahaling restaurant nag order na ito.
"Sorry kung ngayon lang ako nag pakita sayo. Medyo busy kasi this past few days, siguro naman pwede ko ng simulan yung panliligaw sayo?" Nakangiting wika nito kaya natulala ako sa sinabi nito.
So ibig sabihin seryoso talaga sya dun sa sinabi nya? Jusme naman, pwede bang friend ship nalang ang ialok nya sakin? Si Paula talaga ang gusto ko eh, lalo na ngayon at mag kasundo na kami ni Paula. Kahit baklang bakla pa din sya, at least ramdam kong welcome na welcome ako sa Buhay nya.
"Bakit ako pa? Alam mo Ian gwapo ka at mayaman. Maraming babaeng mas babagay sayo, imulat mo yang mga mata mo." Wika ko dito. Tumawa lang ito dahil sa sinabi ko. Napakunot tuloy yung noo ko, ano bang nakakatawa sa sinabi ko?
"Yvette, simula nung makilala kita, nakamulat na ang mga mata ko. I really like you, kaya sana hayaan mong iparamdam ko sayo kung gaano kita kagusto." Wika nito kaya parang napaatras ang dila ko. Kinuha ko yung basong may lamang tubig at agad itong ininom.
Ito ang unang beses na may nag sabi sakin ng ganito. Nakakatuyo pala ito ng lalamunan. Bakit parang kinakabahan ako? Parang mas mahirap pa ito kesa sa sitwasyon ko kay Paula.
"Pero Ian, may nagugustuhan na akong iba." Sagot ko dito.
"Really? Sino naman yun? Parang na challenge tuloy ako." Nakangiting wika nito.
Jusme naman tong lalaking to, hindi nya ba alam yung ibig kong sabihin? Sinabi ko un sa kanya para huwag nya nalang ituloy ang pang liligaw sakin pero na challenge pa daw sya.
"Ang swerte naman ng lalaking nagugustuhan mo. Don't worry Yvette, naiintindihan kita. Pero once na sinaktan ka ng lalaking yun, Tandaan mong nandito lang ako. So pano, friends nalang muna tayo sa ngayon?" Nakangiting wika nito na ikinagulat ko. Akala ko pa naman mangungulit pa ito. Mabuti nalang at naunawaan nya ako.
-
Dumating na yung order naming food at nag simula na kaming kumain. Marami kaming napag kwentuhan nito. Hindi ako nakakaramdam ng pag ka-ilang kay Ian. Siguro dahil friendly lang ito at magaling makisama."10 na pala, pasensya na sa abala Yvette. Hindi natin namalayan ang Oras." Wika nito kaya napatingin din ako sa cp ko.
Nang laki yung mata ko ng makitang tadtad na ako ng missed calls and text mula kay Paula.
"Oo nga eh, naku galit na si Bakla!" Wika ko dito.
"Si Paula ba? Sige ihahatid na kita." Wika nito kaya sumakay na kami sa kotse nya. Pag dating namin sa bahay, nag pasalamat at nag paalam na ako dito. Dali dali akong pumanhik sa pinto para buksan ito.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...