Third personal's PovNapag disisyonan ni Garri and Erceles na mag bigay ng exact date for there 2nd wedding sa araw na magising na ang dad nila. And finally ay nagising na din ito. Maayos na ang lagay nito kaya sinasabi na ni Gabby ang nangyare sa company nila. Pinatawag agad si Garri at Erceles ng ama. Ito ang unang beses na makakaharap ulit ni Erceles ang ama ni Garri maging ang Ina nito.
Sobra syang kinakabahan, hawak hawak ni Garri ang kamay ni Erceles ng pumasok sila sa room ng ama sa hospital.
"Dad." Tawag ni Garri sa ama at agad na niyakap. Nasa likod lamang ni Garri si Erceles, tinatansya nito kung anong magiging reaksyon ng matanda sa kanya.
"Anong ginagawa mo dyan iha, halika at nag bless ka naman sakin." Wika ng ama ni Garri kaya agad na lumapit si Erceles dito para mag bless. Sa pag bless nya at hinila sya ng matanda at niyakap.
"Thank you for saving my Empire, I'm so sorry iha kung naging malupit kami sayo noon. I'm really really sorry." Sincere na wika ng ama nito habang nakayakap kay Erceles. Hindi na napigilan ni Erceles ang pag luha. Ito na marahil yung sinasabi nila tears of joy.
"Wala po yun, masaya po akong maayos kana." Wika ni Erceles at binitawan na sya ng ama ni Garri.
"Rizza, hindi ba't may gusto kang sabihin sa dalawa. Bakit hindi ka nag sasalita dyan." Wika ng ama ni Garri sa Asawa nito na tahimik lang sa gilid ng kama.
"S-Sorry Garri and Erceles, kasalanan ko kung bakit nangyare to sa kompanya natin. I'm so selfish, hindi ko manlang inisip yung nararamdaman nyong dalawa. Sana mapatawad nyo ako." Nakayukong wika nito habang umiiyak.
Lumapit si Garri dito at niyakap ang Ina.
"Ma, naiintindihan ka naman namin. Ngayon ba, kaya mo ng tangapin ang relasyon namin ni Erceles?" Tanong ni Garri dito. Tiningnan ni Rizza si Erceles, ngumiti ito at tumango.
"Nung si Everlie palang sya, gustong gusto ko na talaga sya. Hindi ko lang matangap na nag sinungaling kayo sakin. Ang gusto ko lang ay ang mag kaasawa ka, nung una nag hinala kami ng daddy mo na baka binayaran mo lang sya para makuha ang pwesto ng daddy mo. Pero nakikita namin sa inyong dalawa yung pag mamahalan. Kaya sobrang thankful ko sa kanya dahil tinuruan nyang mag mahal si Garri." Wika ng Ina nito habang patuloy pa rin sa pag iyak.
"Nadala ako ng galit nung nalaman kong nag sinungaling kayo. Hindi ko kasi matangap kung saan kami ng kulang ng daddy mo. Oo kailangan namin ng mayamang pamilya para maginge partner ng company natin. Pero naunawaan ko na ngayon, na mas mahalaga ang pamilya. Hindi ko kayang mawala sakin si Garri. Kaya kung ano ang disisyon nya ngayon, tatangapin ko ng maluwag sa puso." Wika muli nito.
Agad na pinunasan ni Erceles yung luhang tumulo sa mata nya. Finally at okey na ang lahat. Tangap na sya ng dad and mom ni Garri. Wala na si Roseben at at Larra, ito na ba ang simula ng masaya at walang hangang nilang pag mamahalan?
* Garri's Pov *
After 1 month
Lumipat na kami ni Erceles sa bagong bahay na binili ko. Hindi ito kasing laki ng mansion nila or mansion namin. Mas gusto kasi ni Erceles na simply lang para hindi mahirap linisan. We have to maids, 1 driver, 2 security guard and 1 hardener. Sila ang kasama namin sa bahay araw-araw.
Mag kaiba kami ng working place ni Erceles. Sa ngayon kasi, sinisimulan na ng daddy nya na turuan ito mag patakbo ng kompanya nila. Ako naman, napag disisyonan ko ng ipasa ang tungkuling ito sa kapatid kong si Kuya Gabby. Sa Ocampo na ako mag tatrabaho, gusto ko kasing makasama ang wife ko araw-araw. Sabi ko naman kasi sa inyo, si Erceles na ang priority ko ngayon. Wala na akong paki-alam sa pagiging CEO.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...