Erceles's PovAfter one hour na pag babad sa banyo, I think i'm ready. Kinuskus ko ng mabuti ang mga kasingit-singitan ko. Sinigurado ko din na walang kahit isang balahibo yung ano ko. Kung dati dalawang beses lang ako mag sabon, naka limang ulit ako para sure na sure na mabango na talaga ang bawat sulok ng katawan ko. Sana lang talaga ay long lasting ang amoy nito.
Habang wala pa si Garri, nag blower muna ako ng buhok ko. Cheneck ko din yung mga damit na pinadala ni mommy. Pag lagay ko sa bed, napakagat labi nalang ako.
Bakit parang ang si-sexy naman ng mga pinadala ni mom? Talaga bang sinadya na ito?
Nilabas ko na lahat ng damit at wala talagang maayos dito. May nakita akong note sa bag.
"To my daughter Erceles, enjoy sa honeymoon nyo ni Garri. Suotin mo nga pala yung regalo ko sayo bago matulog, nasa black paper bag. I love you sweetie." Basa ko sa note nito.
Tiningnan ko yung mga gamit namin ni Garri at nakita ko nga yung sinasabi ni mom na black paper bag. Pag kuha ko ng laman ng paper bag, napa poker face ako ng makitang bra at panty ito. Alam nyo ba yung panty na sobrang nipis na kita na yung balat? Ito yung kadalasang sinusuot ng mga babae kung mang aakit ng mga partner nila.
Jusme naman mommy, talaga bang nanay ba kita or bugay? Napalunok ako ng muling icheck yung bra and panty. Isusuot ko ba ang mga ito or hindi? Paano kung mag tanong si mom kung ginamit ko ito? Baka ma saktan ko ang damdamin nya kapag sinabi kong hindi. Haist, bahala na nga.
Hinubad ko na yung suot kong robe para suotin yung gift ni mama ng biglang bumukas ang pinto.
"Anak ng tipaklong naman Garri!" Sigaw ko dito. Dali-dali kong binalot sa katawan ko yung robe dahil caught in the act na ako.
"Wala kang dapat ikahiya Mrs ko." Nakangising wika nito at ni lock ang pinto. Dahan dahan itong lumapit sakin ako naman todo yakap sa robe na hawak ko.
Mag bibihis pa nga lang ako bakit nandito na tong damuho na to.
"Garri lumayo ka nga muna sakin. Mag bibihis muna ako kaya lumabas ka muna!" Kinakabahan na wika ko dito. Para naman itong binge dahil mas lalo pa itong lumapit sakin.
Pag kalapit nito ay kinuha nito ang isang kamay ko at hinalikan. Sh*t lang, para akong nakukuryente. Hinalikan nito ang kamay ko hangang balikat. Napalunok nalang ako dahil sa ginagawa nya.
"Ang sarap naman ng amoy mo babe." Bulong nito sa tenga ko.
"G-Garri pwede bang mamaya nalang, a-ano kasi ang kalat pa ng kama natin, mag aasikaso muna ako." Nauutal na wika ko dito. Sana lang talaga ay mag papigil sya.
"Sige babe, maliligo na muna ako. Medyo malansa din kasi yung balut na pinakain sakin ni tatay Daryo, baka mawalan ka ng gana pag naamoy mo yung bibig ko hahaha." Wika nito at umalis na sa harapan ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero bago ito pumasok ng banyo ay hinampas nito ang pwet ko.
"Garri naman!" Sigaw ko dito pero tumawa lang ito ng malakas.
Nag madali na akong mag bihis habang naliligo si Garri. Yung dress nalang na labas ang likod ang kinuha ko. Wala naman na kasing pag pipilian, kita na yung cleavage, kita pa yung likod. Si mom talaga, mukang sinadya nya to. .
Habang nililigpit ko yung mga damit na kinalat ko sa kama. Bumukas na yung pinto sa cr, hindi ko alam pero yung mata ko nakaabang sa lalabas ng Cr.
Napalunok naman ako ng lumabas ng Cr si Garri na naka topless. Nakabalot ng towel ang pang ibaba nya. Sh*tness naman, bakit ba ang hot ng nilalang na to kahit bagong ligo.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...