48

745 26 7
                                    

After 2 months

Third personal's Pov

  Naging tahimik ang social media tungkol sa pag hihiwalay ni Garri and Everlie. Binayaran ni Garri ang lahat ng media upang hindi ilabas ang usapin tungkol sa pag hihiwalay nila.

Nag patuloy si Everlie sa buhay nya kasama ang mga kaibigan nito. Kasama na din sya ni Yvette and Paula sa pag papatakbo ng flower shop.

Sa bawat araw na lumipas ay pilit na iniiwasan ni Everlie na maalala si Garri. Walang gabi na hindi ito umiiyak, hindi nya lubos ma isip na sa maikling panahon na pag sasama nila ay minahal nya ito ng sobra.

Napapangiti nalang din sya kapag naiisip na walang nangyare sa kanila dahil kung may nangyare sa kanila, tiyak na iiyakan nya ito ng sobra. Mahalaga sa kanya ang virginïty nya, dahil ito lang ang maipag mamalaki nya sa lalaking papakasalan nya ng tunay.

"Ako na dyan Yvette." Nakangiting wika ni Everlie at inagaw nito ang pag aayos ng mga Rosas. Kahit pagod na pagod na ito sa trabaho, pinipilit nya pa rin ang sarili na kumilos para lang malibang ang kanyang isip.

"Mag pahinga kana muna Everlie, mag bakasyon ka kaya." Wika sa kanya ni Yvette.

"Ano ka ba, kailangan kong kumayod." Nakangiting sagot ni Everlie sa kanya.

Kung tutuusin hindi naman na nya kailangang kumayod ng sobra dahil iniwan pa rin ni Garri ang 1M na bayad sa kanya bilang fake wife ngunit hindi nya ito ginagalaw.

"Sobra na kaming nag aalala sayo Everlie. Kahit hindi mo naman sabihin samin yang nararamdaman mo, kitang kita naman namin sa kinikilos at sa mga mata mo. You need a break, hanapin mo ulit yung sarili mo." Wika ni Yvette dito. Huminga ng malalim si Everlie at naupo sa silya.

"Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin Yvette. Hangang ngayon hindi ko pa rin sya makalimutan." Wika nito at nag simula ng umiyak.

Mula ng dumating si Everlie sa bahay nila. Ngayon lang nila ito nakitang umiyak sa harapan nila. Lumapit si Fabio dito at hinaplos ang likod ni Everlie.

"Sige lang Everlie, iiyak mo lang yan. Mauubos din yang mga luha mo. Naipon lang talaga yan dahil hindi mo nilabas nung nag break kayo ni Troi. Huwag mo ng isipin si sir Garri, mag simula ka ulit at kalimutan ang nakaraan." Wika ni Fabio dito.

Umupo ng maayos si Everlie at pinunasan nito ang lubang kumalat sa muka nya.

"Mukang tama kayo, kailangan ko ngang hanapin ang sarili ko para makapag simula ulit." Nakangiting wika nito.

"So anong balak mo?" Tanong ni Yvette.

"Mag babakasyon muna ako kahit dalawang araw lang. Siguro enough na yun para palayain ko ang sarili ko." Nakangiting wika nito.

@ Ocampo family

"Nahanap na po namin ang nawawala nyong anak na si Erceles" wika ng private investigator nila.

"T-totoo ba yan? Nasan ang anak ko?" Tanong ni Mrs. Ocampo habang nakayakap sa asawa nito. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng dalawa.

"Naninirahan sya ngayon kasama ang mga kaibigan nya. Napag alaman namin na matagal ng patay si Sebastian Castro, ang taong kumuha sa anak nyo."

"Sabihin mo samin kung san namin sya makikita. Anong pangalan nya at anong itsura nya?" Wika ni Mr. Ocampo.

"Ito po ang kanyang litrato, sya si Everlie Laine Castro, ang dating Asawa ni Mr. Garri Austine Clinton." Wika ng private investigator nito sabay abot ng larawan kay Mrs.Ocampo.

"S-si Everlie, si Everlie ang nawawala k-kong anak?" Nauutal na wika ng ginang at doon ito nawalan ng malay. Sa sobrang shock nito ay hindi na kinaya ng katawang lupa nya.

Dahil sa pagkawa ng malay nito, nag panic ang lahat maliban kay Larra. Dinig na dinig nya ang sinabi ng private investigator kaya kinuha nito ang larawang naiwan sa sahig upang kompirmahin kung si Everlie ba ito.

Nang makita nito ang picture ay tila nang lambot ang tuhod nya. Pailing-iling ito habang nanginginig ang kamay.

"H-hindi, hindi ito maari!" Wika nito at nag madali ng umalis.

"Hindi ako papayag na si Everlie at sir Erceles ay iisa! Inagaw nya na nga sakin si Garri, pati ba naman ang mga tumayong magulang ko aagawin nya pa din? Hindi talaga titigil ang babaeng yun. Sisiguraduhin kong hindi na nila maabutang buhay ang babaeng yun!"

**Everlie's Pov**

Katatapos ko lang mag impake ng mga gamit ko, dahil bukas na ang alis ko papuntang Palawan. Sana sa pag balik ko makalimutan ko na sya.

"Everlie, pwede ba kitang utusan?" Wika ni Yvette na nakasilip sa pintuan ng kwarto namin.

"Oo naman, ano ba yun?" Nakangiting sagot ko dito.

"Naubusan kasi tayo ng sugar, pwede bang ikaw na ang bumili? Baka kasi masunog yung niluluto ko. Naliligo pa kasi si Fabio." Nakangiting wika nito.

"Sige, no problem." Sagot ko dito at umalis na ito.

Dahil malakas ang ulan, nag hanap ako ng payong na magagamit. Nakakita naman agad ako, napakunot ang noo ko dahil wala naman akong ganitong payong. Siguro ay kay Yvette ito.

"Vette, gamitin ko na tong payong mo." Wika ko bago umalis.

"Hindi ba yan sayo? Nandyan na kasi yan sa kwarto mo nung lumipat ako dito." Wika nito na may pag tataka. Maging ako ay hindi din alam kung kanino to.

"Baka kay Fabio, naligaw lang sa kwarto ko." Wika ko at lumabas na ng  bahay.

Pag bukas ko ng payong, napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Garri, tapos ang logo ng company nila.   Sinugod ko na ang ulan at doon unti-unting bumabalik ang alaala kung paano napunta sakin ang payong na ito.

Napatigil ako sa park kung saan inabot sakin ng batang babae ang payong na ito. Ganitong oras din yun at malakas ang ulan. Yun yung araw na nalaman kong niloloko ako ni Troi.

Napakaliit pala talaga ng mundo namin ni Garri. Sya pala ang lalaking nag bigay sakin ng payong na ito dahil Nakita nyang umiiyak ako. Napayuko nalang ako ng muling tumulo ang luha ko.

"Ate okey ka lang ba? Umiiyak ka nanaman ba?"

Agad akong napalingon sa batang nag salita. Sya nanaman? Yung batang babae na inutusan ni Garri para ibigay sakin tong payong na hawak ko ngayon.

"Ang lungkot po talaga ng ulan Nuh." Wika nito habang nasa gilid ko. Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon. Pinunasan ko ang luha ko dahil nakakahiya naman sa batang ito. Palagi nya nalang akong nakikitang umiiyak.

"Huwag ka ng umiyak ate, nakakapanget ang pag iyak. Bahala ka, Ikaw din papanget ka nyan." Nakangiting wika nito kaya ngumiti na din ako.

"Gabi na, nasa labas ka pa rin." Wika ko dito. Gusto kong isipin na nandito sya, pero malabong mangyare yun. Iniwan nya na ako eh, hindi yun babalik para lang sakin.

"Pauwi na din po ako may binili lang. Huwag ka ng umiyak ate, bye bye!" At kamaway pa ito sakin. Huminga ako ng malalim at tumungo na ng tindahan.

Pabalik na ako ng bahay, mas lalong lumakas ang pag buhos ng ulan. Ayos din talaga itong ulan, nakikisabay sa nararamdaman ko.

Patawid na ako ng kalsada ng biglang.

"Booggggsssss!!!!"

Sa sobrang lakas ng pag kakabangga sakin ay nabitawan ko yung payong na binigay sakin ni Garri. Tila naging slow motion ang bawat pangyayare hanggang sa bumagsak ako sa kalsada.

Gusto kong kunin yung payong, pero hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Basang basa na ako, unti-unti ko na rin nararamdaman ang pananakit ng katawan ko.

Hinawakan ko yung ulo ko, tiningnan ko ang kamay ko na galing sa ulo ko. Kulay pula ang tubig, alam kong dugo ito. Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko.

"M-mahal na mahal kita G-Garri." Kasabay nito ang pag pikit ng aking mga mata.

Ito na ba ang katapusan ko?

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon