**Everlie's Pov**Nagising ako ng maramdaman kong may nag buhat sakin. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Garri.
"Sorry for waiting so long." Wika nito habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam pero parang tutulo nanaman ang luha ko. Wala akong idea kung anong oras na. Basta ang alam ko nakatulog ako sa kakahintay sa kanya. Gusto ko syang tanungin kung anong nangyare sa kanila ni Larra habang mag kasama sila sa iisang kwarto, pero may karapatan ba ako? Mananahimik nalang ako dahil sino ba ako para tanungin sya.
Dinala ako nito sa kwarto at dahan-dahang inihiga sa kama. Kinumutan ako nito at hinalikan sa noo. Kumuha sya ng silya at naupo sa harapan ko. Nakangiti lang ito habang nakatingin sakin. May nangyare ba? Bakit parang kakaiba ang mga kinikilos nya ngayon?
"K-kamusta yung lakad nyo ni Larra?" Tanong ko dito, naupo ako at sumandal sa headboard ng kama.
"Successful naman, sorry kung hindi ako umabot sa dinner natin." Nakayukong wika nito.
"Okey lang yun, naiintindihan ko naman na mas kailangan mong unahin yung company nyo. Isa pa, inabutan kayo ng malakas na ulan." Nakangiting sagot ko dito habang yung kamay ko hindi mapakali.
"Dalawang araw nalang at ikakasal na tayo." Nakangiting wika nito.
"Yeah, malapit ng matapos ange contract ko sayo. Makukuha mo na ang pagiging CEO ng company nyo." Wika ko dito.
Bumuntong hininga ito at lumapit sakin. Kinuha nya yung dalawang kamay ko at hinimas. Napalunok naman ako sa ginawa nito. Ramdam ko na para bang may kung ano sa sikmura ko.
"Pwede bang mag stay ka nalang sa buhay ko? Hindi ko alam kung anong mangyayare sakin pag nawala ka." Wika nito kaya lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Lasing ba itong si Garri? Ano ba tong pinag sasabi nya? Yung puso ko nag wawala na, hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sinasabi nya.
"Sa tingin ko mahal na kita Everlie." Wika nito sabay tingin sa mga mata ko.
Sh*t, what did he say? Mahal nya na daw ako? P-paanong nangyare yun! Isang Garri Austine Clinton mamahalin ang isang tulad ko?
"A-ano ba yang pinag sasabi mo Garri." Nauutal na wika ko dito at agad na umiwas ng tingin sa kanya. Inalis ko ang kamay nito sa kamay ko at agad na lumipat ng pwesto sa kama.
"Sinabi mo sakin na gusto mo na rin ako. Hindi mo pwedeng itangi yun sakin Everlie dahil ramdam ko din na mahal mo na ako." Wika nito at naupo na ito sa kama.
"A-ano bange pinag sasabi mo? At kelan ko naman sinabi yun sayo? Wag ka ngang gumawa ng kwento dyan!" Inis na wika ko dito. Wala naman talaga akong natatandaan na ganun.
"Nung gabing nalasing ka, sinabi mo sakin ng gabing yun at dito mismo sa kwarto inamin sakin na gusto mo na ako. Please Everlie, tell me that you love me too!" May pag mamakaawang wika nito sakin.
"Garri naman, akala ko ba hindi ka maiinlove sakin? Bakit mo naman ako pinapahirapan ng ganito. Hindi tayo pwede, kasinungalingan ang lahat ng ito." Mahinahong wika ko dito at napayuko nalang ako.
Ito naman talaga ang gusto ko diba? Yung mahalin ako ni Garri, pero bakit ang hirap tangapin? Bakit sobrang kumplikado kung parehas naman naming gusto ang isat-isa?
"Sinabi ko lang sayo na hindi ako mabilis ma Inlove, wala akong sinabi na hindi ako maiinlove sayo. Sino bang lalaki ang hindi ma iinlove sayo Everlie? Tell me?" Wika nito kaya natigilan ako.
Umalis ako ng kama, ewan ko ba pero trip kong mag lakad. Nandun lang ako sa gilid ng kama at pabalik balik na nag lalakad habang kagat kagat ko ang dulo ng hinlalaki ko. Ganito ako pag na p-pressure, pag kinakabahan at nag hahalo-halo ang mga emotions ko. Nawawala ako sa sarili dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...