**Erceles Pov**Napahawak ako sa braso ni mom and dad ng mapag tanto ko na sa table ng mom and dad ni Garri kami sunod na pupunta. Napansin ko din ang kasama nilang babae, hindi ito pamilyar sakin. Siguro ito na yung fiance ni Garri, pero nasan si Garri? Bakit hindj sya kasama ng dad and mom nya? Dahil ba alam nyang ako si Erceles? Kaya ba di sya sumama dahil ayaw nya akong makita?
"Mr and Mrs Clinton, it's nice to see you again." Bati ni mom sa mag asawa at nakipag beso ang mga ito. Parang ang awkward lang sa pakiramdam ngayon. Hindi ko nga alam kung anong sasabihin sa mag asawang ito.
"Iha" Tawag sakin ng mama ni Garri. Napalunok ako bago lumapit dito.
"Long time no see po, Tito and Tita." Bati ko sa mag asawa. Nakatitig lang ang mga ito sakin.
"Hindi ba ito pag papangap? Talaga bang anak nyo si Everlie?" Wika ng Ina ni Garri. Napayuko ako dahil sa sinabi nya. Pati totoong pag katao ko pinag hihinalaan nya na. Di ko sya masi-sisi dahil minsan na akong nag panggap sa kanila.
"Kalimutan nalang natin yung nangyare between Garri and Everlie. Isa pa, biktima lang din ang anak namin dito Rizza. It's all Garri's fault, tingnan mo at tinapon nya nalang na parang basura ang anak namin nung nag kaalaman na." Pag tatanggol sakin ni mom.
Medyo nakakaagaw na kami ng pansin dahil pinag titinginan na kami ng ilang bisita.
"Mom enough na po, hayaan na po natin yung nakaraan." Wika ko kay mom. Narinig ko naman ang pag buntong hininga nito.
"Sorry po tita, sorry po kung nagawa kong mag sinungaling sa harap nyo. Pero hindi ko gustong mag sinungaling sa inyo noon about sa pag katao ko. Yung anak nyo mismo ang nag plano ng lahat ng yun, kaya kung hindi ko po ako mapapatawad wala na po akong magagawa." Sagot ko sa Ina ni Garri.
"Babe!" Wika ng babaeng kasama nila. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdamang may ibang tao sa likuran ko.
Agad na nilapitan ito nung babae at hinila ito sa papunta sa harapan namin. Hindi na ako nagulat ng makita si Garri. Wala itong pinag bago, gwapo pa rin sya tulad ng dati. Nag katitigan kaming dalawa habang nakayakap yung babae sa braso nya.
"Garri/Everlie" Sabay na tawag namin sa isat-isa. Ngumiti ako dito at kinamayan sya.
"Congrats, ikakasal kana pala." Nakangiting wika ko dito.
"Oo, at ako ang fiance nya. Nice to meet you, I'm Roseben." At ito ang sumalo sa pakikipag kamay ko kay Garri.
"No, hindi ako pwedeng mag pakasal sayo Roseben. Everlie, we need to talk." Wika nito at hinila ako sa braso.
Wala akong nagawa dahil hila hila ako nito. May si Jonathan samin at hinarangan si Garri.
"At sino ka naman, umalis ka sa harapan namin!" Inis na wika ni Garri. Umalis nga si Jonathan at lumipat sakin, kinuha nito ang isang kamay ko at hinila ako kaya napa bitaw si Garri sakin. Kita ko sa mga mata ni Garri ang galit.
"Erceles, okey ka lang ba anak?" Pag aalalang wika ni mom ng maabutan kami nito.
"Please Garri, tama na. Ayuko na ng gulo kaya tigilan na natin to." Pag mamakaawa ko dito.
"Dahil ba sa lalaking yan?" May hinanakit na wika nito sabay turo kay Jonathan. Wala na akong maisip na paraan kaya yumakap ako sa braso ni Jonathan.
"Oo, si Jonathan na ang nag mamay-ari ng puso ko kaya please lang Garri tigilan mo na ako." Sagot ko dito kaya parang nanghina ito sa sinabi ko.
Ilang sandali pa dumating ang mga kaibigan namin. Si Cleo, Mariel, Yvette and Fabio.
"Sir Garri, mas mabuti pang sa susunod mo nalang kausapin si Everlie." Wika ni Mariel at inakay na nila paalis si Garri. Ngunit bago ito tuluyang umalis ay lumingon pa ito sakin. Kita sa mga mata nya ang kalungkutan. Bakit parang ang sakit sa part ko na makita yung reaksyon nya?
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...