**Larra's Pov**
Nag bibihis na ako ng damit habang si Gabby ay nakahiga pa rin sa kama. Ito ang pangalawang beses na pag tatalík naming dalawa.
"Sa anong paraan mo naman ako matutulungan na makuha ang company namin?" Tanong nito sakin kaya natigilan ako sa pag bibihis.
"Makikipag negotiate ako sa daddy mo, isang malaking project na ikaw lang ang makakagawa. Make sure na makukuha mo ang side ng lahat ng mga shareholders dahil siguradong mag kakaroon ng botohan sa inyo ni Garri. Kailangang maging mabango ka sa lahat. Pero bago yan, kailangan muna natin sirain si Garri at Everlie para ma distract si Garri sa pag mamanage ng trabaho nya." Nakangising wika ko kay Gabby.
"Napakatalino mo pala Larra, sayang at hindi ikaw ang pinakasalan ko." Nakangiting wika nito at bumangon na ng kama.
"Ano namang binabalak mo sa mag asawang Ocampo? May balita na ba sa pag hahanap sa totoo nilang taga pag mana?" Tanong nito sabay sindi ng sigarilyo nya.
"Hindi pa rin kumikilos ang mga inutusan ni dad and mom dahil sinalpakan ko na sila ng pera. Don't worry, ako pa rin ang nag iisang taga pag mana nila." Nakangiting wika ko dito at nag patuloy na sa pag bibihis..
"Kapag napa-sayo na ang company ng umampon sayo, hindi na kailangan ni Garri makisiksik sa company namin diba?" Nakangiting wika nito.
"Oo ganun na nga, sayong-sayo na ang Clinton's Empire." Wika ko dito.
"Mabuti kung ganun, mas maganda na yung malinaw ang mga plano." Muling wika nito.
"How about the wedding? Sigurado ka bang wala kang gagawin?" Tanong nito sakin.
"Wala, hahayaan ko muna silang mag pakasaya. Gusto ko kasi makita si Everlie na mag dusa bilang 1st wife na Garri. Hayaan natin na maranasan nya ang maging isang Mrs Clinton. Hindi rin naman mag tatagal sa kanya ang titulo na yun." Nakangiting wika ko.
Sige lang Everlie, mag pakasaya ka ngayon. Tingnan lang natin kung san ka pupulutin kapag si Garri na mismo ang bumitaw sayo.
Ipaparamdam ko sayo yung sakit na naramdaman ko sa tuwing ni-rereject ni Garri ang date namin. Ipapamuka ko sayo kung gaano ito kasakit!
-
11pm na ng makabalik ako sa mansion. Napakunot ang noo ko ng makita si Mom and dad sa lobby na may kausap na dalawang lalaki. Hindi ko kilala ang mga ito, sakto namang paalis sila nang makababa ako ng kotse. Pag lapit ko kay mom and dad, nag beso agad ako.
"Mukang napapadalas ang pag uwi mo ng late." May pag aalalang wika ni mommy.
"Sobrang busy po kasi, alam nyo naman po sa office, mashadong maraming tinatapos na work." Nakangiting wika ko.
"By the way dad, sino ang mga yun?" Pag iiba ko ng usapan.
"Mga private investigator sa pag hahanap kay Erceles." Sagot nito.
"Diba po may binayaran na kayo para sa pag hahanap sa kanya?"
"Mashadong matagal ang proseso nila. Hindi na kami makapag hintay ng mommy mo na makakuha ng information sa kapatid mo." Wika ni dad kaya mas lalo akong nainis.
"Mahahanap din po natin si Erceles, mag hintay lang po tayo." Nakangiting wika ko at niyakap silang dalawa.
Kung mahahanap nyo pa sya, hindi kayo mag tatagumpay hanggat nandito ako. Pipigilan kong mabuo ang pamilya nyo. Ako lang ang anak nyo at wala ng iba.
** Everlie's Pov **
1 week nalang at ikakasal na kami ni Garri. Maayos naman na ang lahat, wala na kaming dapat problemahin pa.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...