**EVERLIE'S POV**"Kami na ang bahala dito, sige na anak umalis na kayo para sa honeymoon nyo. Make sure lang na sa pag balik nyo may laman na yan." Wika ng mama ni Garri.
Wala sa plano namin ni Garri ang umalis dito sa Resort habang nag kakasiyahan sila. Jusme, bakit honeymoon naman agad. Pwede bang ipag pabukas ang pag alis namin.
"Good luck bro, dapat kambal agad." Wika naman ni Kuya Gabby.
"Triplets to kuya." Sagot ni Garri sabay akbay sakin.
Jusme naman talaga, hindi ko na alam gagawin sa pamilya ni Garri. Pinag tulakan na kami ng mga ito sa bridal car. May binigay na ticket si kuya Gabby papuntang Korea. Wala ding alam si Garri about dito. Sabi ni kuya Gabby yun daw ange gift nya samin ni Garri.
"Hoy Garri seryoso ka bang aalis tayo? Hindi pa tapos ang party." Wika ko dito.
"Kaya na nila yun, Isa pa gusto ko ng mag pahinga." Wika nito at agad na tinanggal ang sapatos nya.
"Talaga bang tutuloy na tayo sa airport?" Tanong ko dito.
"Yeah, tayo nalang ang hinihintay ng airplane." Sagot nito habang bagsak na sa sobrang pagod.
Yung pagod ko napalitan ng kaba. Sh*t naman, handa na ba akong ibigay kay Garri ang perlas ko? Naging tahimik ang byahe namin, ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng antok. Bahala na, nandito na kami kaya mag eenjoy nalang ako. Isa pa nandyan naman ang mga kaibigan namin. Siguradong hindi nila hahayaan si Larra sa mga plano nito.
-
"Babe gising na."Napakunot ang noo ko dahil sa malambing na boses ni Garri. Pag dilat ko ng mata ko nasa airport na nga kami. Bumaba na ng kotse si Garri. May mga photographer pa na nag hihintay samin sa labas.
Inalalayan ako ni Garri bumaba ng kotse. Bawat galaw namin ay may kumukuha samin ng video at picture hanggang sa pag sakay namin ng airplane.
"Sa wakas tapos na!" Wika ni Garri. Tiningnan ko ang mga kumukuha ng picture samin sa labas at umalis na rin ang mga ito.
"Mag bihis kana muna." Wika nito sakin sabay halik sa noo ko. Naupo ito at muling ipinikit ang mga mata nya. Mukang pagod na pagod talaga ito. Dapat talaga pinag pa bukas na nila tong pag alis namin.
May isang flight attendant na nag asikaso sakin. Mabilis naman akong nakapag bihis. Pag balik ko kay Garri mahimbing pa rin itong natutulog.
"Garri, mag bihis kana muna." Pang gigising ko dito. Bigla namang gumalaw yung eroplano kaya napabagsak ako kay Garri.
"Okey ka lang ba?" Pag aalalang tanong nito habang nakayap sakin. Oh my gosh sobrang lapit namin sa isat isa. Hindi ko talaga maiwasang di kiligin sa lalaking to kahit ilang beses nya na akong niyayakap at hinahalikan. Parang hangang ngayon kasi na nanaginip pa din ako.
"Napaka ganda mo Mrs ko." Wika nito sabay halik sa labi ko. Enebe nemen Gerre, kinikilig ako.
"Mag bihis kana muna." Awat ko dito.
Nakakahiya naman dun sa flight attendant na kasama namin. Mukang napansin nya din na naiilang ako sa kanya kaya umalis na to.
"Dito nalang kaya tayo mag honeymoon." Pilyong wika ni Garri.
Hinampas ko ito sa braso dahil baka may makarinig sa kanya.
"Mag bihis kana nga, sira ka talaga!" Kunyare ay inis na wika ko dito. Pa tawa-tawa naman itong pumanhik sa kwarto namin.
Simula ngayon, wala ng pipigil pa sa nararamdaman namin ni Garri para sa isat-isa. Alam naman namin pareho na mahal namin ang isat-isa. Hindi katulad nitong mga nakaraang araw na in denial pa kami. Ngayon bahala na kung san kami dalhin ng damdamin namin.
Hindi man totoo yung kasal, at least totoo na yung nararamdaman namin para sa isat-isa. Ito na ang simula namin, at handa na ako sa lahat ng pwedeng mangyare. For better or for worse, basta nandyan si Garri for me lalaban ako.
**Yvette's Pov**
"Paula sorry na, wag ka ng magalit dyan!" Medyo inis na wika ko dito. Kanina ko pa kasi syang sinusuyo pero hindi nya talaga ako pinapansin.
"Sorry na talaga, nag seselos ka ba kay Ian?" Tanong ko dito kaya tiningnan nya ako ng masama.
"Baby sorry na kasi, ano bang dapat kong gawin para hindi kana magalit ng ganyan." Tanong ko dito dahil konte nalang tutulo na ang luha ko. Feeling ko talaga pinag taksilan ko sya dahil sa hindi nya pag kibo sakin.
"Ikaw lang naman yung gusto ko eh, kahit na Akkla ka, kahit na hindi mo ako mahal, kahit na nang babae ka sa harapan ko, ikaw pa rin naman yung mahal ko eh. Kaya bakit ba nagagalit ka sakin ng ganyan?" Tanong ko dito at talagang tumulo na ang luha ko.
Para akong súnga na nakikipag usap sa tuod. Nakatalikod lang si Paula sakin habang ako nakahawak sa braso nya habang umiiyak.
Napapahod na ako sa totoo lang. Pagod na yung lamang lupa ko, kaya please lang Paula huwag mong sabayan ang pagod kong ito dahil baka mapagod na rin ang puso ko.
"Shhh, tahan na." Wika nito at sa wakas ay niyakap nya ako. Hinimas nito ang likod ko kaya mas lalo akong naiiyak.
Sa wakas ay kinausap na rin ako ng baklang to. Ang hirap nya palang mag tampo.
"H-hindi kana ba galit sakin?" Nauutal na tanong ko dito. Para akong bata na umiiyak sa harap nya.
"Hindi na." Wika nito at pinunasan ang luha ko. Nang kumalma na ako sa pag iyak kinuha nito ang kamay ko. Hindi ko alam kung para saan ito pero mag ka holding hands kami ni Akkla.
Hinila ako nito, hindi ko alam kung san nya ko dadalhin. Hindi na ako nag reklamo at galak na galak pa yung puso ko dahil sa inaasta nito ngayon.
Ilang sandali pa nakarating kami sa rooftop ng villa. Mula dito sa taas ay tanaw namin ang mga nag kakasiyahan sa baba. Ito ang unang beses na nakaakyat ako dito. May maliit na swimming pool dito at kubo. May hidden place pala ang villa na to.
"Paano mo nalaman ang lugar na to?"
"Sinabi lang sakin ni nanay Lucy kahapon." Sagot nito habang nakatingin sa dagat.
Para sakin romantic na tong ginagawa namin ni Fablito. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin. Minsan lang ito mangyare kaya susulitin ko na. Baka kasi bukas si Paula nanaman sya. Naisip ko tuloy, hindi kaya may dalawang personalidad tong si Akkla, katulad dun sa mga napapanuod ko sa
Tv."Yvette." Tawag nito sa pangalan ko. Ilang sandali pa ay humarap ito sakin habang hawak ang mga kamay ko.
"Naguguluhan ako sa sarili ko simula nung gabing nalasing ka. Sobrang naiinis ako sayo dahil inamin mo sakin na gusto mo ko. Hindi ikaw yung tipo ko dahil lalaki naman talaga ang gusto ko. Pero ginulo mo ang puso't isip ko. Nagagalit ako sayo kasi hindi ko na kilala ang sarili ko." Wika nito kaya napalunok nalang ako.
Hindi ko alam kung para saan itong pinag sasabi nya ngayon, pero malakas ang kutob ko na may ginawa ako na tama or mali.
"Yung 1st kiss natin na nasundan pa ng ilang beses. Masasabi kong hindi na nga ako ang dating Paula na nakilala nyo. Thank you Yvette, thank you for loving me." Wika nito at kasunod nito ang pag lapat ng labi nya sa labi ko.
This time with feelings na, napangiti ako dahil alam kong successful lahat ng ginawa kong pag titiis kay Paula. Nilagay ko sa batok nya ang dalawang kamay ko at nag response sa halik nito. Yung puso ko, umiiyak dahil sa tuwa. Finally, tapos na ang pag hihirap ko.
"I love you Baby ko." Wika nito sakin at muling hinalikan ang labi ko. Itotodo ko na to mga beshhh, hindi ko na papakawalan ang lalaking to!
Sa wakas ay nag bunga din ang pag susumikap ko.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...