Erceles's Pov
One week na ang lumipas mula ng bumalik kami ng manila ni Garri at simula nun ay hindi pa ulit kami nag kikita. Madalas itong tumatawag sakin para kamustahin ako at para din sabihin sakin kung gaano nya ako kamahal.
I want to visit his dad pero natatakot ako sa pwedeng mangyare. Baka ipag tabuyan ako ng mom nya at lalong maging panget ang tingin nito sakin.
Narinig ko din kay dad and mom na sisibakin na ang daddy ni Garri sa pwesto kaya busy sila ni kuya Gabby sa pag aasikaso nito. Kailangan nilang makuha ang loob ng mga ka partner nila sa Company nila dahil kung hindi, pwede itong mawala sa kanila.
"Mom, dad, can I have a favor?" Nakangiting tanong ko sa mga ito habang nag aalmusal.
"What is it sweetie?" Nakangiting tanong ni dad.
"Pwede ko bang pasukin ang Clinton's Empire?"
"What do you mean na pasukin anak?" Nakakunot noo na tanong ni mom.
"Gusto ko mag invest ng malaki sa company nila. Gusto kong tulungan ang husband ko mom. Ayukong nakaupo lang ako dito habang hinihintay sya.
"Sige, kayo lang naman ni Garri ang hinihintay namin na lumapit samin. Ayaw din naman kasi namin na pangunahan kayo. Kilala ko si Garri pag dating sa ganyang problema. Gagawa at gagawa yan ng sulosyon." Wika ni dad sabay inom ng tea nya
Bilang asawa nya, gusto kong tumulong sa problemang kinakaharap nila ngayon. Hindi na ako si Everlie na walang magawa noon. Ako na ngayon si Erceles, alam ko sa sarili ko na may ibubuga na ako.
"Tatawagan ko lahat ng mga business partners ko na ka partner ng Clinton's Empire. Hindi sila hihindi satin, kaya mag hintay ka lang anak. Makapasok ka sa Company nila Garri na walang nakakapansin." Nakangiting wika ni dad.
Excited na ako, ano kayang magiging reaksyon ni Garri pag nalaman nya to? Shempre isusurprise ko sya, at kapag na solve na ang problemang ito, pwede na ulit namin ituloy yung na udlot naming honeymoon.
Third personal's Pov
Tatlong araw ang lumipas at nag sama sama na ang mga kinatawan ng Clinton's Empire. Si Garri ang representative para sa katayuan ng ama nya. Dahil galit ang mommy ni Garri sa kanya, nakuha ni Roseben ang loob ng Ina nya para kalabanin sya.
Malaki ang kumpyansa ni Roseben na makukuha nya ang pwesto dahil ginapang nya na lahat ng member ng share holders. Walang alam si Garri at Gabby about dito. Malaki kasi ang tiwala ni Garri sa mga kinatawan ng company nila dahil matagal na nila itong mga kasama.
"Maari na ba tayong mag simula?" Tanong ni Garri sa mga kilalang tao na nasa harapan nya.
"Sandali lang Sir Garri, may isa pa po tayong hinihintay. Wala pa po si Mr Xerxes Lopez." Wika ni Mariel kay Garri.
Natigilan naman ang lahat ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mr Xerxes Lopez. (Sa mga nakakakilala kay Xerxes, sya yung bida sa baby sitter)
Ang ikinagulat ng lahat ay ang kasama nitong babae. Napakunot ang noo ni Garri dahil wife nya ang kasama nito. Gusto nyang lapitan si Erceles pero ngumiti lang ito sa kanya. Huminga sya ng malalim para ikalma ang sarili nya. May tiwala sya sa asawa nya, alam nyang nandito ito para tumulong sa kanya.
"Sorry kong na late ako Mr.Clinton. Ito kasing si Ms Ocampo mukang pinag handaan tong araw na to." Nakangiting wika ni Xerxes. Sobrang sama naman ng tingin ni Roseben kay Erceles. Takang-taka sya kung bakit ito nandito.
"Okey lang Mr.Lopez, by the way maari mo ba saming sabihin kung bakit nandito si Ms Alvarez? Hindi ba para lang ito sa mga kumakatawan sa Clinton's Empire?" Nakangising wika ni Roseben.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...