Everlie's PovAlam ko naman na mayaman ang pamilya ni Garii, pero di ko pa rin maiwasang di humanga. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganito kalaking mansion.
"Okey ka lang ba?" Tanong nito sakin habang binabaybay namin ang lobby ng mansion nila.
"Kapag ba kinasal na tayo, dito na din aki titira?" Tanong ko dito habang busy ang mata ko sa pag tingin sa paligid.
"Hindi, ayukong masilip ni dad and mom ang bawat galaw natin. I have my own house, pero hindi naman yun kalayuan dito."
Napatango nalang ako sa sinabi nya. Mas pabor naman yun sakin. Alam nyo naman, mahirap na ang makisama sa in laws, yun ang kadalasan kong naririnig sa mga may asawa na.
"Hon, nandito na sila!" Boses ng isang babae. Ilang sandali pa ay sinalubong na kami ng mom and dad ni Garri.
"Good evening po, Tito and tita." Nahihiyang bati ko sa mag asawa. Lumapit ako sa mga ito para mag mano.
"Tama nga ang sinabi sakin ni Rizza, napakaganda mo iha." Wika ng ama nito.
"S-salamat po." Nauutal na sagot ko dito. Hindi talaga ako sanay na sinasabihang maganda. Siguro dahil lang sa ayos ko kaya nag muka akong maganda.
"Tara na at nag hihintay na ang ating mga bisita." Nakangiting wika ng mom ni Garri at lumingkis na ito sa braso ko.
"Teka mom, anong bisita?" Pag tataka ni Garri.
"Yang mommy mo kasi, tinawagan na ang mga relatives natin about dito. Excited na ipaalam na may girlfriend kana." Sagot ng dad nito.
"Mom Naman!" Inis na wika ni Garri.
"Let's go na iha, ipapakilala kita sa mga soon to be Tito and Tita mo." Wika nito at hinila na ako nito palayo kay Garri. Nilingon ko si Garri, mukang nag aalala ito kaya nginitian ko to para iparating sa kanya na okey lang ako.
Nakarating kami sa garden na may swimming pool sa gitna. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga taong nakatingin samin.
"Everyone, Attention please!" Nakangiting wika ng mom ni Garri. Lumapit si Garri sa gilid ko, nagulat naman ako ng pinag dikit nito ang kamay namin. Ito ang unang beses na mag ka holding hands kami. Pakiramdam ko tuloy sobrang init, kahit ang totoo naman at malakas ang ihip ng hangin.
"Sorry kung biglaan itong family dinner natin. Sobrang saya lang kasi namin ni Gabriel dahil sa wakas ay may girlfriend na itong anak naming si Garri." Wika ni tita Rizza.
"Sorry po kung inilihim ko ang tungkol sa relasyon namin ng girlfriend ko. Family, I want to introduce to all of you, my very beautiful girlfriend Everlie Laine Castro." Pakilala ni Garri sakin.
"Hello po, kinagagalak ko pong makita kayong lahat." Nahihiyang wika ko sa harap nilang lahat.
Isa isang lumapit ang mga ito sakin at nakipag kilala. Hindi ko akalain na ganito kainit ang pag welcome nila sakin. Kadalasan kasi ng mga napapanuod ko sa drama, once na mayaman ang lalaki papahirapan or hindi tatangapin ang girlfriend nito.
After kong makilala ang mga tito at tita ni Garri nag simula na kaming kumain sa iisang table.
"Iha, paano ba kayo nag kakilala ni Garri?" Tanong ni tito Erick.
"Sa bar, medyo nakakahiya po pero broken hearted po kasi ako that night. " Sagot ko dito. Totoo naman na yun ang unang pag kikita namin.
"Kaya naman pala kahit anong pilit namin na ireto itong si Garri, palagi kaming tinatangihan. Yun naman pala ay may natitipuhan na ito." Wika naman ni tita Flor.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...