59Erceles's Pov
Hapon na ng makarating kami dito sa Villa. Sinalubong ako ni Nanay Lucy ng mahigpit na yakap. I feel sorry for them dahil nadamay sila sa pag papangap namin ni Garri.
"Akala ko hindi na kayo babalik dito, nabalitaan kasi namin ang nangyare sa inyong dalawa. Lungkot na lungkot kami ni Daryo ng malaman namin na nag hiwalay na agad kayo after ng inyong kasal." Pag aalalang wika ni nanay Lucy.
"Kalimutan nyo na po yun Nay, ang importante mag kasama na ulit kami ngayon. Isa pa, totoong Mrs Clinton na po yang si Everlie." Nakangiting wika ni Garri.
"Excuse me Mr.Garrison, pero Erceles na po ang pangalan ko ngayon!" Pag tatama ko dito.
"Tsh, si Everlie ka pa din para sakin. Mapa Everlie at Erceles ka pa, asawa pa rin kita." Nakangising wika nito at nauna na itong mag lakad.
"Mabuti naman at okey na kayo ni Garri. Masaya talaga ako na mag kasama pa rin kayong dalawa. Akala ko hindi kana namin ulit makikita." Wika ni Nanay Lucy habang nakayakap ako sa braso nito.
Kwenento ko dito yung mga nangyare sakin. Tuwang tuwa itong malaman na isa akong Ocampo. Nakilala din kasi nila si mom and dad nung kasal namin ni Garri kaya talagang napaka liit daw ng mundo namin.
"Sayang lang talaga dahil kung kelan mahal nyo na ang isat-isa ni Garri, dun naman kayo pinag layo ng pamilya nya." Wika ni nanay at napabuntong hininga ito.
"Kilala ko si Garri, hindi nya gusto na iwan ka nalang ng ganun iha. Kung nasaktan ka sa nangyare, siguradong mas nasaktan si Garri dahil kailangan nyang mag disisyon. Kung lalabanan nya nung panahon na yun ang magulang nya, sa tingin mo ba kakayanin nyong dalawa? Kung nangyare yun, baka kamuhian nyo lang ang isat-isa dahil sa mga pag hihirap na dadaanan ninyo laban sa magulang nya." Wika ni Nanay Lucy kaya tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
Sa pag ibig kasi, kapag puro hirap na ang dumating sa inyo, tiyak na pang hihinaan na kayo ng loob. Hindi naman palaging malakas ang isang tao eh. Darating at darating na mapapagod na talaga ito. Dahil bawat tao, may limitasyon. Hindi palaging puro pag ibig ang pinapairal dito. Kaya nga maraming mag kasintahan na nag sasama Muna sa iisang bubong para makilala at makita ang ugali ng bawat isa. Minsan sa una lang sila masaya kahit pinangako na nila sa isat-isa na sa hirap at ginhawa ay magsasama sila. Pero paano nga pag puro hirap na, mananatili ka pa rin ba?
"Ngayong bumalik na kayo ni Garri, sana manumbalik din yung pag mamahalan nyo sa isat-isa. Ikaw ang unang pag ibig ni Garri, kaya sana ikaw na rin ang huli." Nakangiting wika ni nanay.
Pag dating namin sa lobby ng Villa, naabutan kong nakikipag tawanan si Garri kay Tatay Daryo maging sa mga impleyado nito.
Naalala ko nung araw ng kasal namin. Maraming alaala ang na buo sa resort na to. Isa ito sa lugar kung saan umusbong lalo yung pag mamahalan namin sa isat-isa.
"Paki-kuha naman ng mga gamit namin sa kotse." Wika ni Garri sa isa sa mga staff ng Villa. Ready naman pala itong si Garri, Akala ko sarili ko lang talaga ang dala ko ngayon. Talagang pinag handaan nila to ni mommy.
Hindi ko din lubos maisip na makikipag sagwatan sya sa magulang ko para lang mag kaayos kaming dalawa. Ang swerte ko talaga sa parents ko, supportive mashado. Ayuko nalang isipin ang magulang ni Garri. Ayukong masira ang buong bakasyon na to kasama si Garri.
"Tara na Mrs ko." Nakangiting wika nito sabay hila sa kamay ko. Wala na akong nagawa kundi sumama dito. Nilingon ko pa si nanay Lucy at tatay Daryo pero kumaway lang ito sakin. Mukang wala na talaga akong kawala sa pag kakataon na to.
"Ito ang unang araw natin bilang mag asawa. Anong gusto mong gawin?" Tanong nito habang umaakyat kami ng hagdan.
Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo yung kasal namin. Parang na nanaginip pa din ako hangang ngayon. Akala ko talaga tuluyan na syang mawawala sakin.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...