47

686 16 0
                                    

Everlie's Pov

Nagising akong wala na sa tabi ko si Garri. Pag labas ko ng kwarto, naabutan ko si Mariel and Cleo sa sala na seryosong nag uusap.

"Good morning love birds, naabutan nyo ba si Garri na umalis?" Nakangiting bati ko sa kanila. Nag katinginan yung dalawa na para bang nag tutulakan sila kung sino ang mag sasalita.

"A-ano kasi Everlie, si sir Garri kasi, ano." Sagot ni Cleo na parang hirap na hirap itong mag paliwanag. Kinakabahan tuloy ako, parang may mali kasi. Naupo ako sa sofa habang nakatingin dito. Sana ay mali itong kutob ko.

"Si sir Garri kasi, umalis na sila ng parents nya papuntang US." Wika ni Mariel na ikinagulat ko.

"Teka, bakit walang sinabi si Garri sakin kagabi? Okey na ba ang mommy nya? Bakit sila umalis, kelan daw sila babalik?" Sunod sunod na tanong ko. Hindi ko alam pero yung luha ko babagsak na. Kahit hindi nila sabihin sakin ang dahilan, malakas ang kutob ko na dahil ito sa nangyare.

"Sorry Everlie, pero wala kaming kasiguraduhan kung kelan babalik si sir Garri. Ang alam lang namin ay ginawa to ni Sir Garri para sa ikakabuti mo." Wika ni Cleo at doon na nga tumulo ang luha ko.

Habang tahimik akong umiiyak narinig kong may nag doorbell. Pinunasan ko ang luha ko at nakita ko si ate Lesley. Nag madali itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry Everlie, wala akong magawa sa disisyon ni mom and dad." Wika nito habang tinatapik ang likod ko.

Ito na ba ang ending namin ni Garri? Hanggang dito nalang ba talaga kami? Pero parang ang bilis naman, literal na after wedding hiwalay agad? Pero paano na yung totoong nararamdaman namin para sa isat-isa?

"Umalis si Sir Garri dahil alam nyang ito lang ang paraan para ma protektahan ka nya sa parents nya." Wika ni Mariel. Yung tingin nila sakin, alam kong awang-awa sila.

"Kilala ko si mommy at daddy Everlie, tiyak na papahirapan ka nila dahil sa pang loloko nyo ni Garri. Hindi nila matangap na ikinasal si Garri sa isang mahirap na katulad mo. Isang beses na silang na disappoint kay Gabby dahil sakin, at hangat maaga pa at kaya pa nilang itama, gusto nilang pag hiwalayin kayo." Wika ni ate Lesley sakin.

Wala na din namang dahilan para mag sinungaling ako kay ate Lesley. Isa pa nag tagumpay na ang parents ni Garri. Ano pang ipag lalaban ko kung si Garri na mismo ang nag disisyon para samin. Ito ang Plano nya, kaya bilang contract wife nya kailangan kong sundin ang gusto nya.

"Tapos na ang kontrata, tapos na ang pag papangap namin. Finally at hindi ko na kailangang mag sinungaling." Wika ko habang patuloy ang pag daloy ng luha ko.

Naiinis ako kay Garri, bakit hindi nya manlang sinabi sakin kagabi yung plano nya. Umasa pa naman ako na magiging maayos ang lahat. Nag tiwala ako sa kanya kasi si Garri sya, si Garri Austine Clinton na kayang gawin ang lahat pero bigo ako. Sino ba naman kasi ako diba? Isang hamak na binayaran nya para maging fake wife nya.

"Sorry Everlie, wala akong magagawa sa sitwasyon ni ni Garri. Hindi ko din nanaisin na pati ako ay pag initan ni mom and dad dahil ayukong mawala sakin si Gabby and Brielle." Wika nito at humiwalay na sa pag yakap sakin. Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan ang kamay nito.

"Don't worry ate, okey lang ako. Ang totoo nyan wala kang dapat ipangamba samin ni Garri dahil ang lahat ng ito at pag papangap lang." Sagot ko dito at napayuko nanaman ako. Muli nanamang tumulo ang luha ko.

Sh*t naman, bakit ba ayaw tumigil ng luha ko. Dapat talaga hindi ko hinayaan ang sarili ko na mahulog kay Garri. Panandalian lang pala yung saya ng pag ibig na binigay saming dalawa. Hinanda ko na dapat ang sarili ko sa ganito dahil hindi naman talaga kami nababagay sa isat-isa.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon