Lumipas ang pitong taon.
"Garri!!!" Malakas na hiyaw ni Erceles mula sa banyo. Muntik namang mahulog si Garri sa kama sa pag mamadaling mapuntahan ang asawa.
"Babe!" Pag aalalang tawag nito sa asawa nya.
"Manganganak na ako!" Muling sigaw ni Erceles kaya agad itong binuhat ni Garri.
"Mom, dad, what's that noise?" Iritadong tanong ng pangalawang anak nilang si Erriel.
"Manganganak na ang mommy mo, call your granny." Utos ni Garri dito habang nag mamadaling lumabas ng kwarto habang buhay si Erceles. Namumuo na ang pawis ni Erceles at namumutla na din ito.
"What's happening here? What happened to mom?" Pag aalalang tanong ni Errson, ang panganay na anak nilang lalaki.
"Manganganak na daw si mommy." Kalmadong sagot ni Erriel.
"What! Tapos ganyan lang ang reaksyon mo? Call Lola and Lola!" Inis na wika ni Errson dito.
"Sinong Lolo at Lola? Si Mimi Rizza ba or si Mamita Celes?" Nakangiting tanong ni Erriel sa kuya nito. Napahawak nalang sa sintido nya si Errson dahil sa inaasta ng kapatid nito.
"The both of them, hurry up Erriel!" Inis na wika ni Errson dito at sinundan na ang mommy at daddy nya.
-
Nasa kotse na si Garri at Erceles. Ito ang panget limang beses na manganganak si Erceles.
"Bwésit ka Garri! Sinasabi ko sayo, pag pahingahin mo na ang matres ko!" Inis na wika ni Erceles habang namimilipit sa sakit.
Simula kasi ng ipanganak nila ang panganay nilang si Errson ay taon-taon ng mabubuntis si Erceles. Ang panganay nila ay si Errson Hendrick na pitong taong gulang. Sinundan ito ni Erriel Serenity na anim na taong gulang. Isang taon lang itong pinag pahinga ni Garri at nasundan ulit ng pangatlong nilang baby na si Zaelle, edad apat na taon. Akala ni Erceles ay huli na si Zaelle ngunit nabuntis nanaman ito sa pang apat nilang anak na babae na si Elsietan edad dalawang taon at ang pang lima ay ang ipapanganak nya ngayon.
"I'm sorry babe, kasalanan ko ba kung mahal na mahal kita?" Tanong ni Garri sa Asawa.
"Sinasabi ko sayo, puputulin ko na talaga yang alaga mo!" Inis na wika nito kaya patawa-tawa nalang ang driver nila.
Gustong gusto ni Garri na mag karoon ng maraming anak dahil malungkot daw kapag isa or dalawa lang. Ang problema naging libangan na nito ang pag buntis kay Erceles.
"Hang on babe, malapit na tayo sa hospital." Wika nito sa asawa.
"After nito mag pa vasectomy kana ah, I'm begging you Garri, last na to!" Pag mamakaawang wika ni Erceles dito.
"Yes babe, I promise you." Wika nito sabay halik sa noo ng asawa.
-
**GARRI'S POV**
"Sige pa Mrs, iiri mo pa!" Wika ng doctor na nag papaanak kay Erceles. Hawak hawak ko ang kamay nya ngayon habang hirap ito sa panganganak.
"One more, nakalabas na ang ulo nya." Wika muli ng doctor.
"Babe, konting tiis nalang." Wika ko dito.
Mas humigpit ang pag kakahawak ni Erceles sa kamay ko. Buo buo na din ang pawis sa noo at muka nya kaya agad itong pinunasan ng doctor.
"Ito na Mrs, push!"
"Ahhhh!!!" Malakas na sigaw ni Erceles kasabay ang pag labas ng bunso namin. Agad na umiyak ang baby namin kaya napaiyak din ako.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...