Everlie's Pov
Ito ang pangatlong araw namin dito sa Korea. Paalis na sana kami ni Garri ng biglang mag ring ang phone nito. Sinilip ko pa yung phone nya para makita kung sino yung tumatawag at nakita kong si Mariel to. Ang totoo nyan kanina pa akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali.
"What? How is she?" Wika ni Garri dito. Bakas sa muka ni Garri ang pag aalala.
"Paanong nalaman nya? Sinong nag sabi? Sige babalik na kami dyan." Wika nito at napabuntong hininga.
"What happened?" Tanong ko dito at pabagsak itong naupo sa sofa.
"Nasa hospital si mom, she knows everything about you." Napayuko ito at napasabunot sa buhok nya.
"P-paanong nalaman nya?" Nauutal na sagot ko dito. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sigurado akong si Larra ang may kagagawan nito. Sya lang naman ang nakakaalam ng tungkol sakin.
"We need to go back to the Philippines. Huwag na muna natin isipin ang pwedeng mangyare satin. Si mom ang mahalaga ngayon." Wika nito kaya tumango nalang ako bilang pag sang-ayon.
Ang bigat lang sa pakiramdam dahil nangyare ito sa mom nya. Nag bunga na nga ang pag papangap namin ni Garri.
Habang nasa airplane kami, hindi mapalagay si Garri. Sa totoo lang, nawala ang sweetness nito sakin. Siguro dahil sa sobrang pag aalala nito sa mommy nya.
Pag dating namin ng Pilipinas, pinahatid nya ako kay Cleo and Mariel sa condo. Babalitaan nya daw ako kung anong lagay ng mommy nya. Alam ko din na iniiwas nya ako sa parents nya. Ako din naman, hindi ko alam ang mukang ihaharap ko sa magulang nya.
"Hindi naman nila alam ang tungkol sa pag papangap nyo ni Garri. Ang alam lang nila ay yung galing ka sa mahirap na pamilya." Wika ni Mariel. Nandito na kami sa condo, sobrang bigat ng atmosphere dahil sa nangyare.
"Mag ready kana sa pwedeng mangyare Everlie. Tiyak na mag babago ang pakikitungo sayo ng parents ni Sir Garri." Wika ni Mariel.
"Oo alam ko yun, hindi ko lang talaga ini-expect na ganito ang mangyayare. Akala ko kasi mag papakasal lang kami ni Garri, then mag hihiwalay. Hindi ko inaasahan na sa ganitong pangyayare." Sagot ko dito at napapikit nalang.
Sana ay nasa maayos na kalagayan ang mommy ni Garri. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyare sa kanyang masama.
"Sa ngayon mag hintay nalang tayo sa sasabihin ni Sir Garri. Huwag mong sisihin ang sarili mo dito Everlie dahil si Sir Garri ang nag plano nito. Sya ang gumawa ng gulong ito kaya dapat sya din ang umayos nito." Wika ni Cleo sabay abot ng cup of coffee samin ni Mariel.
"Tama si Cleo, hindi mo kagustuhan to Everlie. May tiwala pati ako kay Sir Garri na magagawan nya ng sulosyon tong problema nyo. Nagawa mo naman ng maayos ang trabaho mo sa kanya." Nakangiting wika ni Mariel sakin.
Nagawa ko ba talaga ng maayos? Pero bakit nauwi kami sa ganito? Wala talagang sekretong hindi nabubunyag.
Ang ikinakatakot ko ay kapag nalaman nilang nag papangap lang kami ni Garri. Tiyak na hinding hindi nila kami mapapatawad.-
12midnight na at umalis na si Cleo and Mariel. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin ang call or text ni Garri pero wala talaga itong paramdam sakin.
Kinakabahan na ako, what if iwanan nya na ako? What if kung sabihin nyang tapusin na namin ang pag papangap at ang nararamdaman namin sa isat-isa? Dito na ba nag tatapos ang lahat para samin?
-
**Garri's Pov**
Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay dad. Ito ang unang beses na pinag buhatan ako ng kamay ni Dad.
"Paano mong nagawang mag sinungaling samin Garri dahil lang sa isang babae!?" Inis na tanong ni dad. Si mom nakahiga sa hospital bed habang umiiyak.
"Sorry dad if hindi ko sinabi ang katotohanan about sa totoong pag katao ni Everlie. Natatakot lang ako sa pwedeng mangyare, ayukong maranasan yung naranasan ni kuya Gabby at Ate Lesley." Nakayukong sagot ko dito.
"I'm so disappointed to you! Sobrang laki ng tiwala namin sayo ng mommy mo pero mas masahol ka pa sa kuya mo!" Muling sigaw ni Daddy sakin.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayare. Akala ko umaayon ang lahat sa plano ko. Okey na sana kung hindi nila nalaman ang pag katao ni Everlie. Makakapag simula na sana kami ng maayos kung hindi lang naki-alam si Larra. Humanda sakin ang babaeng yun, hindi ko papalampasin tong ginawa nya.
"Hiwalayan mo ang babaeng yun hangat maaga pa. Hindi ako papayag na mapupunta ka lang sa katulad nya. " Wika ni mom kaya napalingon ako dito.
"P-pero mom, mahal ko si Everlie. Hindi ko sya kayang iwan ng ganun-ganun nalang." May pag susumamo na sagot ko dito.
"Sige Garri, pumili ka. Kami na pamilya mo at ang kompanya? O ang babaeng manloloko na yun!" Sigaw ni mommy.
"Mom, wala namang kasalanan si Everlie dito. Ako ang may kagustuhan na mag pangap sya na kauri natin. Sakin nalang kayo magalit mom, huwag nyo na idamay si Everlie." Pag mamakaawa ko Dito.
"Hiwalayan mo si Everlie at titiyakin kong mabubuhay pa sya ng normal. Mamili ka Garri, si Everlie o kaming pamilya mo." Wika ni mom habang nakatingin ng masama sakin. Napailing nalang ako at lumabas ng room nito.
Hindi ko akalain na ganun kabilis ang magiging disisyon nila. Kilala ko si mom, hindi sya nag bibiro sa bawat salitang binibitawan nya. Pero paano si Everlie? Paano nalang kaming dalawa?
Kung ipag lalaban ang pag mamahalan naming dalawa, tiyak na papahirapan sya ni mom. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ko sya dinamay sa plano kong ito, hindi nya mararanasan ang lupit ng magulang ko.
2am ng makarating ako ng condo. Naabutan ko si Everlie na natutulog sa sofa habang hawak ang cellphone nya. Binuhat ko ito at dinala sa kwarto namin. Hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganito. Sobrang napamahal na ako kay Everlie. Marami akong natutunan sa kanya specially is love. Paano nalang ako kung mawawala sya? Wala manlang akong nagawa, isa lang ang paraan para ma protektahan ko sya. Hinalikan ko ito sa noo kaya nagising ito.
"Kanina ka pa ba? Kamusta ang mommy mo?" Malambing na tanong nito. Umayos ito ng upo at humarap sakin.
"She's fine" nakangiting sagot ko dito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung mga sinabi ni mom. Hindi deserve ni Everlie ang masaktan dahil sa mga kasinungalingan ako ang may gawa. Biktima lang sya dito, hindi ko kakayanin kapag pinag salitaan sya ng masasakit ni mom and dad. Kung pwede, ako nalang huwag lang sya.
"Matulog na tayo, alam kong pagod ka pa sa byahe. Good night babe, I love you." Wika ko dito sabay halik sa labi nya.
Hindi ko alam kung ito na ba ang huling Gabi na mayayakap at mahahalikan ko sya. I'm sorry Everlie, I'm sorry kung sa ganitong paraan tayo nag kakilala at sa ganito rin tayo mag tatapos.
"I love you too Garri." Nakangiting sagot nito sakin at hinalikan din ang labi ko.
Sorry Everlie, ito lang ang naiisip kong paraan para bumalik sa normal ang buhay mo. Ito lang ang paraan para ma protektahan kita, sana mapatawad mo ko.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...